Pagkatapos ng birthday celebration ni Margo, balik na naman si Sheena sa dati nyang buhay. Trabaho, bahay. Ngunit hindi na katulad noon na may iniiwasan sya. Masaya sya ngayon dahil naging totoong magkaibigan na nga sila. Maging si Aya ay nakasundo na rin si Margo. Ano pa nga bang mahihiling ni Sheena? Lovelife nalang siguro. Na hanggang ngayon eh mailap pa rin sakanya.
Madalas na rin silang magkausap ngayon ni James, pero sa tawag at text lang. Pero malaking bagay na ito para kay Sheena. Dahil sa kabila ng hectic na schedule nya, nagagawa parin nitong kausapin sya.
"Sheena, gusto kong magpunta ng Europe." Pag oopen ni Margo ng topic, minsang dalawin nya si Sheena sa kanilang bahay.
"Di ba nakapunta ka na dun?" Nagtatakang tanong naman ni Sheena.
"Yes, pero di pa ako nakakapunta dun na kasama ko ang mga kaibigan ko." Nakangiting sagot ni Margo sakanya.
"And you mean?" Tanong ni Sheena. Medyo weird ang dating ng ngiti ni Margo sakanya.
"Punta tayo!" Masayang sabi ni Margo.
"Naku Margo! Kung magkasing yaman lang tayo, aba! Go kaagad ako. Pero alam mo naman na kulang pa ang kinikita ni Papa para sa araw araw namin. Ikaw na lang, o kaya yayain mo si Aya. Atleast yun, mayaman din." Malungkot na pahayag ni Sheena.
"Ano ka ba, kaya nga kita niyayaya kasi tayo nila Aya ang pupunta." Nakangiti pa ring sagot ni Margo.
"Kayo na lang, wala akong pera. Yung naipon ko noon, pinambayad ko na rin kay Aya dahil sa nahiram ko sakanya noong concert ng Bullets." Malungkot pa ring sagot ni Sheena.
"At sino namang nagsabi sayo na pinapabayaran ko kasi yung nahiram mo? Ikaw lang naman nag insist di ba na bayaran mo na?" Natatawang sabi ni Aya habang papalit kina Sheena at Margo.
"Buti naman andito ka na. Nahihirapan na ako sa babaeng to eh. Andaming sagot." Sagot ni Margo kay Aya.
"Anong sinasabi mo Aya?" Nagtataka pa ring tanong ni Sheena.
"Well, kagabi may tumawag lang naman saking isang kaibigan. Gusto daw nyang magpunta ng Europe kasama ang mga bago nyang kaibigan. Kaya naisipan namin na bumili ng ticket for 3, kahit hindi pa namin alam kung papayag o hindi ang isang kaibigan namin. Dahil sa totoo lang, alam naman naming isyu sakanya ang pera. Kaya para wala ng aberya, at di na sya makatanggi, bumili na kami ng tickets. Tadaa!" Sabay pakita kay Sheena ang tatlong tickets papuntang Europe. Halos manlaki ang mga mata nya ng makita ang mga ito.
"Oh my God! Maraming salamat sainyong dalawa!" Tuwang tuwa si Sheena habang yumakap sa mga kaibigan nya.
"Wala yun, gift na rin namin yan sayo tutal malapit na ang birthday mo. Hindi pa naman siguro expired yung passport mo diba?" Nakangiting wika ni Margo.
"Jusmio! Kayong dalawa talaga! Ni hindi nyo pala alam kung buhay pa o hindi na yung passport ko, tapos basta basta na lang kayong bumili." Pilit seryosong wika ni Sheena.
"Oh God! You mean expired na nga?" Natatarantang wika ni Aya.
"Hahahaha. Hindi pa. Joke lang." Tawa ng tawa si Sheena sa reaksyon ng dalawa nyang kaibigan.
"Nakakaloka! Kinabahan ako dun ah!" Natatawa na ring sagot ni Margo.
10days ang tour nila sa Europe. Sobrang saya ni Sheena, hindi lang basta basta ticket ang sinagot ng mga kaibigan nya, maging lahat ng gastusin at pera na rin nyang gagamitin. Walang humpay na pasasalamat ang ginagawa ni Sheena sa dalawang kaibigan.
James POV
"Sa wakas, makakapagpahinga na rin tayo matapos ang 3 days concert natin." Tuwang tuwa si Christian habang iniisip na makakapag relax na sila sa wakas.
BINABASA MO ANG
Impossible LOVE STORY
Romance"Nasaktan ako ng sobra sa sinabi ni James. Akala ko talaga ako na un. Pero naalala ko, sex slave nga lang pala nya ako noon. No romantic thing involve. Sex slave. Yun lang un. Pero bakit nasasaktan ako? Ang sakit sakit." Hanggang saan mo kakayaning...