Pangatlo

29 4 0
                                    

Pangatlong Kabanata

"Arya, anong balak mo ngayon?" tanong ni Apo kay Arya.

"Mukhang tama ka, Apo. Iniwan na nga talaga ako ni Ama dito sa kagubatan," malungkot na tugon ng bata. "Hindi ko alam kung saan ako tutuloy. Silang dalawa lang ni Amon ang kilala kong pamilya."

"Pwede ka namang tumira dito sa kagubatan kasama ko."

Napatingin sa kanya si Arya at bigla itong niyakap sa sobrang tuwa.

"Maraming salamat, Apo!"

"Ngunit sa isang kondisyon..."

"Kahit anong kondisyon mo, gagawin ko," masayang bigkas ni Arya.

"Tutulungan mo akong hanapin ang reyna."

"Walang problema sa akin."

"Hindi lang 'yon... kasi..." nag-aalalang bigkas ni Apo.

"Bakit? Ano pa ba?" takhang tanong ni Arya.

"A-ano..."

"Ano?" inilapit ni Arya ang kanyang mukha kay Apo.

"Ka-kailangang mahanap ko siya at..." nag-aalangan siya kung dapat nga ba niyang sahihin ito kay Arya.

"At...?"

"Kailangan ako ang mapangasawa niya."

~♤~

Sa kanlurang bahagi ng Caral matatagpuan ang kaharian ng Cayta, ang pangatlong kahariang naitayo, ay namumuno ang isang hari na walang ibang gusto kundi ang mamuno sa buong Caral.

"Nag-uumpisa na ang naitakda."

"Anong ibig mong sabihin, Mahal kong Reyna?" tanong ni Haring Carolos.

Muling umilaw ang mga mata ni Reyna Dana at unti unti nitong nakikita ang mga mangyayari sa hinaharap.

"Ang puso ng bagong Reyna ay nag-uumpisa ng tumibok. Ang kanyang kaharian ay unti unti ng umuusbong."

"Anong itsura niya?" tanong ng Hari.

"Hindi malinaw ang kanyang mukha sa aking nakikita. Ngunit tama ang nasa propesiya, ang buong Caral ay pamumunuan niya," tugon ng reyna na patuloy pa rin ang pagkislap ng kanyang mga mata.

"Hindi maaari! Tayo lang ang dapat mamuno! Tayo lang!" galit na bigkas ng hari.

"May pag-asa pa mahal na hari."

Napalingon ang hari sa kanyang reyna at mukhang may naiisip itong magandang plano.

"Hangga't hindi niya pa tuluyang nahahanap ang kanyang hari ay hindi pa tuluyang magaganap ang nasa propesiya."

"Anong gusto mong iparating?"

"Kailangan nasa isa sa mga anak mo ang magpapaibig sa Reyna."

"Ano?!"

"Kailangan nating mahanap ang nakatakda, at kailangang paibigin ng isa sa mga anak mo upang tayo pa rin ang mamuno hindi lang dito sa Cayta kundi buong Caral."

"Sino sa mga anak ko?" tanong ng hari na mukhang sang-ayon sa binabalak ng kanyang reyna.

"Si Cael."

~♤~

"Pagod na ako, Apo!"

"Maupo ka na muna dyan. Ako na ang tatapos sa mga gawain dito."

"Bakit sa taas ng puno mo pa kasi naisipang gumawa ng bahay!" naiiritang reklamo ni Arya.

"Dahil maraming mapanganib na hayop sa lugar na 'to. At kung sa baba ko ilalagay 'tong bahay natin, sigurado akong lalapain ka lang nila."

"Wag mo nga akong masyadong minamaliit. May kapangyarihan ako katulad mo," pagmamalaki ni Arya.

"Hindi mo nga kayang palabasin ang kapangyarihan mo. Lumalabas lang ito kapag nasa panganib ka."

"Kahit na! Kahit papano ay meron di ba?!"

Natawa si Apo sa inasta ni Arya. Para kasi itong batang pinagtatanggol ang sarili sa taong umaaway sa kanya.

