M4SB 6: Grocery Shopping

454 12 3
                                    

(This chapter is dedicated to @Keisha_angela  :) thank you so much for reading! Hope you enjoy this update!)

Since last Sunday, my days were becoming much more interesting. It seems like my usual ordinary life is slowly turning upside down. Dalawa sa mga anak ni tito Ryan ay naging schoolmate ko. Naging madalang din ang pagpunta ni JD sa music room. It turns out naging tambayan niya na ito. Aside sa cozy yung place, wala din kasing masyadong pumupunta sa back part ng school kasi malayo. Even though andun siya pinapabayaan ko nalang, di naman kasi siya palasalita tsaka di rin ako nag o-open up ng conversation. Baka kasi puro kahanginan lang lumabas sa bibig nun, mahirap na. Jiro on the other hand is annoying as usual. He kept doing unnusual things para daw maalala ko siya. Dahil din sa mga pinaggagawa niya madalas din akong naging chismis ng mga schoolmates ko. Yung dati kong buhay dito sa school na walang may pake, ngayon nagiging hot issue na palagi thanks to Jiro Garcia.

Saturday ngayon at mamayang 6pm may gig ako. Narinig ko namang tumunog yung notification ng phone ko. Signaling that I just received a message from someone.

[Unknown] Hey ell!

Unknown number? Sino naman kaya to?

[Me] Sino po 'to?

[Unknown] Your one and only Jiro Garcia!

[Me] Ok.

[Jiro Garcia] Snob naman nito.

[Me] Wala ka na bang ibang sasabihin? Sige.

[Jiro Garcia] Wait! Later 3:30pm, let's meet at SM Downtown's Kenko Naicha tea lounge. Be there! Kung wala ka I swear to go directly sa bahay niyo at kaladkarin ka palabas haha.

This guy! Ang bossy masyado. Ayoko naman siya mismo pumunta dito sa bahay, baka ano pang masabi ni mommy. Ilang segundo nag ring naman yung phone ko, this time tawag na talaga.

Jiro Garcia is calling...

I debated whether I'll answer his call or not, in the end I chose to hear kung ano yung sasabihin niya.

Ellie! Make sure to be there! Promise pupuntahan talaga kita pag wala ka. By the way it's already 3pm better hurry or you'll be doomed. Bye!

I didn't even get to utter a single word. Walang modo talaga 'tong lalakeng to! I checked the time again on my phone and it was exactly what Jiro said. 3pm na. Nagmadali naman akong mag prepare para umalis na ng bahay. Jeans and shirt lang yung sinuot ko, I dont want to dress up. Baka sabihin pang nagpapa-impress ako sa kanya. I also brought the guitar with me already para diretso na ko sa venue kaagad.

Nakarating ako ng mall sa saktong oras na sinabi ng mokong. I took the elavator papunta sa floor kung san andun yung cafe. As I enter the place nakita ko namang andun na si Jiro nakaupo. Umupo naman ako sa tapat niya at nilapag yung gitara sa tabing upuan.

Good you're here!" sabi niya tsaka ngumiti ng malapad. Bakas na bakas talaga sa pagmumukha ng walang hiya na satisfied siya sa mga pinaggagawa niya.

I rolled my eyes heavenwards. "Oh, ano na? Ba't mo ko pinapunta dito?"

Sasabihin ko mamaya. First ubusin muna natin to, di tayo makakapasok dun kung bibitbitin natin to." sabi niya at tinuro yung tea na nasa harap ko.

Blueberry milk tea?" sabi ko sa kanya ng nagtataka habang hawak hawak yung inumin.

Yes. Isa sa favorite mo yan diba?" sabi niya then he chuckled.

Still confuse. "Oo, pero ba't alam mo?" nilagay ko na yung straw and took a sip.

He stared at me intently. "Of course, why would I not know."

Then from being serious, biglang nag iba ang expression niya at sinabing "I'm Jiro Garcia after all!" napatawa naman ito sa sariling sinabi at nagpatuloy na sa pag inom nung inorder niya.

You're weird." pinagtawanan lang ako nito at sinabihang dalian ko yung pag ubos ng milk tea ko. Pagkatapos nun pumunta na kaming grocery at dineposit muna sa baggage counter yung gitara ko. Tinanong niya din ako kung ba't dala dala ko ito pero sinabihan ko lang siya ng wag na magtanong. Kung ba't kami napunta sa grocery, wala din akong kaalam alam. Nagtanong ako pero binalik niya lang sakin yung sagot ko kanina. Letche.

