The Suicide Code: Tangled

5.9K 95 25
                                    

A/N: This is my first mystery or thriller story so I'm not sure if this will do good but I really hope it'll do. Thank you AkoSiIbarra for inspiring writers to try this genre. :)

+x+x+x+

That, I consider, one of the biggest mistake of my life. I'd ran on an old maniac.

Nagtago ako sa isang madilim na eskinita. Tila tumatagaktak na ang pawis ko dahil sa pagtakbo. Ang mga tuhod ko, pawang gusto nang sumuko.

"Nasaan ka na?" Kahit malayo na ako sa kanya, umaalingawngaw pa rin ang maka-demonyo niyang boses.

Hindi ko sinasadyang makabunggo ang gaya niya sa gitna ng dilim. Nagulat na lamang ako nang bigla niyang tutukan ng kutsilyo pero imbis na saksakin agad ako, dinila-dilaan niya muna ang naiwang bakas ng dugo sa talim nito at ikinwento ang mga kahindik-hindik na krimeng nagawa na niya kuno. Nang manakot siyang ako na raw ang susunod kasabay ng paglapit ng talim sa leeg ko, doon ko nakumpirmang isa siyang baliw na mamamatay-tao.

"Huwag mo na akong pagurin." Humalakhak siya na parang walang bukas at tila nasisiyahan sa paglalaro namin ng tagu-taguan.

Inihanda ko ang aking sarili upang tumakas mula sa lugar kung nasaan ako ngayon: the place that I thought was the easiest way to home but I'm wrong.

"Boo!" Ngunit nanindig ang mga balahibo ko nang sumulpot siya sa harap habang nilalawakan ang ngiti niyang nakakatakot. Paunti-unti akong umatras habang siya naman, unti-unting umabante, "Mas lalo mong pinapagod ang sarili mo. Makikita rin naman kita."

Pilit akong nagmatapang. If I gave him the idea that I'm weak, then he would control me more.

Mula sa pagngiti ay bumaligtad ang labi niya, "Sayang nga lang. Mamamatay ka na ngayon. May last words ka ba?" Tumabingi ang kanyang ulo saka ngumisi upang mas lalo akong asarin, "Wala? O edi gano'n pala. Papatayin na lang kita."

Itinaas niya ang hawak at itinutok sa akin ang dulo nito. Pumikit ako. I have no other choice. I wanted to run more pero dalawampung minuto ko nang ginagawa yun. Hindi na kaya pa ng tuhod ko. Kapag sinugod ko naman siya, he won't dare na tagain ako as a defense.

Nagbilang ako ng sampu pero wala akong nadamang bagay na tumusok sa alinmang bahagi ng katawan ko. Iminulat ko ang aking mga mata at ang tanging nakita ko lang ay ang lumiit na silhouette ng lalaking dapat na papatay sa akin.

No, it's not just a silhouette. It's another person. Like the crazy old man, he's handling a knife with some marks of dark in it na sa palagay ko ay dugo. I can't see his face. Madilim masyado.

"Your face tells me that you want to see mine although I can only see your puzzled eyebrows," Pumikit ako saglit dahil sa ilaw na tumama sa mga mata ko, "So here's a flashlight. Anyway, wondering where your killer is?"

His voice sounded like he's pretty sure of what he's saying. The voice is kinda cool too, I can comprehend that. Although, this voice is not familiar.

Napunta ang direksyon ng ilaw sa ibaba kaya napatingin ako rito. Tumambad sa akin ang lalaking kanina lang, ay sasaksakin dapat ako. Pinapaliguan na siya ng sariwang dugong nagmumula sa kanyang tagiliran. This man who just surprised me pecked him, no wonder, "Tsk, tsk. This is a restricted area. Are you here to take shortcut? Take this."

Serial CodesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon