BULLETS & GUNS

61 3 2
                                    

Si Sheena Pimentel ay 25 years old. Isang simpleng Volunteer worker sakanilang Barangay Center, ngunit sumasideline bilang model sa isang maliit na magazine company. Ang papa nalang nya ang kasama nya sa buhay dahil 8 years old palang sya nung mamatay ang mama nya dahil sa sakit sa puso.

Kasalukuyang nasa concert sya ngayon ng Bullets. Boy group na sobrang sikat na sikat. Punung puno ngayon ang World Arena dahil sila ang magcoconcert. Sya ay super fan ng grupong ito at nandito sya ngayon dahil narin sa tulong ng kanyang kaibigan na si Aya. 15k ang VIP ticket pero may chance na makameet ang Bullets backstage pag nagustuhan nila ang message na ipinadala ng mga fans nila o mas kilala sa tawag na Guns. Pitong lucky winners ang mabibigyan ng chance para makameet ang Bullets.

Nagsimula nang ibasa ang iba't ibang mensahe na ipinadala ng mga Guns. Lahat ay kabado at excited sa kung sino man ang mapipili. Sa pagkakataong ito, lahat ay umaasa na mapili. Nakangiti ang Emcee ng ibasa nya ang unang mensahe.

"Dearest James, I only have point one percent of chance to be noticed by you. But I will never get tired of saying how grateful I am for knowing you. Your music and the way you rap and smile makes me fall inlove with you deeper. I know you always hear this but let me say this in front of you. If only I can be chose by you. I love Bullets, but not as much as I love you James." Wow napakasweet naman ng sender natin. So, sino ang nakakakilala sa nag send nito?

Kitang kita ang kilig sa mukha ng emcee sa mensaheng kanyang ibinasa. Habang si Sheena naman ay nakatulala, kilala nya ang mensaheng iyon. Ganung ganun ang mensaheng ipinadala nya. Napatingin nalang sya kay Aya ng bigla itong tumayo at magsalita.

"Ako po, kilala ko po ang sender nyan. Kaibigan ko po sya. Andito sya oh."

Sabay turo kay Sheena. Gusto na nyang lamunin sya ng lupa dahil sa sobrang hiyang nararamdaman nya. Pero bago pa man sya makapagdasal na lamunin na sya ng lupa, isang staff ng concert ang lumapit sakanya at dinala back stage. Naghihiyawan ang lahat dahil na rin sa inggit sa kanyang pagkapanalo. Habang sya, kaba at excitement ang nararamdaman. Alam nyang ito ang pangarap nya, ngunit hindi lang talaga nya inaasahan ang nangyaring ito ngayon.

Napili na ang pitong winners at hinihintay nalang matapos ang concert. Kasama nya ang anim pang winners ngunit wala man lang ni isa sakanila ang pumapansin sakanya. Pinili nalang din nyang manahimik sa sulok dahil nahihiya rin naman sya.

Pagkatapos ng concert, si Romeo ang unang nakita nya. Si Romeo ang leader ng Bullets. Lumapit ito sakanya habang nakangiti.

"Ikaw ba si Sheena?" Sambit nito. Napakasweet ng ngiti nya. Bagay na bagay dito ang dimples sa magkabilang pisngi nya.

"Ah, oo. Ako nga." Kabado pa rin si Sheena habang nakikipag usap kay Romeo ngunit nanatiling nakangiti ang lalaki sakanya.

"Oh, okay. Enjoy your stay with James. Sige una na ako, imimeet ko din ung winner ko." Sambit nito at saka umalis na nakangiti parin sakanya.

Dito na lumapit ang personal assistant ni James sakanya.

"Miss Sheena, tara na po! Inaantay ka na po ni Sir James." Nakangiti naman ang personal assistant ni James sakanya ngunit hindi nya magawang ngumiti din dahil na rin sa kabang nararamdaman nya. Ni hindi na rin sya nakapagsalita habang hinahatid sya nito sa kwarto kung asan si James. Ang lalaking noon pa man ay mahal na mahal na nya kahit sa poster nya lang ito nakikita, sa music lang ng cellphone nya ito napapakinggan, at sa panaginip nya lang ito nakakasama. Masaya na sya doon. Para sakanya, si James ang naging lakas nya nung mga panahong nanghihina na sya dahil sa dami ng problema. Papanoorin lang nya ang mga videos ng Bullets o kaya naman tititigan nya ang pictures ni James na nakangiti, solve na sya!

Impossible LOVE STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon