Huling taon ko na bilang Junior High school at eto rin ang unang beses na naging officer ako ng School Government. Mas naging busy ako. Idagdag pa ang mga biglaang pagdayo at school works na mas pinadami dahil last year na nga namin bilang junior high.
Madaming mga kailangang i-print isang araw kaya sumama ako sa mga kaklase ko sa bayan. Ang malas ko lang kasi naiwan ko yung flash drive ko sa bahay. Kailangan ko pa tuloy umuwi at solo na lang na pumunta sa computer shop. Nag-aantay ako ng masasakyan ng tumigil ang tricycle ninyo. Nakasakay doon ang iyong mama at papa. Ang alam ko hindi sila nabiyahe pero pinasakay nila ako. Mukhang nakilala nila ako. Nginitian ko sila at maya-maya ay kinausap nila ako.
Sobrang tuwa ang naramdaman ko noon. Kinausap ako ng mama mo, ikaw kaya? Kailan mo ako kakausapin?Ang mama mo ang nagsabi sa akin ng kukuhanin mong strand para sa senior high. Nalaman ko na STEM pala ang kukuhanin mo. Itinanong pa nga sa akin ng mama mo kung kakayanin mo daw e. "Kakayanin po niya iyon. Siya pa. Magagawa po niya iyon kasi gusto niya." Malaki ang tiwala ko na kakayanin mo. Nakita na kasi kitang seryoso e at iyon ang hinahangaan ko sa iyo. Oo, mahihirapan ka panigurado sa pre-cal pero kakayanin mo iyon.
Nakarating na ako sa pupuntahan ko at hindi na ako pinagbayad ng mama at papa mo. Nakakatuwa talaga.Dumating pa ang mga araw at patagal ng patagal pahirap ng pahirap ang mga gawain sa school. Masyadong nakakastress. Wala along ibang choice kung hindi mag laylo muna sa part time job ko. Buti na lang naiintindihan naman ni Ninang na mas priority ko pa rin ang studies. Nadagdagan pa nga ang schedule ko kasi pinipilit ko na magpaka-active sa YFC. Masaya kasi yung mga activities e. Nakakatawa pa, ilang beses na akong umiyak sa YFC. Saklap no? Sa kanila kasi ako madalas mag-open e. Hindi ko alam kung bakit pero ang saya lang na magkwento. Alam mo ba na magkakasama ang iba't ibang schools tuwing may event ang YFC? Ikaw ba? Kailan ka sasali sa YFC? Sana sumali ka na para mas madami na yung chance na makita kita.
Joke lang. Pero totoo, madaming ginagawa ngayong senior na ako. Pinagawa pa nga kami ng sarili naming business e. Ayun. Palpak. Haist.
Bawi na lang siguro ako sa sunod. BTW. Dalawa ang medal ko ngayong grade 11. Sinikap ko kahit hindi ganoon kadali. Tinuloy ko ang pagkuha ng ABM na strand kasi iyon ang gusto ko. Galingan mo ha sa STEM.
![](https://img.wattpad.com/cover/111033348-288-k831235.jpg)
YOU ARE READING
Mister Mister
De TodoFor my long time crush. Hi! Hope time will come, you will remember me. Update, year 2022. Don't remember me. Thank you.