Love or Friendship

9 1 0
                                    

Hindi naman talaga galit si Sheena. Nasaktan lang sya sa kaisipang nagawang maglihim sakanya ni Aya. Naiinis rin sya dahil noong sya ang may lihim, agad naman nya itong sinabi kay Aya, dahil alam nyang mapagkakatiwalaan nya ito. Kaya sobra syang nasasaktan ngayon.

"Hey, are you okay?" Wika ni James. Halos nakalimutan na nyang kasama nga pala nya ngayon si James.

"I'm sorry ha? Kakarating lang namin tapos nag away pa kami sa harap nyo." Nahihiyang wika ni Sheena.

"Ayos lang, naiintindihan ko naman yung point mo. At naiintindihan ko din ang point ni Aya." Nakangiting sagot ni James.

"I just don't get it James. Bakit kailangan nyang maglihim sakin?" Naiiyak na tanong ni Sheena.

"Diba sabi naman nya sasabihin nya sayo. Naghihintay lang yun ng magandang tiyempo." Sagot naman ni James.

"Anong magandang tiyempo naman kaya yun? Isang bwan na ang nakakalipas oh." Naiinis pa ring wika ni Sheena.

"Sa isang bwan na yun, ano ang mga nangyari?" Tanong ni James.

"Madami. Yung muling pagkikita natin. Tapos yung preparations ko sa birthday ni Margo." Sagot naman ni Sheena.

"Nagkaroon ba sya ng chance na magkasolo kayo, para magkwentuhan?" Tanong ni James habang nakatitig sa mga mata ni Sheena. Dito na nagsimulang mag isip si Sheena.

"Uhmm.. wala.. yata.." Nahihiyang sagot nya.

"Sa mga pagkakataong nagkikita kayo, kinakamusta mo rin ba sya tulad ng pangangamusta nya sayo?" Tanong muli ni James.

"Uhmmm.." hindi na makasagot si Sheena.

"Before being mad at her, isipin mo muna kung may chance ba talaga syang sabihin sayo ang lahat. O baka naman, masyado ka nang nakafocus sa iba kaya pati sya nakakalimutan mo na. Aya is always there for you, hindi ba yan ang lagi mong kwento sa akin? Sa lahat ng problema mo, andyan sya para tulungan ka, alalayan ka." Sabi ni James.

"Oh my God. Mali ako." Pag amin ni Sheena.

"Talk to her tomorrow. Mas maayos kung pahuhupain mo muna ang tensyon sa inyong dalawa." Suhestyon ni James.

"Thank you James." Wika ni Sheena.

"Anything for you babe. Pahinga ka na, good night." Saka nya hinalikan si Sheena sa noo.

'Anything for you babe.' Hindi mawala sa isip ni Sheena ang mga katagang binitawan ni James. 'Bakit ba sya ganito sakin? Bakit napakalambing nya?' Hindi maintindihan ni Sheena ang mga ginagawa ni James, pero isa lang ang sigurado, masaya sya sa mga pinapakitang ito ni James. At muli, makakasama nya ito sa isang silid.

Aya POV
Iyak pa rin ng iyak si Aya ng makapasok sila ni Christian sa kanilang silid.

"Aya, tama na please." Ito ang kahinaan ni Christian. Ang makakita ng babaeng umiiyak, lalo na kung importante ang babae sakanya.

"Sorry Christian ha? Ang pangit ng unang tagpo natin." Umiiyak pa ring wika ni Aya.

"Okay lang. Naiintindihan ko naman kayo." Wika ni Christian.

"Bakit ganun si Sheena? Napakaselfish nya. Sarili nya lang ang iniisip nya. Ni minsan hindi nya ako kinamusta. Ni hindi ako nagreklamo sakanya pag wala syang oras para sakin." Iyak pa rin ng iyak si Aya.

"Nagulat lang yun sa nalaman nya. Pero hindi naman yun siguro galit. Nabigla lang." Wika ni Christian.

"Kahit na. Dapat hindi pa rin nya ako sinigawan. Akala nya, porke hindi na ako umiimik o nagrereklamo sa mga pambabalewala nya, hindi na ako nasasaktan. Since kinder kami, magkasama na kami. Pero palaging sya ang inaalalayan ko." Umiiyak pa rin si Aya.

Impossible LOVE STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon