UNANG KABANATA
"Anong gusto mong kainin, Arya?" tanong ng batang lalake sa kanya.
"Gusto kong kumain ng bilog na prutas na 'yon!" sabay turo ng batang babae sa mataas na punong may maraming bunga.
"Pero hindi pa kaya ng kapangyarihan ko ang ganun kataas," sagot ng batang lalaki.
"Edi umakyat na lang tayo, Amon," sagot ni Arya.
"Ayoko. Lagot ako kay Ama kung nalaman niyang umakyat ka. Paano kung mahulog ka?" sagot ng batang si Amon.
"Pangako hindi kita isusumbong. Tayong dalawa lang ang makakaalam. Gusto ko kasing tikman ang prutas na yon," pagmamakaawa ni Arya.
Ngunit wala ng nagawa si Amon ng nag-umpisa ng umakyat sa puno si Arya.
"Arya, bumaba ka dyan! Mapapagalitan ako ni Ama ng dahil sa iyo."
"Ako ang bahala sa iyo! Di naman ako magsusumbong e!"
Nang maabot ni Arya ang isang prutas ay agad niya itong nilantakan at hindi pa nakontento ay kumuha pa siya ng isa. Hanggang sa dumami na ang nakain niya.
"Tama na yan, Arya. Magagalit na ang puno sa iyo!" sigaw ni Amon mula sa ibaba.
"Bakit naman magagalit ang punong ito? Pasalamat nga siya at may kumakain ng bunga niya," balewalang sambit niya.
Unti unting umuga ang puno at kasabay non ay ang pagkawala ng balanse ni Arya.
"Arya!"
Nahulog si Arya sa puno kaya wala na siyang nagawa kundi ang pumikit na lang at antaying bumagsak siya sa lupa. Ngunit sa di malamang kadahilanan ay hindi siya bumagsak sa lupa, bagkus ay lumulutang siya at unti unting bumababa sa lupa.
"Paano nangyari yon?" manghang tanong ni Amon ng makalapit siya kay Arya.
"Amon, nakita mo ba yon? May kapangyarihan din ako katulad mo!" masaya niyang bigkas.
"Kapangyarihan?" napalingon silang dalawa sa nagtanong.
"Ama, nahulog kanina si Arya sa punong iyan. Pero lumutang lang siya bago nakababa sa lupa," kwento ng batang lalake sa kanyang ama.
Hindi makapaniwala ang Amang tinutukoy ni Amon.
"Paano nangyari 'yon?"
"May kapangyarihan rin po ako, Ama!" masayang bigkas ni Arya.
Kaya napaisip si Dante kung bakit nangyari ang ganung bagay.
"Hindi kaya... hindi ikaw ang magiging reyna?" bulong niya sa kanyang sarili.
~♧~
Marie Blaire
BINABASA MO ANG
ELYRIA: Ang Pagsibol
Fantasy"Ayon sa propesiya, isang sanggol ang maisisilang at kasabay non ay ang pagsibol ng kanyang kaharian. Isang makapangyarihan na kaharian. Ngunit ang reyna nito ay walang kapangyarihan." "Paano maipagtatanggol ng reyna ang kanyang kaharian kung wala s...