Medyo nalungkot ako sa pagpasok ng month of may kasi hindi na naman kita makikita. Parati kasi akong nasa trabaho o kaya nasa Chapel. Paminsan-minsan lang akong nagpupunta sa court kay sobrang dalang kitang makita. Nag-iisip na nga ako minsan ng idadahilan makapunta lang sa court. Natutuwa nga rin ako kapag wala akong trabaho e. Makakapunta kasi ako sa court, kaso timing naman na wala ka.Natuwa ako isang araw kasi nasa court tayo noon. Biglang umulan kaya pare-pareho tayong hindi makaalis. Muntik ko na ngang batukan ang kapatid ko saka yung kaibigan naming bakla noong tawagin ka nila e. Nakakahiya kaya. Hanggang ngayon kasi wala akong planong sabihin sa iyo na crush kita. Hindi na nga ako nagtataka kung alam mo, basta wala akong balak na aminin.
Alam mo ba na hiniling ko na sana huwag nang tumigil ang pagbuhos ng ulan noon? Pero syempre, dahil kakampi ko si tadhana e hindi naman tumagal ng tatlumpung minuto yung ulan. Umalis ka na kaya umalis na rin ako.
Nang dumating ang huling araw ng mayo, medyo natuwa ako kasi ibig sabihin noon ay sagala na. Lilibutin namin ang buong barangay. Medyo nakakapagod pero masaya. Alam ko kasi na makikita kita. At hindi nga ako nagkamali. Nang pabalik na kami ay nakita kita sa court. Nakaupo ka lang doon at nanonood. Sayang, hindi katulad ng ibang dalaga sa prusisyon, hindi ako nakagown at make up. Maayos naman ang kasuotan ko subalit magaganda ang nasa paligid ko kaya hindi mo ako mapapansin. Nakakalungkot. Sana nag-dress man lang ako. Pero hayaan na. Ang mahalaga, nakita kita.
Hanggang diyan lang naman kasi lagi, makikita kita subalit hindi kita makakausap. Maaari kong tingnan ang facebook mo pero hindi ako maaaring mag-like o mag-comment. Nakakalungkot. Haist. Yae na. Sanay na ako.
YOU ARE READING
Mister Mister
RandomFor my long time crush. Hi! Hope time will come, you will remember me. Update, year 2022. Don't remember me. Thank you.