M4SB 10: Sudden Trip

107 2 0
                                    

Jiro was eyeing Ellie's every move and that made her more conscious. Nagrereplay lang ng pabalik balik sa utak niya ang mga nangyari kahapon. "Kayo lang ata? Wait, I'll call the waiter to get your orders." Matt offered. The waiter approached their table and took their orders. "Oo nga pala, are you guys free?" Tanong ulit ni Matt sa kanilang dalawa.

Ellie diverted her gaze at Matt para naman mawala kahit papano yung awkward atmosphere between sa kanilang dalawa ni Jiro. "Not really, ito lang talaga yung pinunta namin dito sa mall ngayon." She answered.

"Cool! Then I guess it wouldn't hurt if you two join us on our trip?" Matt was all smiles when he brought up the topic. Lahat ng mata ay nakatuon lang sa kanya. He eyed his brother's to get their support na agad namang sinuportahan ni Jiro. He took it as a chance para mas lalong mapalapit kay Ellie and he thinks this might be a chance to uncover her lost memories.

"I don't mind." Sabi ni Jiro at nagsisunuran na sa pag tango yung dalawa niya pang kapatid.

"See? It wouldn't hurt. I tell you it'll be fun. No need to worry about the expenses, all is covered tsaka I'll tell dad that both of you will tag along so he'll inform your mom Ell!" This time Nadie felt the banging inside her chest. Sobrang kinakabahan na ito dahil sa mga narinig niya. She didn't expect things to go this far. Kung kanina gusto niyang iwasan nila ito pero wala siyang nagawa, ngayon gusto niya nang kaladkarin palabas ng tea shop ang pinsan niya para lang di sila makasama. Pilit na binabaliw ata siya ng tadhana.

"Ay wag na baka makadisto-" Hindi palang siya tapos sa pagsasalita ay biglang pinutol na ito ni Matt. The guys stood up then Matt grabbed both of them para tumayo na din. He then picked Ell and Nadie's drink saka personal na nilagay ito sa kamay nila upang hawakan at ngumiti ng malapad. He adjusted his glasses and winked at them saka inakbayan silang pareho at inakay palabas ng shop that made the jealous teens earlier swoon, hoping na sana sila yung nasa pwesto ng dalawang dalaga.

"Let's go guys, off to the parking lot!" Matt exclaimed with excitement habang si Jiro naman tinitignan siya ng masama sa likuran, as if digging a hole on the back of his head dahil sa brasong nakapatong sa balikat ni Ellie. The two were still shocked sa mga nangyayari na naging dahilan para di man lang makapalag sa biglaang pagsama nila sa lakad ng magkakapatid. Sabi din nito na magmadali daw sila kasi inaantay na sila ng dad nila sa parking lot, sabay kasing aalis.

Soon, they arrived at the parking lot with a lot of people casting a glance at them from time to time. "Damn, eye-catchy masyado yung apat." Ell thought. They stopped in front of a red Mercedes Benz, "Hi Ell, sakin ka na sumabay. May itatanong ako sayo tungkol dun sa isang sub natin." Panimula ni Jiro that got Ellie shocked nung hingit din siya nito papasok sa kotseng nasa harap.

"Woah, brother! Ingatan mo yang sister natin ha? Sakin nalang to sasabay si ano, teka, ano nga pangalan mo?" Biglang baling ni Matthew kay Nadie nung marealize niyang di niya pa pala kilala ito. "Nadie." Sagot niya.

"Okay Nads! Let's go, dito ka na sakin sumabay, I brought my car. The other two sasabay na yan kay dad." Matt offered. "Dont worry Ell ako bahala sa kanya." Tawang sabi ni Matt.

Umikot naman si Jiro to the driver's seat para pumasok na at makaalis na sila. "You're stuck with me huh?" Sabi niya at ngumiti ng nakakaloko that made Ellie's face flush. "For like 2 hours Ella." He said with a wink. "Jusko po tulongan niyo po ako." Napasabi nalang si Ellie sa sarili niya.

On the other side Matt kept bugging Nadie. It seems like nakahanap ito ng katapat sa kadaldalan niya. He kept asking her if she's okay, kung tama lang ba sa kanya lakas ng aircon, kung kaano ano siya ni Ellie, kung kamusta araw niya at kung ano ano pang pumapasok sa utak nito na pwede niyang maitanong towards Nadie. Fortunately, dahil dito unti unting gumagaan ang kalooban ng dalaga sa binata. It made the atmosphere lighten kaya nag oopen up na din siya towards Matt kahit papano. "So ano pala talaga yung gagawin niyo dun?" She brought up.

My Four Step BrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon