EXO.
Nakita ko na naman ‘tong lalaking ‘to..
May crush kasi ‘to kay Bata.
“Lychee? Hinahanap kita kanina pa..”
“Aah..heheh, kumain po kasi ako sa rooftop po” sabi ni bata na kasalukuyang nasa likod ko pa. Ang biik naman nito, ang bigat! Luh.
“Ganun ba? O sige, babye. Pero bakit ka nakasakay sa lik--“
“Ah wala na po ‘to. Sige na po babye!” sabi ni bata.
No care. 'Di naman kasali sa kwento yung lalaki, ni hindi ko nga alam yung pangalan nun eh, palagi ko lang napapansin na sunod-lang ng sunod kay bata = o =
------------------
Grabe inaantok ako. Nakakatamad naman kasi ang Physics. Pero paboritong subject ko 'to.
Nakapangalumbaba na nga ako eh. Buti pa 'tong si Nerd..
Tapos tiningnan ko yung gilid ko, nagulat ako siyempre, kasi si Bata na yung katabi ko.
"Oy, ba't ka nandiyan?" maangas kong tanong sa kanya.
Hindi niya ako pinapansin. Ok.
Tapos, nagsulat siya, kina-copy niya yung mga isinulat ni Maam sa board. Teka, maganda din naman pala 'tong handwriting ni Bata.
No care. Inaantok ako kaya naman inihiga ko na lang yung ulo ko sa desk ko..
"Aray!" naiangat ko naman yung ulo ko. Pakshet! Nangungurot basta basta!
"What's going on? Mr. Escovela? Mind to share?"si Maam.
"Kasi po teacher, si Kuya Exo po natutulog po kaya po kinurot ko." tapos nagtawanan naman yung mga classmates ko na walang magawa sa buhay = o =
"Lychee, dapat isinumbong mo na lang kay teacher, kasi bad ang nangungurot eh" explain ni Maam. Lenchak na bata!
"Sige po Maam Teacher. Kinurot ko po siya para po mawala yung po antok niya." ah ganun? epektib! sobra! sarcastic ako. Pota.
-------------------
Ampootek! Ba't ba dikit na dikit sa akin 'tong babaeng 'to? Este itong BATANG 'to?
"Oy, Kuya Santi! Pa-back ride puh-leease? Chigi na pleaase?!" ay shet! KUYA SANTI? Pota.
"Oy, di Santi name ko, ang name ko. Exo. Kuya EXO." paliwanag ko sa slowpoke na batang 'to.
"Yaak! Pangit yun eh, mas gucho ko Santi, Kuya Santi mas maganda kasi parang name ng angel! Kapag po kasi Kuya Exo parang bad eh! beh!" Sabay dinilaan pa ako. Pota, baka mapatay ko 'to.
"Hoy ISIP BATA! Magbago ka na nga!" tapos nauna na akong naglakad habang nakalagay sa bulsa ko ang mga kamay ko para cool.
Pero hinabol na naman ako ni bata at kumapit pa sa braso ko. Lintek! Di ba pwedeng umiwas muna siya kahit isang minuto man lang?!
"Eh ano pong babaguhin ko?" tanong niya tapos inikot ikot niya 'yung dulo ng buhok niyang naka-pigtails.
"Yung SARILI mo mismo." tinanggal ko yung kapit niya sa braso ko at tumakbo ako ng mabilis.
At narinig ko siyang sumisigaw:
"NYAAAAAH! Do-do you mean, from CHILDISH TO MATURE?!!" yeah, that's what I mean. Matino din naman pala ang pag-iisip niya..
---------------
LYCHEE.
Crush na crush ko talaga si Ex-- este si Kuya Exo. Kaya nga nagpapaka-childish ako para malapitan ko siya 'everytime'. Oo na ako na ang adik. >v<
Pero nung sinabihan niya akong magbago 'raw'?
Ibig sabihin ba nun na kapag nagbago ako, magugustuhan na niya ako?
Kaso, di ako sanay eh. Ganito na rin naman kasi ako. Childish eversince.
Mabuti sana kung kagaya ko yung ate ko, mature na masyado.
Feel ko nga, ang clingy ko na kay Kuya Exo. Baka iniisip niya fancy na ako masyado sa kanya which is totoo naman. Pero anong magagawa ko? Eh sa gusto ng crush ko na magbago ako eh, edi magbabago ako para sa kanya, pero diba Opposites attract? pero minsan, di naman yun effective eh. Desperate na ba talaga ako? No way!
Si Kuya Exo- MATURE
Si Baby Lychee- CHILDISH >w<
T^T Sige na nga, magbabago na ako. Para sa kanya. Hay masyado na nga talaga akong nababaliw! As in last year ko lang 'to naramdaman. Di ko nga alam kung bakit ako nagkagusto kay Kuya Exo eh. Love has its own meaning nga talaga *pout*
BINABASA MO ANG
From Childish to Mature?! {Fin.}
Short Storyshe's childish she's mature- wait whut from childish to mature?! baby are you sure