Magogrocery ka lang pala sinama mo pa ako. Wala naman akong magagawa dito." nakabusangot na sabi ko sa kanya.

Meron. Sino ba yung nagtutulak ng cart ngayon? Diba ikaw?" sabi nito ng hindi nakatingin sakin, patuloy parin ito sa paglalagay ng kung ano anong madadampot niya sa cart.

I glared at him. "Eh baka nakalimutan mong pinilit mo lang ako sa pagtutulak nito. Tsaka kaya mo naman 'to eh! There's no need for me to be here."

Tumawa ito at sinabing "Mag antay ka, pagkatapos nito may gagawin ka na talaga." Pinandilatan ko nalang siya ng mata.

Pumunta naman kaming meat section, ang sabi niya ito nalang daw yung last na kukunin niya bago kami magbayad sa cashier.

Sir would you like to try our new product?" sabi nung saleslady na naka assign dito sa meat section. Halata naman sa pagmumukha nung babae na nagpapacute ito kay Jiro. Sus, mga tao talaga. Kahit sa trabaho isinisingit parin yung kalandian.

Tinignan naman siya ni Jiro at mukhang nahalata naman nito yung pagpapacute ng babae. "Sorry miss, pero pass muna ako diyan." He said and smiled apologetically.

Nako sir! Sayang po may promo pa naman kami ngayon. Wala na po 'to bukas!" sabi ulit nito. Nagpupumilit talaga eh no?

Ako miss. Kukuha ako!" rinig ko namang sambit nung lalakeng kakadating lang sa may tabi ko. Medyo maedad na din ito at nakangiting parang may malagim na balak ito dun sa saleslady. Nakita ko namang napangiwi yung babae.  Yan! May mismong lumapit na sayo. Napatawa naman ako ng bahagya sa mga pangyayari.

Muling itinuon ulit nung babae yung atensyon niya kay Jiro at sinabing "Sir may ibang product pa po kami dito na naka promo, baka gusto niyo sir!" I tried my best not to laugh. Halata kasing ayaw niyang i-handle yung kakadating lang na costumer.

Miss hindi talaga. Si sir daw oh, gusto niya." sabi ni Jiro at tinuro yung katabi kong lalake. Nagsmile naman siya ulit dun sa babae at tinignan ako. "Tara na love!" sabi niya sabay kindat sakin. Inakbayan niya ako at tinulungan sa pagtutulak ng cart.

Looking confused sa sinabi at inasta nitong lalakeng kasama ko, tumigil ako sa paglalakad. Liningon ko ito ng magkasalubong yung kilay. Napatawa naman siya at hinawakan yung noo ko gamit yung kamay niyang nakahawak sa cart kanina.

You should have seen her face sa sinabi at pagkindat ko sayo kanina!" natatawang sabi nito habang minamassage yung noo ko. "Wag ka ngang bumusangot. Sige ka, maaga kang magkakawrinkles niyan!" sabi niya then he pinched my nose.

Ano ba!" sabi ko at pilit na tinatanggal yung kamay niya sa ilong ko.

Ayoko nga, wag ka kasing tamparurut!" patuloy parin ito sa pagpisil ng ilong ko at sa pagtawa.

Hay nako mga kabataan ngayon. Masyadong nagp-PDA kahit dito sa grocery tsk." napatigil naman kami sa pinaggagawa namin at napalingon sa taong nagreklamo. Nakita ko namang tumalikod na si lola habang bitbit yung basket niya at napapailing nalang.

Naramdaman ko naman uminit yung pagmumukha ko. Nakakahiya! "Kasalanan mo 'to, napagkamalan pa tuloy tayo!" reklamo ko sa kanya at hinawi na yung kamay niyang nakahawak sa ilong ko at yung braso niyang nakaakbay sakin kanina pa. Tinulak ko na yung cart papuntang cashier habang yung walang hiya na kasama ko naman ay nakasunod lang sa akin habang tumatawa. Thank you so much for embarrassing me Jiro Garcia. I really appreciate it. Ugh!

My Four Step BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon