Pang-walo

19 2 0
                                    

Pang-walong Kabanata

"Sigurado ka na ba Alena na nais mong matutong manggamot?" tanong sa akin ni Gala.

Tumango ako at saka siya nginitian.

"Naalala ko noong mga bata pa lang kami ni Alonzo ay minsan ko ng napagaling ang sugat niya. Baka iyon talaga ang kapangyarihan ko. Gusto ko lang malaman kung paano ito palabasin ng kusa."

"Maari ka namang tulungan ni Gala, Alena. Marami siyang alam sa mahika dahil sa mga binabasa niya," sabi naman ni Burgos na tila nag-aalala sa nais kong mangyari.

Sinabihan kasi nila akong na kung gusto kong matutong manggamot ay kailangan kong mag-aral sa isang ekslusibong eskwelahan dito sa Albama. Hindi ko alam na mayroon pala silang paaralan dito. Akala ko likas na sa bawat nilalang dito ang ganoong kapangyarihan.

"Titira ka sa eskwelahan, Alena. Hindi ka namin mababantayan kapag andoon ka. Sa bahay, maraming libro at kaya kitang turuan ng mga nalalaman ko," pangungumbinsi ni Gala.

Napatingin ako kay Gala at hinawakan ang balikat niya.

"Salamat, Gala. Pero buong buhay ko ay tanging si Alonzo lamang at ang ilang kaibigan niya ang nakakasalamuha ko. Nais ko sanang makasalamuha rin ang ibang nilalang na katulad ko," paliwanag ko sa kanya. "Alam kong nag-aalala kayo sa kaligtasan ko pero hindi ba eskwelahan iyon? Meron naman siguro silang mahigpit na bantay."

"Meron nga silang mga bantay pero hindi ibig sabihin noon ay mababantayan ka nila ng mabuti," paliwanag ni Burgos.

"Pero..." malungkot kong silang tinitigan. Naiintindihan ko na kapakanan ko lang ang nais nila pero gusto ko ring hanapin ang sarili ko, ang kapangyarihan ko.

Napabuntong hininga si Burgos saka niya hinawakan ang nag-aalala ring si Gala.

"Sasamahan ka na lang namin sa eskwelahan, Alena."

"Sasamahan? Titira rin kayo sa eskwelahan?" tanong ko.

"Kung gusto mong makapag-aral ay kailangan mong manirahan sa eskwelahan. At kung gusto ka naming protektahan ay kailangan ka naming samahan," paliwanag ni Burgos.

"Pero paano ang bahay niyo? Iiwan niyo iyon?" nag-aalalang tanong ko.

"Wala namang nakakaalam kung asan iyon, Alena. Tanging mga kalahi lang namin at ang mga gusto naming makapunta roon ang nakakapasok. Kaya ligtas ang bahay namin," paliwanag naman ni Gala. Wala naman akong tutol kung sasamahan nila ako sa eskwelahan. Mas maganda pa nga iyon dahil hindi ako mag-isa sa bagong lugar na mararating ko.

"Isa pa tanging ikaw lang naman, Alena ang nakakakita sa amin. Kaya wag mo kaming intindihin. Hayaan mo lang kaming magsilbi at ibigay lahat ng pangangailangan mo," dugtong ni Gala.

Napangiti ako sa sinabi ni Gala. Alam kong sobra sobra itong hinihingi ko sa kanila, pero handa silang iwan ang lahat para lang sa akin. Ganoon kadedikado ang mga gnome sa kanilang batas.

Napatingin ako sa malaking barikada sa aking harapan. Halos kasing laki na ng tore ang haba nito at higit na makapal at kitang kitang mahirap itong sirain.

"Andito na tayo, Alena. Ito ang Raya, ang eskwelahan ng mga magagaling na manggagamot ng kaharian ng Albama."

Halos mamangha ako sa laki ng lugar na nakikita ko. Hindi ko alam na malaking kaharian pala ang Albama pero pangalawa lamang ito sa malaking kaharian. Ayon sa mga nabasa ko ay higit na mas malaki rito ang Dameyah .

"Anong kailangan mo?"

Napalingon ako sa nagsalita. Pero wala akong makitang kahit na anong nilalang na nagsasalita.

ELYRIA: Ang PagsibolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon