Chapter 21

151 4 0
                                    

"Si Principal? Matutuloy daw ba yung meeting namin"tanong ko Kay Pia na kaharap ko ngayon pero tinitigan niya lang ako na may pagkukunot ng noo.

"Nakalimutan mo na ba bukas pa yung meeting mo sa kanya..."saad niya na tumabi na ng pagkakaupo sa akin at bahagyang tinawanan ako.

"Hi guys..Gusto niyong sumama mamaya pupunta kaming Couple Bar?"saad ni Cassey na kakadating lang na mukhang masaya..natahimik naman kami ni Pia sa sinabi niya kaya napaiba nalang ng direksyon ang tingin ko.

"Cassey? Di ba nga ikaw nalang ang may couple sa atin?!"saad ni Pia Kay Cassey na may pagdidiin at pagpapaliwanag sa kaniya. Mukhang nakalimutan niya atang wala ng silbi ang couple kung wala kang partner hayyy..

"Sorry Bess..nakalimutan ko actually kung gusto mo hahanapan nalang kita ng blind date you want?"said no Cassey na humarap pa sa akin para tanungin lang yun.

"Wag na! Papahirapan mo lang sarili mo! Dahil siguradong Hindi ako pupunta"saad ko sa kanya na pilit pa ng pilit ayoko kayang pumunta.

"Bakit ba ayaw mo?!"saad ni Cassey sa akin.

"Kasi nga may Date kami"saad ng taong kakarating lang kaya agad kaming napatingin sa taong kakapasok lang dito. Napakunot ang noo ko ng makita ko kung sino yun na sobrang ngiti niya lang pwede ka ng mamatay.

"Sorry sa pagiistorbo ko sa pag-uusap niyo"saad ni Max na kakarating lang at anong trip niya alam niya namang diyan ako nainlove sa kanya sa mga ngiti niya pero dati haha.

"Pwede ba wag mo silang niloloko mamaya maniwala sila"saad ko na tumalikod na sa kanya para iwasan ang mga ngiti niya.

Im  His Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon