Chapter 04 - The NEW Mary Lychee Castueras

5.3K 139 31
                                    

EXO.

Pumasok na nga siya..

Umupo na ako sa upuan ko.

Matutulog na nga muna ako. Ay shet, paano pa ako makakatulog, eh halos mauga na 'tong upuan ko at tumilapon na ako sa sahig! Exo, OA ka na.

Pano ba naman nagkukumpulan 'tong mga usi kong classmate! Tapos sinasagi nila yung upuan ko. Sino ba namang tao ang hindi maa-asar sa ganon?! Sa Jeep pa nga lang eh kung madadaanan niyo ang isang daanan na baku-bako, di ba kayo maaasar? Tsk.Tsk.

Ano bang meron kay Lychee? AT masyado siyang pinagkakaguluhan?

BATA pa rin naman yan eh = o =

Habang nakahiga yung ulo ko sa desk ko pati yung braso ko tapos nakapatong naman yung mga paa ko sa may upuan may kumukulbit sa akin. Lintek ng 'yan! Di pa ba sila kuntento!? Nauuga na nga 'yung upuan ko, tapos ngayon naman di pa nila ang patutuligin pagkatapos kong awayin 'yung Lindsay na 'yun!? Tangna!

 "Lintek!" sigaw ko at binangon 'yung ulo ko.

Tapos tumahimik yung buong room.

"Exo.." aba! sino yun? Napabangon naman ako at tumingin doon sa part na maraming tao, doon sa seat ni Bata.

O___O <-- ganyan yung mga mata ko oh!

Pakshet! Siya ba yan?!

"Huy Exo! Ikaw yan diba?" turo niya sa akin. Nagbago ba ako? Eh siya nga 'yung nagbago eh!

"Exo, kinakausap ka ni Lychee. Nakatitig ka lang eh, ang ganda na niya nuh?" bulong sa akin ng classmate kong walang magawa sa buhay.

"O-oo, bakit?" maangas kong tanong.

"Wala!" sigaw niya tapos inirapan na niya ako.

Graaabe! Si Lychee ba yun? Bat nag-iba ang hitsura?

Grabe!

"Uy, Bro!" siya yung classmate ko na kinakausap ko lang ng matino. Lumapit siya sa akin at umupo dun sa upuan ni Nerd, absent kasi si Nerd eh.

"Bakit?"

"Kita mo si Lychee? Nag-iba na! Suplada bro! tapos yung suot niyang damit? bawal diba! panigurado, guidance ang punta niyan! Hahahaha!" ang laki ata ng galit nito kay Bata ah = o =

"Oo nga." sagot ko ng matipid, wala akong pake dun!

"Eh baka kasi bro, tumalab yung sinabi mo sa kanya, yung magbago na siya!"

May sinabi ba ako? kung may sinabi man ako..

From Childish to Mature?! {Fin.}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon