Childhood Crush

1 0 0
                                    


Elementary days are one of the most unforgettable moments of my life. Nung elementary kasi kita nakilala. Naging kaklase kita for 4 years? 5 years? I don't know. Basta ang malinaw lang sakin, crush na crush kita noong grade six tayo.

Do you still remember me? Ginawa ko kasi ang lahat para hindi ako madaling makalimutan. Ako yata ang laging pambato sa Math. Pumayag pa nga akong sumali sa Mr. And Ms. ***** para lang mapansin mo e.

Mabait ka naman. Natutuwa ako sa iyo kasi alam ko na mabait ka. Naiimpluwensyahan ka nga lang ng mga kaibigan mo. Ayan tuloy, may pagka bully ka na rin. Pero kahit ganon, yung soft sides mo lang nakikita ko.

Tandang-tanda ko pa noong magkagalit kayo ng mga tropa mo. Hindi ka ganoong katangkaran kaya alam kong lugi ka. Kitang-kita ko sa mata mo na ang lungkot mo. Hindi ko alam pero gusto kitang kausapin noong mga oras na iyon kaso natatakot ako na madamay sa gulo ninyo.
Buti na lang hindi naging malala yung away ninyo at nagkaayos-ayos din kayo.

Patuloy lang ako sa pagsisikap na ipakita lahat ng makakaya ko hanggang sa dumating yung point na nanalo kami sa Math quiz na sinalihan namin. Bilang credit, hindi na kami pinakuha ng test noon. Natuwa ako pero nakita ko na hindi mo alam kung paano sasagutan ang ibinigay na pagsusulit sa inyo. Lumipat ka ng upuan noon at sa unahan pumwesto, sakto, blanko ang katabi mong upuan at tinawag mo ako.

Ako naman madaling bumigay kasi ikaw ang tumawag. Umupo ako sa tabi mo at tinuruan kita kahit na sinabi ko sa iyo na hindi ako sigurado kasi hindi nga ako nag-aral. Alam ko na sobrang obvious kong kumilos kaya hindi na ako magtataka na may makaalam na crush kita. At yun nga, dumating yung araw na inaasar na ako ng mga kaklase natin na crush nga daw kita, eto namang si ako ay todo tanggi. Sino ba naman kasi ako para ipagsigawan na may gusto nga ako sa iyo? Baka hindi mo na ako kausapin. Natatakot ako. Baka yung huling taon na kaklase kita mapuno ng pag-iwas mo sa akin. Pero natuwa ako kasi hindi mo sila masyadong pinansin. Kaswal ang pakikitungo natin sa isa't isa. Masaya na ako doon.

Palapit ng palapit ang pagtatapos ng klase. Kailangan na mamili ng papasukang eskwelahan para sa sekondarya. Alam kong private school ang pag-eenrolan mo. Maraming mga nagbigay ng entrance exams mula sa iba't ibang private schools at masaya ako na naipasa ko lahat at ako pa ang top 1 sa entrance exam.

Maari kong piliin na pumasok sa paaralan na lilipatan mo subalit alam ko na kailangan kong suungin ang bukas na wala ka. Acquaintance, yan lang naman ang role ko e. Hindi kita pupwedeng sundan.

Noong graduation day, sobrang lungkot ko kasi alam ko na malaki ang posibilidad na malimutan mo na ako. Hindi naman kasi ako maganda, ako siguro yung tipo ng tao na para sa iyo, madaling malimutan.

Mister MisterWhere stories live. Discover now