Without you

0 0 0
                                    


My junior years felt a little different . Well ganoon naman talaga hindi ba? Nasa ibang paaralan na ako. Syempre, madaming makikilalang bago, bagong guro, bagong kaklase, bagong kaibigan. Isa lang ang hindi nagbago. Ikaw pa rin yung hinahanap ko pero alam ko, sa bagong mundong pinasukan ko, wala ka.
Medyo nakakalungkot pero positive lang. Nasusulyapan naman kita minsan sa umaga o kaya sa hapon. Nakikita kita na nakauniporme, iba sa uniporme natin noon. Ang gwapo mong tingnan sa suot mong puting-puting polo at itim na pantalon. Simple lang pero bakit kapag ikaw ang may suot parang ang lakas ng dating.

Patuloy lang ako sa landas ko. Pinipilit kong gawin lahat ng makakaya ko para mapansin pa rin sa klase. Nagbabakasakali kasi ako na darating ang araw na magkikita-kita at magkakausap-usap muli tayong magkakaklase at gusto ko na masabing hindi ako nagpabaya.
Pero tulad ng ibang estudyante, medyo nahirapan din ako. Marami akong pinagdaanan. Marami akong nakalaban, puyat, pagod at minsan yung mga simpleng bagay na kayang-kayang pigilan kang mag-aral. Nainis ako sa sarili ko kasi pakiramdam ko talo ako pero pinilit kong sabihin sa sarili ko na okay lang.

Paulit-ulit lang taun-taon. Masaya naman sa tuwing dumadating ang bakasyon kasi kapag bakasyon, mas madaming pagkakataon na makita kita. May paliga kasi sa atin. Lagi akong nadoon kahit wala kang laro kasi alam kong manonood ka. Nalaman ko kasi na bukod sa computer, mahilig ka din sa basketball. Hindi ka masyadong magaling alam ko pero masaya ako na napapanood kita. Sana nga may badminton rin baka sakaling sumali ako at sumali ka din. Idinayo ka na kasi noon sa badminton at ako naman, kinahiligan ko na rin iyon mula noon.

Hindi naman sa nakakasawa pero paulit-ulit lang naman ang nangyayari sa akin hanggang sa isang araw, nakatanggap ako ng part time job. Masaya ako kasi may nadagdag sa schedule ko kahit medyo nakaka-stress yun. Masaya din ako kasi may mga bago akong nakilala. At least hindi lang ako nakakulong sa school at bahay, may workplace na rin.

Dumating na naman ang bakasyon at hindi tulad ng dati, mas madami akong gawain. Nagtatrabaho na ako araw-araw at kailangan ko pang umabsent para lang makapunta sa school dahil may duty rin ako na kailangang gampanan, nanalo kasi ako sa supreme government sa school e. Lalo tuloy hectic. Hindi rin ako masyadong nakapanood ng liga dahil nga sa busy ako.

Natuwa naman ako ng bigla ninyo kaming kinontact. Gumawa kayo ng group chat para magkausap-usap ulit tayo. Masaya ako noong nagplano kayo na mag outing tayo pero nakakalungkot na hindi natuloy. Sayang, gusto ko sana ulit kayong makita at makausap e. Sayang.

Palagi akong naging active sa Group chat natin kasi doon lang kita posiblemg makausap. Hindi tayo nagkausap pero okay na din kasi naaabutan ko kayong online. Hanggang alastres ako kung mag-online noon kasi nanood din ako ng kdrama na hindi ko nagagawa sa umaga kasi may trabaho ako.
Medyo nagkagulo sa gc kaya unti-unting nag-alisan ang mga members. Nalungkot ako na mawawalan ako ng contact sa iyo, hindi mo kasi ako inaaccept sa Facebook e. Bakit? Nakukulitan ka ba sa akin? Ilang taon na rin yung friend request ko ah.

Mister MisterWhere stories live. Discover now