Bakasyon noon at kasalukuyan ko pa ring pinag-iisipan kung saan ako mag-aaral. Biglang sumagi sa aking isipan ang mga panahon na normal lamang na makausap kita.
Naging magkagrupo tayo sa isang activity noon. Hindi ko na maalala kung anong subject. Sobra yata kaming mapilit kaya napapayag ka namin na pumunta tayo sa bahay ninyo at doon gumawa. Sobrang saya ko na makarating sa inyo. Nangarap na agad ako na balang araw, babalik ako sa bahay ninyo. Kung anu-ano na agad ang tumakbo sa isip ko. Kaso natigil amg pag-iisip ko noong nakita tayo ng tiya mo na adviser din natin. Napagalitan tayo kasi may aso daw na malaki sa inyo at delikado ang ginawa naming pagpunta sa inyo. Huwag na daw nating uulitin. Nalungkot ako. Gusto ko pang bumalik sa inyo subalit wala na akong magagawa. Takot ko lang na mapagalitan ulit.Naalala ko din yung panahon na nakita ko na sobrang seryoso mo.
May inattendan tayong event sa ibang school. Halos tayo ang pinakahuling dumating sa venue kaya tayo ang naginv magkakagrupo. Unang beses kong nakita na napakaseryoso mo at sobrang gusto mong makapuntos sa mga mumunting palaro. May kinalaman kasi sa computer kaya malamang ay seryoso ko. Ako naman eto, todo pa impress sa iyo. Palibhasa likas na magaling ako sa math e madali nating nakuha ang bawat formula. Natuwa ako noon. Hinayaan ko na ikaw ang mag-encode kasi kita ko na natutuwa ka at seryoso ka sa ginagawa mo. Sa huli, nagkaroon ng paligsahan sa pagdidisenyo ng mga car robots na ipinahiram sa atin. Natalo agad yung sa atin pero sabay pa din nating pinanood ang paglalaban ng iba pang grupo. Napasandig pa nga ako sa balikat mo e. Mabuti hindi ka nagalit. Nang mag-uwian na tayo, naisip ko na dapat kong pag-aralan ang computer kasi iyon ang hilig mo. Ipinangako ko sa sarili ko na hindi ako mapapahiya sa iyo, pagdating sa computer.Naaalala mo ba nung nag National Achievement Test tayo? May cellphone akong dala-dala noon at napagtripan kong kunin ang number mo. Itinext kita pero hindi ako nagpakilala. Creepy ba? Biniro kasi kita noon e at sinabi ko kung nasaan ka. Madali ka pa naman mainis kaya nainis ka siguro noon? Ilang beses ko na rin nga nakuha ang number mo e kaso tuwing nalalaman mo ata na nakuha ko e nagpapalit ka. Sad no? Ni hindi mo nga ako inaaccept sa Facebook tapos di pa kita masyadong nakikita.
Dahil doon nabuo ang desisyon ko. Sa public school ako para hindi gaanong gumastos. Para na rin makatulong mapadali ang pagkuha ng scholarship pagtungtong ng collage. Isa pang dahilan, alam ko na hangga't nakikita kita ay makukuha mo ang atensyon ko at natatakot ako na ikabagsak ko ito. Gusto kong ipakita sa iyo na malayo ang mararating ko at nararapat akong pagtuunan ng pansin.
YOU ARE READING
Mister Mister
DiversosFor my long time crush. Hi! Hope time will come, you will remember me. Update, year 2022. Don't remember me. Thank you.