kaibigan

165 7 0
                                    

Tama ba simulan ko sa Salitang Masaya? Oh sa salitang malungkot?
Teka Mali, Sa salitang kalokohan nalang Kaya? oh mas tamang simulan ko sa salitang kaibigan?

Oo tama kaibigan!

Ang sarap sa pakiramdam na may tinatawag  kang kaibigan.
Kaibigang kasama sa  saya lungkot,kalokohan
Kaibigang Hindi maiwasang dumating sa buhay ko.

Buhay kong napuno ng kulay ng dumating ka,
Mula  ng dumating kayo Sa bawat kanto Ay may kwento walang pakealam kung Hindi totoo,

Dahil ang ating pag kakaibigan na binuo ay
Pinuno ng Libre ng tawa,
Bidang yabang sa tuwing magkakasama ,

Sama sama sa layaw ang bawat isa,
Dahil ang kaibigang binuo ay Sinabing walang iwanan.
San man mapad pad
Ngiti Bakat,
Bakit ang salitang tinuran ay  Hindi alam kung saan na napad pad.

Oo lumipad ang mga salitang binitawan
Ang lapad ng ngiti sa mga labi ay  nawalan nang saysay.
Dahil ang kasaysayang
Mga kamay na mag kakahawak ay bumitaw,

Oo nawala na parang bula,
Pero Hindi ako manghuhula para malaman ang dahilan.
Bakit?
Pumatak man ang luha mula sa aking mga mata,
Matatag akong mag hihintay

Dahil  ang samahang binuo,
Tiwalang natamo sa bawat isa,
Kaisa ko kayo sa saya, lungkot at pag kakamali sa buhay ko,
Buhay kung nabuo Dahil sainyo

Nakumpleto ang ngiti Ko,Kaya kaibigan
Alam ko na Ang nawasak na samahan
Wala mang paalam ng nawala kayo,
Hindi man alam kung ano ang dahilan
Umaasa  akong kayo ay babalik.

Oo babalik ang bawat isa dahil ang samahang nabuo  ay
May halong 
Pag mamahal,
Pag mamahal bilang kapatid kaibigan at pamilya.

Kaya kaibigan ito ang  sasabihin ko.
Walang paalam kayong dumating  walang paalam kayong umalis, Alam ko sa parehong paraan ang inyong Pag dating ay gaya din ng inyong Pag balik.
Yaan ang paasang pinang hahawakan ko

Na panghawakan nyo din,
Wala akong galit na itinanim
Na aanihin ko sa pagsating ng  inyong pag babalik.
Dahil,bukas ang pinto ng puso ko sa inyong
Pag babalik kaibigan.

My book's  of Spoken wordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon