Alala

32 3 0
                                    

Na alala nyo pa ba?
Siguro oo,
Pero siguro Hindi na
Kaya nga ito ako diba
Para ipaalala sainyo ang samahang binuo

Samahang binuo sa pag takas Sa klase,
Samahang nabuo napuno ng tawanan, kalokohan, saya
Kulitan at walang hamakan

Samahang may pag mamahalan
Samahan sa tabi ng ilog
Pinag mamasdan ang daloy ng tubig

Pero sabay ng agus nito
Ang pag limot  ng samahang binuo,
Oo gusto ko itanong bakit?
Pero walang makasagot
Maging sarili ko nagawa kung tanungin bakit?
Pero naging sagot  ewan.

Haha oo ewan,
Ewan ko, Ewan ko kung bakit tayo humantong sa iwanan tila naging bato ang mga puso dahil sa alitan na naging dahilan ng pag kawasak

Saksak sa puso naging sakit na dala nito 
Nangarap tayo ng mag kakasama may pag asa  pa bang mabuo?
Sana sana oo umaasa ako na ang minsang  sana ay mag ka totoo ang minsang sana ay matupad

Ang minsang
Lupa na iisa lang nating tinatapakan ay may iisang desisyon  at sa dulo nito iisa lang direksyon ngunit bakit tumungo tayo sa mag kakaibang lokasyon, dahil sa Hindi pag kakasundong desisyon
May sulosyon pa ba?

Ganun nalang ba? hangang tanong  nalang ba? lilimutin ko na ba? dahil alam ko na Hindi na maririsolba  ang titigan kayo palayo
Ay Hindi madali
Pero handa kung itago ang pait sa tamis ng peke kung mga ngiti
Sa tamis ng tawa maitatago ko ang hikbi

Dahil ang buong tropa
Makasama kung nangarap, kasama ko sa lahat ng tawa, kasama ko sa lahat ng kalokohan ay isa nalang
....
Alala

Alala nalang alam kung wala nang saysay alala ang isang alala ay wala ng halaga kasama ng pag agos ng tubig sa ilog nilimot na ng panahon
Alalang pikit mata ko naring bibitawan. 

Para simulan ang panibagong yugto ng buhay alalang nag kulong sakin sa nakaraan handa ko ng iwan nalang sa panibagong alala na aking  bubuoin,

*********************"********************************

Thanks for reading

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 26, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My book's  of Spoken wordsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon