Si Yoonie po- at si Exo.---->
EXO.
Hindi na naman pumasok si Babae [Lychee] AISH! Ba't ko ba siya inaalala?
Inaalala ko lang 'yung ginawan niyang kahihiyan kahapon sa akin, iniwan ba naman ako dun sa Internet Shop. Oo yun ang inaalala ko.
Palabas na ako sa room nang may bigla na lang may nagmamadaling pumasok kaya napatabi ako sa ilid ng pinto ng biglaan. Tapos tiningnan ko 'yung taong 'yun..si Lychee pala, LATE na naman.
"Oh? Anong tinitingin-tingin niyo?!" sabi niya ng pasigaw atsaka umupo sa seat niya. Mukhang wala ata siyang mood. Inalis ko na 'yung tingin ko sa kanya at lumabas na sa room at tumungo sa canteen.
"Iba na talaga si Bata, dati malapit lang ako sa kanya ngayon sobrang layo na. Tsk" bulong ko sa sarili ko habang umiiling.
Habang nasa canteen..habang pumipila ako para magbayad sa cashier..may narining akong sigawan.
"T@ng'na mo! Mag-dahan dahan ka nga! Leche! Sobrang ganda ng araw ko ngayon ah Haha!" agad akong napatingin kung saan man nanggaling 'yung sigaw na 'yun at tama nga ang hula ko, si Lychee na naman.
"S-sorry po."
"wala ng magagawa 'yang SORRY mo! Isaksak mo na lang sa baga mo, baka may mangyari pa! Puch@ lang men! Mag-hinay hinay kasi, ayan tuloy nakabangga ka ng isang tigre!" sigaw niya tapos kinuha niya yung baso na may lamang tubig sa mesa na nasa gilid niya at ibinuhos 'dun sa babae.
"Oh ayan, para quits tayo..malamig diba? tamang-tama lang 'yan, masyado nang mainit ang panahon, magpalamig ka muna" nang sinabi niyang 'yun, nagtawanan at nagpalakpakan ang mga estudyante. Pota, wala bang aawat sa kanila.
Teka pamilyar 'yung babae ah? Medyo lumapit ako at nang mapansin ko kung sino, napamura na lang ako "Fvck!" sabi ko at agad-agad na lumapit 'dun sa bestfriend ko na nabiktima lang naman ni Lychee.
"Kita mong nagso-sorry na yung tao oh!" sigaw ko sa kanya.
"And so? pake ko?! Eh sa ayokong tanggapin yung sorry niya, may magagawa ka ba?" sabi niya habang naka-crossed arms tapos nakataas yung kilay.
"Tanggapin mo na 'yung Sorry niya!" sigaw ko ulit sa kanya.
"Leche! Ikaw ba ang t@nga-t@ngang bumunggo sa akin, kaya natapunan ako ng sandamakmak na mga pagkain na 'to, sobrang lamig at malagkit na Juice at ang nakamantsa damit ko!? Ha?! Ikaw ba?! Amputs."
"Wala akong pake! Basta tanggapin mo 'yung sorry niya at mag-sorry ka din!"
"Nyemas! Kung gusto mo ako mag-sorry, pwes kayo nalang ang mag-sorry sa isa't-isa! Mga Lettuces kayo! hutanghena!" wika niya atsaka tinalikuran kami.
pero habang nakatalikod siya.."binabalaan ko kayo, wag kayong mag-tangkang lumapit sa akin at baka kung anong magawa ko." and with that, umalis na siya.
Unti-unti na ring nagsialisan ang mga tao..Tinulungan ko si Yoonie na tumayo at pinatuyo yung basa niyang damit. Buti 'di siya umiyak.
"Ba't ka ba kasi nandito?" umupo muna kami sa bench dito sa canteen.
"Gusto ko lang naman na bisitahin ka, tapos ayun bumili na lang muna akong pagkain habang hinihintay ka, tapos sa di sinasadya may naka-sagi lang s akain at hayun natapunan yung babae..Kaklase mo ba 'yun?"
"Yun pala ang nangyari. Ah Oo, kaklase ko siya."
"Bestfriend, hintayin na lang kita sabahay niyo ha? Uwi na ako, medyo mainit na ako dito eh.." sabi niya, tapos tumayo siya at kumaway sa akin "Babye" at saka umalis.
Bumalik ako sa classroom. At nilibot ko 'yung tingin ko, wala si Bata..pati 'yung bag niya, wala rin, nag-cutting na naman ata? Sa bagay..nagbago na 'yung tao.
Pero..ang iniisip ko, ang dami na niyang kasalanan na nagawa sa akin. Ano bang meron sa kanya at sobra siyang nagbago?
--- Weeks later..
Nung mga nakaraan linggo..napansin ko na palagi na lang umaabsent si Lychee, at kung papasok man siya, pagkatapos ng isnag lesson, uuwi na naman siya. Ano kayang nangyayari sa kanya?
Kung hindi naman siya nagca-cutting palagi niyang kasama si Lindsay pati yung alalay 'nun at gumagawa ng krimen, este kasamaan sa school.
Pero ang mas di ko kayang tanggapin na nangyari sa akin nung mga linggong 'yun ay nang malaman ko kung bakit, umuwi ang bestfriend ko galing ibang bansa, ay dahil pala, sa Fiance niya, magkikita pala sila. Sabi niya pa, tulungan ko daw siyang magpaganda, eh lintek na! di nga ako marunong sa ganyan..pero nakita ko 'yung saya at ngiti sa mga mukha niya..lalo na nung araw nang date nila ng Fiance niya, kalaunan ay tinanggap ko na rin na hindi siya para sa akin na..
hindi nga talaga para sa akin si Yoonie.
Papasok na ako sa school..Sumakay ng bus, pumasok sa loob ng campus, naglakad sa corridors at pumasok sa classroom, ibinagsak ang bag at umupo.
Pagkaupo na pagkaupo ko ay pumasok naman si Lychee! Parang iba ang aura niya ngayon ah..
"Good Morning po mga Classmates!? How are you today po?" sabi niya sa harap habang may kinakain na lollipop at saka kumaway sa amin. Halos manlaki 'yung mga mata ng mga kaklase ko at napanganga, pati rin ako ganun ang reaksyon pero siyempre hindi ko pinapahalata. Bakit..
Bakit..bigla na naman siyang nagbago? May sayad ba siya sa utak niya?
Ampot@! Grabe naman 'to! Sobrang naguguluhan na talaga ako. Pakshet.
---
Marami pong mga bad words. Sana po maunawaan niyo. Kaya po nasa PG-13 ito, dahil nga po diyan, Childish-chuchu nga po yung title, pero yung content hindi. Kaya sana maintindihan nio po.
Salamat po sa paghihintay! ^o^v God Bless! Comment or Vote po kayo if nagustuhan lang.
cbmhaeiiy.
BINABASA MO ANG
From Childish to Mature?! {Fin.}
Short Storyshe's childish she's mature- wait whut from childish to mature?! baby are you sure