Bakasyon na naman at medyo busy dahil may trabaho nga ako pero nagawan ko ng paraan at nakakapanood pa rin ako ng liga.
Isang beses ko lang hindi napanood ang laro ninyo. Nakakalungkot nga kasi first game ninyo iyon e. Simula noong nanood ako ng liga, hindi ko na pinalagpas kahit isang laro kasi lagi kang nandoon upang manood. Alam mo ba na mas natutuwa akong panoorin ang pagtawa mo kaysa sa pag shoot ng bola ng mga poging basketball player sa bawat laro nila? Alam mo ba na sa tuwing may laro kayo ay inaabangan ko talaga at tuwang-tuwa ako kapag napasok ka sa court. Alam mo ba na kahit nasa labas ka ng court , sa iyo pa rin ako nakatingin? Ano ba kasi ang mayroon sa iyo e?
Naiinis ako sa tuwing magkukwento sa akin ang mga kaibigan ko na kaclose ka raw nila at nakakausap ka raw nila. Kunware wala akong pakielam pero sa totoo lang, naiinggit ako. Sana ako na lang sila. Oo nga pala, nakalimutan kong sabihin. Alam mo ba na friend ko na sa Fb yung pinsan mo saka yung tiya mo na sumita sa atin dati? Madami din akong friend na batch mates natin pero bakit ikaw hindi pa rin ako ina-accept? Nakakainip na ha.
Balik tayo. Ayun nga, parati akong nasa court at lagi dkn akong nag sesend ng group message sa tuwing nakikita kita. Wala akong number mo at kampante ako na hindi mo mababasa kaya malakas ang loob ko. Nakakatawa nga kasi binlock na pala ako ng mga kaibigan ko "RAW" dahil sa katetext ko. Tsss.
Malungkot lang naman ako at gusto ko ng kausap o kaya sobrang saya ko at nais kong magkwento, may mali ba doon?
Naramdaman mo ba yung lindol? Wala ako sa court noon kaya medyo maswerte kami. Ikaw kaya? Nasaan ka noong lumindol?
Sobrang natakot ako noon kaya natawagan ko yung isa sa mga kaklase ko. Alam mo ba na nanginginig pa ako habang kausap ko siya, pero ikaw pa din iniisip ko. Ipinagdasal ko rin na huwag na sana masundan pa yung lindol pero makulit e. Nasundan talaga. Nakakatakot pero nagpapasalamat ako na ligtas kami.May nakapagsabi nga pala sa akin na nagjojogging ka daw ng bandang alas kwatro hanggang alas singko ng umaga kapag trip mo. Syempre, kasama mo ang mga tropa mo. Tapos nasabi rin sa akin na tuwing linggo, first mass ang inaattendan mo. Napalipat tuloy ng alas singko ng madaling araw yung pagsimba ko. Nagbabakasakali lang na makita ka sa simbahan.
Natapos yung liga at alam ko na kahit kayo ang nanalo ay hindi ka masaya. Pagkatapos na pagkatapos nga ng laro ninyo e dumaan ka sa harap ko at umuwi na. Nakakainis kasi hindi ako nakapagpa picture sa iyo e. Nakakahiya kasi. Alam mo ba na nakita ko yung sad reaction mo sa picture ng mga kagrupo mo na masayang masaya sa panalo ninyo? Nakita ko iyon, hindi ko sigurado kung nakatag ka pero nakita ko yung sad reaction mo. Nalungkot nga rin ako nang mga oras na iyon e.

YOU ARE READING
Mister Mister
RandomFor my long time crush. Hi! Hope time will come, you will remember me. Update, year 2022. Don't remember me. Thank you.