Nangmakapasok na kami nakita ko naman si Ate Bell na busy na nagchecheck ng mga design gown niya..napangiti ako ng bahagya dahil alam namin na fashion niya ito..kaya natuwa kami ng naging successful ang shop niya...napansin naman niya ang prisensiya namin kaya humarap na siya sa amin...na nakangiti.."What are you doing here Dylan?"saad niya napangisi nalang ako yan ang tawag niya sa akin wala kasi siyang choice dahil dalawa lang kaming magkapatid..
"Andito pa ba si Athena.."saad ko sa kanya na nananatili pa ring nakatayo dito at nakalagay ang dalawang kamay sa bulsa ko..
"I knew it!..but sorry nakaalis na kasi siya.."saad niya na patuloy pa rin sa pagchecheck ng mga gown niya napansin ko namang nakaupo na pala sila Shawn pagod na ata kakalakad..dahil nilakad lang namin ang papunta dito..
"Sinabi niya ba kung san siya pupunta.."tanong ko sa kanya pero umiling lang siya kaya napaisip ako..sabi ko na nga ba ehh galain talaga yung babae na yun..hayyy..sunasayang niya oras ko.
"Wait!..and where do you think your going"saad ni Ate Bell dahil pa alis na sana kami hindi ko nalang siya pinansin at nagdirediretso na kami sa paglalakad namin...tatalakan niya na naman ako..sasabihin na kung san san daw ako pumupunta ehhh...ang tanda tanda ko na nga ikakasal na nga ako
Gabi na kaya naisipan ko ng umuwi na kaya nagpahatid na ako kila Shawn kaya asa daan pa rin kami ngayon siguro naman kasi uuwi na din si Athena...aaminin ko din na nagkakaroon na ako ng concern sa babae na yun....bakit kasi gala yung babae na yun gabi na kaya..
"Dylan,bakit hindi ka nga pala pumayag sa bachelor party..tsaka mahalaga yun dahil dun magtatapos ang buhay binata mo"saad ni Shawn na katabi ko lang dito...hindi ko siya nilingon at nakatingin lang sa bintana..
"Wala...ayoko ko lang dahil alam kung yung babae lang na magsasayaw dun ang dahilan niyo kaya gusto niyo yun"saad ko na hindi siya tinatapunan ng tingin...napangisi naman sila natatawa sila dahil totoo naman
"Sige..dito nalang tsaka wag na kayong mag-gagala bukas..."saad ko sa kanila na bumaba na sa sasakyan at sinimulan ng pumasok sa bahay.....pagbukas ko ng pinto walang tao..at hindi pa nga siya umuuwi napailing nalang ako.....naisip ko muna na magpadeliver nalang ng food tinatamad na kasi akong magluto tsaka baka kumain na rin yun...gabi na rin kasi bahala siya sa sarili niya..😌😌😌
Athena Zoe Tuazon Pov's
Nangmayari kaming mamasyal sa mall umuwi na rin kami dahil alam niyo bang na OP lang ako dahil si Pia may Ken siya si Cassey may Hanz siya ako lang wala di ko nga alam kung bakit sumama pa ako sa kanila..hayyy...pauwi na kami ngayun traffic kanina sa dinaanan namin kaya andito kami ngayun sa masikip na kalye at puro bata naglalaro sa daan kaya medyo dinadahan-dahan ni Hanz ang pagdadrive...habang nagdadrive siya nakatingin lang ako sa mga taong nagkakagulo nag-aaway sila, meron namang bata na pinapalo ng magulang niya...and----nagulat ako ng bigla nagpreno si Hanz at nauntog ako sa *unuupuan* niya . At napahawak ako sa ulo ko lahat kami nabigla at nauntog...hindi ba siya nagdadahan-dahan
"Ano bang problema mo?!!"sigaw ni Ken kay Hanz balisa siya na parang kinakabahan...kaya ako na ang nagtanong...
"Bakit?"tanong ko na nanghihinala na dahil balisa siya na nahalata na ng mga kasama namin ngayun kaya pare-pareho kaming napataas ang kilay sa kanya..napabuntong hininga siya at napalunok muna siya bago kami sinagot
"Baba kayo..nakasagasa kasi tayo..."saad niya na mukhang kinakabahan na kaya nauna na akong bumaba sumunod naman sila...ng makababa ako nakita yung aleng buntis at nakahandusay may malay siya pero nanghihina dahil siguro sa nabunggo namin siya..
Lumapit ako sa kanya at lumapit na rin sila...
"Okeyy lang po kayo?"tanong ko habang tinitignan siya kung okey lang siya pero mukhang nanghihina na siya...kaya kailangan na namin siyang dalhin sa ospital..
"Sa tingin ko po..kailangan na namin kayong dalhin sa ospital"saad ni Pia na hindi na rin alam ang gagawin ngayon...
"Hin--di na hang--gang di-to na-lang a-ko..pero kai-langan ko ang tu-long niyo"saad niya ano kayang tulong ang gusto niya ...pero maaaring mamatay ang nasa tiyan niyang bata pag di namin siya dinala sa ospital...
"Ano pong tulong?"tanong ni Hanz na hanggang ngayon kinakabahan pa rin siya....uhmm..wala sang gantong nangyari kung inayos niya lang yung pagdadrive niya urghh..
Nagulat kami ng may tumatakbong bata hingal na hingal na papalapit dito nanay niya ata itong nabunggo namin...umaiiyak rin siya..lumapit siya sa nanay niya tapos inakap ito nagtinginan naman kaming lahat...at medyo napangiti..
"Nay..ano pong nangyari sa inyo?!"saad ng bata mga 4 years old na siya na yakap parin ang nanay niya...
"Wag mo na akong intin--dihin anak..kai--langan mo-ng uma-lis di-to...baka abutan ka pa niya.."saad ng nanay niya na buntis nanghihina na ito pero nananatili pa rin siyang matatag para sa anak niya...
"Pero paano po kayo nay?"*sub* saad ng bata na umiiyak pa ngayon ng sobra tsaka napansin kung puro dugo ang damit ng bata pero di ko nalang pinansin...
"Tulu-ngan niyo ka-mi pa-patayin ka-mi ng a-sawa ko"saad niya na kinakabahan ngayon napabuntong hininga ako sa takot para sa kanila at napansin kung dinudugo na siya...nahawakan ko yung dugo tinaas ko ang kamay ko para makita nila nanlaki naman ng mata nila...
"Tara na!!"saad ni Hanz na binilisan na yung pag-aalalay nila kay Ale...sinakay naman nila siya sa likod ng passenger seat...
"Tay..."saad ng bata kaya agad kaming napatingin sa harap namin at isang lalaki na may hawak ng panaga nagtinginan kaming lahat at pare-parehong nanlaki ang mga mata namin..kaya nagmadali kaming lahat ng pumasok sa sasakyan...at agad namang pina-andar ni Hanz ang sasakyan at inatras na niya yun ng mabilis..
I hope you like this chapter..
Please vote and comments po😉😉
BINABASA MO ANG
Im His Wife
RomanceI'm Athena Margaux Zoe Gomez Tuazon And my soon to be husband Alexander Dylan Fortalejo. In this story: Kakayanin kaya ng lalaki na ipaglaban ang pagmamahal na matagal na niyang pinangarap. kaya niya kayang mahalin ang babaeng di pa tapos magmahal...