iba ako sayo

90 12 0
                                    

Wag kang umasta na parang alam mo ang lahat, yung tipong
Alam mo ang bilang ng pagkain ko,
Alam mo oras ng tulog at gising ko,
Alam mo ang bilang ng bawat hakbang ko,
Alam mo iniisip ko,
Alam mo laman ng puso ko.

Aba hanga na sana ako sayo
Sa sobrang paki alamera mo
Pinag kalat mo na umiiyak ako
Na siyang kabaliktaran
Dahil ngalay ang panga ko kakatawa.
Ang ipag kalat mo na malungkot ako,
Aba Wow nalang ang masasabi ko
Dahil sobrang saya ko.

Akalain mo yun
Hindi kita mamuwangan kung bakit,
Bakit mo sinasasabi
Ang mga bagay bagay,
Bagay bagay
Na walang katotohanan.

Katotohanang ako lang ang may alam,
Katotohanang Hindi mo alam,
Hindi mo alam dahil Hindi mo dapat pakialaman dahil
Hindi ikaw ako.

Ikaw ay isa lamang sa nakakaalam ng pangalan ko
At Hindi ng katauhan ko,
Katauhan ko na gusto mong maging ikaw,
Ikaw na taong akala ko totoo,
Ikaw na akala ko
Makakasama ko
Sa kalokohan,
Kalungkutan, sa kasiyahan, lahat ng
"Ka"
Na pwede kang makasama
Pero mali!

Mali ako
Dahil gusto mong maging ako
Na hindi naman pwede
Mag kaiba tayo,
Mag kaiba sa lahat ng pag kakataon
Mag kaiba sa lahat ng punto ng buhay,

Kaya ng malaman ko
Na gusto mo
Ang katauhan ko.
Hindi na ko nag taka
Kung bakit
Lahat ng mga sinasabi mo tungkol sa akin na syang pawang walang katotohanan ay sya palang patungkol sa sarili mo.

Sarili mo na hindi pa sapat sayo,
Sarili mo
Na itinatapon mo,
Sarili mo na punong puno ng ingit.
Ingit na sa sarili mo.

Ingit!
Ingit ka!
Dahil ng makilala mo ako,
Napunta sa akin ang atensyon nila
Ingit Ka!
Dahil ni minsan hindi mo ako nakitaan ng lungkot
Ingit ka dahil
Ang taong minahal
At minahal ako
Ay syang mahal mo.

Kaya hindi na rin ako nag taka ng minsang
Awayin mo ako,
Sabihan mo na mang aagaw ako,
Patawad pero dahil
Wala akong inagaw sayo.

Patawad dahil
Wala akong tinalo,
Wala akong inangkin,
Wala akong kinuha sayo.
Dahil kuntento Ako sa kung anong meron ako
Dahil iba ako sayo

Wag kang mag taka kung bakit mag kaiba tayo,
Iba ako sayo
Dahil ikaw,
Ikaw yung taong
Puputok na ang bunganga,
Sa luting ng pananalita,
AkoHindi dahil ako yung tipo ng babae na tahimik lang,
Ikaw,
Ikaw yung tipo ng babae na
Takaw gulo
At ako ang ginagawa mong panangga.

Pero ako
Ako yung tipo ng babae gandang tumulong para sa sinasabi kung kaibigan,
Kaibigang Tinalikuran ako,
Tinalikuran ako sa sariling kagustuhan
Kitid ng isip ang yung pinairal,

Kitid ng isip ang sumira sayong pagkatao,
Pagkatao mo na napuno ng ingit,
Na syang sumira sating pag kakaibigan

Pag kakaibigan nating
Binura na ng panahon
Sa kasaysayan nating dalawa,
Sating dalawa pabor ang tadhana,
Dahil sating dalawa parehas naging maganda ang tumatakbo ng buhay
Sadyang
Hindi mo lang iyon binigyang halaga.

Gaya ng samahan nating dalawa nawalan na ng halaga,
Nawalan na ng importansya
Pero ito lang talaga ang gusto kung sabihin sayo,
Kaibigan
Ako ay ako at
Ikaw ay ikaw dahil
Iba ako sayo.

My book's  of Spoken wordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon