Hello po sa mga FCTM Readers!? Sorry po kung wala na pong chapter 10..Hindi ko po kasi talaga alam kung anong magiging ending nito. Kaya sana po kung ano man ang ending nito, ay magustuhan niyo.
Please po don't expect too much >w< sana po magustuhan niyo!
---------------------
L A S T - C H A P T E R
(N A R R A T I O N)
Nagsimula nang mag-ayos ng kanyang gamit si Lychee, "Ate, paki-bilisan naman oh, kailangan ko ng pumasok.." Paki-usap niya sa kanyang Ate Cherry.
"Lintek Lychee! Atat ka masyado eh!" sigaw niya kay Lychee. "Sorry po." at napayuko na lamang ang kapatid.
Pagkatapos mag-ayos ni Lychee ng kanyang gamit pampaaralan, ay kasama niyang pumasok ang kanyang Ate Cherry sa loob ng van. At pagkatapos ng mahabang biyahe patungo sa paaralan ni Lychee ay nakarating na rin sila.
Nang makapsok na sila sa loob ng paaralan ay pinagtitinginan sila ng mga estudyante, si Lychee naman ay medyo nahihiya kaya nakayuko na lamang siya habang naglalakad at tinatago ang kanyang mukha gamit ang kanyang bangs. Habang, ang kanya Ate naman ay walang pakialam, at kinukutkot na lamang ang mahahabang kuko nito sa kanyang mga daliri.
"Ate, get ready na, nandito na tayo sa tapat ng room ko." paalala niya sa kanyang ate. "I know Lychee, hindi ako bulag." at inirapan na lamanag siya nito. Sinimulan nang buksan ni Lychee ang pinto at humakbang. "Go lychee!" pagpapakalma niya sa kanyang sarili. "Lintek Lychee! Kabaduyan! Bilisan mo nang matapos na tayo, magpapa-facial pa ako mamaya eh!" reklamo ng Ate niya.
Pumasok na siya sa kanyang silid-aralan, at nagsimulang lumibot ang mga mata niya.
"Wala pa siya?" tanong ng isipan niya.
"Hi Classmates?!" kumaway siya sa mga kaklase niya kaya naman nakuha nito ang kanilang mga atensyon. "Hi baby Lychee! Mabuti at pumasok ka na, maghahanda na kasi tayo para sa JS PROM." wika ng kanilang Class President."Ah, mga classmates ko, may sasabihin po kasia kong importante sa inyo." naglakad si Lychee, papunta sa may tapat ng teacher's table at yumuko, "Ate, pumasok ka na.." wika niya. Bumukas ang pinto ng kanilang kwarto at pumasok si Cherry na may pinapalobo pa na bubble gum. Halos lumuwa ang mga mata ng mga kaklase niya sa mga nakita nila.
"Hi mga CLASS..MATES." wika ni Cherry sa tono na parang nagtataray.
"Ah mga Classmates, wag niyo po siyang pansinin." tugon naman ni Lychee. "Pwede na po ba akong mag-umpisa?" tanong ni Lychee, ngunit mukhang hindi siya naririnig ng kanyang mga kaklase dahil nakatuon ang mga mata nito o siguro pati ang mga isipan nila sa kapatid niyang si Cherry, kaya naman, "Uwaaah! Classmates! Can I talk na po ba?!" pasigaw niyang binigkas kaya naman nagsitinginan sa kanya ang lahat.
"Sa wakas..makikinig na sila." sabi ulit ng isipan niya.
"Classmates? Alam ko pong naguguluhan kayo sa mga nakita niyo, kaya po nandito ako sa harapan niyo para po ipaliwanag ang lahat-lahat. Ako po si Lychee, ata ng Lychee na kilala niyo ay-- hindi mali..Ako po si Lychee at ito naman po si Ate Cherry. Kambal ko po. Ate ko po siya dahil siya po ang unang lumabas mula sa tummy ng Mommy ko na nasa heaven na po." nang masabi iyon ni Lychee ay napa-singhap at mukhang nagitla ang mga kaklase niya.
BINABASA MO ANG
From Childish to Mature?! {Fin.}
Short Storyshe's childish she's mature- wait whut from childish to mature?! baby are you sure