"Oo na, mahal na reyna," biro ni Apo.

"Kaya bilisan mong gumalaw galaw aking alipin," natatawang sambit ni Arya atsaka umupo sa di kalayuang puno at pinapanuod si Apo.

Natatawang bumalik naman si Apo sa ginagawang kanilang magiging tahanan sa itaas ng puno. Isang linggo na simula ng iniwan ng kanyang Ama si Arya sa gubat. Ngayon lang nila naisipan gumawa ng bahay dahil hindi naman sila sigurado kung babalikan nga ba siya ng kanyang ama.

"Apo..." bulong ni Arya.

Napalingon naman sa kanya si Apo.

"Bakit?" tanong nito.

'Di makapaniwala si Arya na narinig pa ito ni Apo gayong sobrang hina na nito at nasa itaas pa ito ng puno.

"Isa akong lobo, Arya. Ang mga katulad namin ay may malakas na pandinig at pakiramdam."

"E bakit pati yung tanong ko sa isipan ay nababasa mo?" tanong ni Arya.

"Hindi ko nababasa. Masyado lang halata sa mukha mo."

"Ganon ba ako kahalata?!" tanong ni Arya. At tumango naman si Apo atsaka nagtama ang mga paningin nila sa isat isa. Kasabay non ang sobrang katahimikan.

Naunang inalis ni Arya ang kanyang tingin kay Apo dahil parang may nararamdaman itong kakaiba sa titig niya.

"Bakit kailangan mong maging hari?" tanong ni Arya.

Hindi inaasahan ni Apo ang tanong na iyon.

"A-ano?" tanong ni Apo.

"Paano kung hindi ka magustuhan ng Reyna? Hindi naman natuturuan ang puso kung sino ang dapat mahalin mo."

"Hindi naman ang puso niya ang habol ko. Gusto ko lang nasa nararapat na hari mapunta ang kanyang kaharian."

"At sa tingin mo ikaw ang nararapat na hari na iyon?"

"Sa mundong ito, Arya, maraming naghahabol sa kapangyarihan. Kaya ako isinilang ay upang magkatotoo ang propesiya. Hahanapin ko ang Reyna at sisiguraduhin kong nararapat ang kanyang hari."

"Hindi kita maintindihan. Ang gulo mo!"

"Wala pa akong kilalang Breyo na walang ibang habol kundi ang kaharian."

"Breyo?"

"Galing ako sa kaharian ng Breyo, ang pangalawang kahariang tinayo dito sa Caral. Simula ng nawala ang Dameyah sa ating lugar at nabalitaan nilang totoo ang sumpa at ang propesiya, ang lahat ng imortal ay hinahanap na ang nakatakda. Ang iba ay may layuning paslangin na lang ang Reyna upang di matuloy ang propesiya at ang iba naman ay gustong paibigin ang Reyna upang sila ang maging Hari."

"Ikaw, gusto mong paibigin ang reyna upang ikaw ang maging hari? Paano nga kung hindi ka niya mahal? Pipilitin mo ba siya?"

"Hindi ko siya pipilitin."

"Akala ko ba gusto mong maging hari?"

"Ang gusto ko lang ay mapunta siya sa taong hindi kaharian at kapangyarihan ang nais. Gusto kong mapunta siya sa taong handa siyang ipagtanggol sa anumang panganib at iibigin siya ng totoo, hindi dahil siya ang reyna."

"A, ngayon naiintindihan ko na. Ang swerte ng reyna sa iyo. Pero habang wala pa ang reyna, ako muna ang magiging reyna niyang palasyong tinatayo mo." natatawang sabi ni Arya habang tanaw niya ang maliit na bahay na ginawa ni Apo.

"Habang wala pa ang reyna, ikaw muna ang mamahala ng palasyo," natatawang sambit ni Apo. "Dito sa maliit nating palasyo..."

~♧~

Marie Blaire

ELYRIA: Ang PagsibolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon