Sabi mo

85 10 0
                                    

Ako ang mundo mo sabi mo,
Hindi mo kayang wala ako sabi mo,
Sabi mo
Gagawin  mo ang lahat para sakin,
Para sakin
Ibibigay mo lahat ng nais ko sabi mo.
At higit sa lahat
Mahal mo ako sabi mo,

Mga sinabi mo
Na labis saaking nag lunod,
Nalunod ako  sa kasiyahang dulot ng mga sinabi mo,
Dulot ng pag talima mo sa lahat ng sinabi mo.

Kakaibang
Saya ang dulot  mo mahal,
Sa bawat oras na tayong mag kasama
Sa mga panahon tayo'y mag kasama na tila ang  bawat oras
At panahon ay hindi natin nais matapos.

Pero hindi  maari mahal,
Dahil lahat ng bagay ay may katapusan,
Gaya ng tinta ng isang panulat,
Nauubos,nawawala
Hindi na kayang pakinabangan kaya nanaisin ng  itapon.

Lahat ay may hangganan
Lahat ay may
Dulo,
Lahat ay may
Katapusan
At lahat ay may wakas.

Mahal naaalala mo  ba?
Ng sabihin  mo ang mga katagang
Labis nag paluha saakin,
Labis nag pakabog saaking damdamin,

Ang labis na ikina saya ng aking puso
Ng namutawi sa labi mo ang  mga salitang,
"Mahal
Nais kitang makasama habang buhay"
Nakaluhod ka saaking harapan,
Hawak ang maliit na kahon.

Mahal Hindi na ako umarte pa
Dahil parehas nating mahal ang isa't isa,
Mahal bakit
Bakit tila yata napag laruan tayo ng panahon.
Mahal bakit yan ang naitanong  ko?

Ng sabihin  ko
Ang salitang "Oo mahal" Kita ko ang labis na saya sa iyong mga mata,
Ng sabihin ko ANG mga katagang Yun
Kasiyahan ng pag hagkan mo saakin,

Mahal sa labis na tuwa,
Labis na saya dala ng labis na  pag mamahalan nating
Dalawa,
Pero Mahal dahil sa labis na tuwa
Hindi ko namalayan ang posibleng mangyare.

Sa labis na tuwa nawala ka
Sa labis na sa
Tuwa ko
Iniwan mo ko,
Mahal paano tayo mag sasama panghabang  buhay kung
Sa labis na tuwa
Ang buhay mo'y nawala,

Ang labis kung saya ay nawala napalitan ng
Labis na takot,kaba, lungkot at pag aalala ng Mga kamay mo ay biglang bumitaw sa pag kakahagkan saakin
Napaluha ako ng makita kitang nahihirapan.

Ginawa nila ang lahat para iligtas ka,
Para isalba ang buhay mo,
Pero huli na mahal,
Huli na para sa lahat,
Huli na para saating Dalawa

Mahal
Ang araw na bawiin ang buhay mo
Labis ikinaguho ng mundo ko,
Isa akong buhay pero tila nawalan ng buhay
Ng isang liham ang natanggap  ko.

Liham mula sayo,
Mahal sabi mo
"Mahal ipag patuloy mo ang buhay"
Mahal  gusto ko sanang itanong kung paano?
Paano ko pa ipag papatuloy kung wala kana?

Wala kana mahal,
Wala kana pero sabi mo
Ipag patuloy ko ang buhay,
Dahil yan ang huling sinabi mo,
Akoy nag nilay nilay Mahal,
Kaya ito ako Mahal 

Ito ako mahal
Sapag ninilay nilay ko
Nalaman ko
Ang kahalagahan
Ko ang kahalagahan ng buhay,
Dahil sa sinabi mo
Natutunan kung biglang halaga ang mga bagay at pangyayare.

Mahal
Dahil sa huling salitang sinabi mo,
Ipag patuloy ko ang buhay
Ikaw ang nag bigay
Ng insperasyon,
Binigyan mo ang buhay  ko ng distenasyon.

Sa distenasyon na yun ang isang
Tulad mo matatagpuan
Dahil sabi mo mag kita tayo sa paraeso,
Sa buhay na alam ko pag dating ng panahon
Mag sasama tayo sa walang  hangan.

Dahil mahal 
Nauna lang ang byahe mo  yan ang pinanghahawakan ko
Bumangon ako,
Dahil alam ko ang mga sinabi mo mahal ay totoo.

Hindi ko na dapat pang ikulong ang sarili ko sa mga pangyayare na nais akong dalhin sa kadiliman, 
Dahil naniniwala ako sa mga sinabi mo
Mahal.

*****************************************************

My book's  of Spoken wordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon