Hindi na mawala ang ngiting nakapinta sa mga labi ni Sheena. Ginanahan na rin sya muli sa kanyang trabaho. Napansin rin ng papa nya ang pagbabagong ito ni Sheena. Kahit naman hindi sya mag usisa, alam nya ang dahilan ng bawat ngiti ng kanyang anak.
"Papa, aalis na po ako." Paalam ni Sheena sa kanyang papa.
"Oh,saan ba ang lakad mo anak?"
"Papa talaga. Pupunta ako ng center. May tatapusin akong report."
"Okay sige anak, pwede bang idaan mo ito kina Mayor?"
"Ano po yan pa?"
"Yung ipinagawa nyang jewelry box para sa kanyang asawa. Ayaw naman daw kasi ng ginang ng babasagin na jewelry box. Kaya naisipan nilang magpagawa na lang sa akin."
"Sige po. Yun lang po ba?"
"Oo anak, salamat."Matagal tagal na ring hindi sya nakakapunta sa bahay ng kanilang Mayor. Huling punta nya doon eh nung hindi pa nya alam na magkaibigan ang parents ni James at ng mag asawa. Naiilang sya at syempre iniiwasan na rin nya si Margo. Dahil nung huling pagkikita nila, kamuntikan ng maging hinog na kamatis ang pisngi nya.
Bago pumasok sa center, naisipan nyang idaan na muna ang jewelry box. Mahirap na at baka masira pa ito kung dadalhin nya sa center. Lalo na maraming bata ang nagpupunta doon.
"Tao po?" Sigaw ni Sheena sa may gate ng bahay nila Mayor Alfred Santos habang nagdodoorbell. Agad namang may nagbukas na body guard ni Mayor.
Napakahigpit ng seguridad sa bahay ng Mayor at maging ang jewelry box na pinagawa nila eh kailangan pang icheck muna. Ayos lang naman ito kay Sheena, ngunit ang ayaw nya eh ang magtagal doon. Ayaw kasi nyang makita si Margo. Masyadong maganda ang araw nya, baka masira lang ito pag nagkita sila.
"Huy weird freak!!" Sigaw ng isang nakakairitang boses. Kilalang kilala ni Sheena kung sino ang may ari ng boses na yun. Ang witch na pinakaiiwasan nyang makita dahil masisira lang ang mood nya.
"Good morning Margo!" Labas sa ilong na bati ni Sheena.
"Aba! Nabahag ata ang buntot ng freak. Hahahaha! Nung huli tayong nagkita ang tapang tapang mo!" patawa tawa pang sabi ni Margo.
"Margo, ayoko ng gulo. Nagpunta lang ako dito para ibigay ang jewelry box na pinagawa ng Daddy mo kay papa. Aalis na rin naman ako." Sagot ni Sheena.
"Akala mo makakaalis ka agad? Di mo ba naaalala na pinahiya mo ako sa harap ng maraming tao? Akala mo kung sino kang magtaray! Porke tinawag kang kaibigan ni James!!" Kitang kita ni Sheena ang paglaki ng butas ng ilong ni Margo. Halatang galit na galit ito.
"Okay, aaminin ko. Mali naman talaga ako na awayin ka sa harap ng maraming tao. Pero mali ka rin naman na maliitin ako at sampalin pa. Wala naman akong ginawang masama sayo." Explain ni Sheena.
"Alam mo kung anong nakakainis sayo? Yung bigla bigla ka nalang naging kaibigan ni James! Nagkakilala lang kayo backstage tapos akala mo close na close na kayo! Alam mo, kahit anong gawin mo, hindi ka magugustuhan ni James. Napanood mo naman siguro yung interview nila sa TV diba? Ni hindi ka nya sinabing kaibigan ka nya." Nang aasar na sabi ni Margo.
"Wala namang problema sakin yun Margo eh. Hindi naman kasi talaga kami naging magkaibigan, okay? Masyado ka lang talagang paranoid. Gun lang ako. Isang fan lang, okay?" Totoo naman ang sinasabi ni Sheena, pero nakakaramdam sya ng kirot tuwing sinasabi nyang isa lang syang fan. Dahil sa totoo lang, tanging si James lang ang minahal nya ng totoo at hanggang ngayon, mahal na mahal pa rin nya.
"You should really know kung saan ka lulugar. Isa ka lang fan. Hindi ka nya kaibigan at kailanman, hindi ka nya magugustuhan. Naiintindihan mo? At wag kang mag alala, iimbitahan kita pag ikakasal na kami. Hahahahaha!" Nakakabinging tawa ni Margo.'Sige lang Margo, tumawa ka lang. Wala ka namang alam eh. Hindi mo alam kung anong nangyari sa amin noon ni James. Kung pwede ko lang isampal sa pagmumukha mo ang katotohanan, ginawa ko na!' Sa isip ni sheena.
"Oh, why so tahimik? Masakit ba ang katotohanan weird freak?" nakangiting tanong ni Margo.
"Aalis na ako. Bye." Pinili nalang ni Sheena na umiwas, ayaw nya ng gulo lalo na at nasa teritoryo sya ni Margo. Baka ipakain pa sya ng buhay sa mga alaga nilang aso eh.
BINABASA MO ANG
Impossible LOVE STORY
Romansa"Nasaktan ako ng sobra sa sinabi ni James. Akala ko talaga ako na un. Pero naalala ko, sex slave nga lang pala nya ako noon. No romantic thing involve. Sex slave. Yun lang un. Pero bakit nasasaktan ako? Ang sakit sakit." Hanggang saan mo kakayaning...