Chapter 28

36 3 0
                                    

Athena Pov.

Inumpisahan na ni Tom ang pag-drive niya sa isang simpleng restaurant lang ang meeting place namin ni Aling Teri dahil sabi niya no need na daw para magtagal dahil ibibigay lang daw niya si Jb sakin kaya pumayag na rin ako.

"Miss! Kumain po ba kayo ng breakfast niyo?"si Tom

"Hindi pa"sagot ko habang hawak ang phone ko nanghihingi kasi ako ng update kila Pia para sa inaayos nilang laro mamaya.

"Ikaw ba?"tanong ko tumawa siya saglit kaya napatingin ako sa kaniya sa salamin.

"Di po kasi ako nakakain kanina nagmamadali po kasi mommy niyo"siya kaya naman pala

"Wag kang mag-alala pagnakuha na natin si Jb kakain tayo"ako

"Salamat Miss"siya tumango nalang ako.

Saglit pa ang biyahe at nakarating na kami kaya bumaba ako agad at hinanap sila. At nakita ko na nga sila.

Kita ko ang ngiti sa kanilang mga labi ng makita ako. Lalo na sa mukha ni jb

"Hello Jb?"ako sabay kurot sa pisnge nito at nakangiti pa rin sila.

"Nagugutom po ba kayo?"tanong ko pa sa kanila

"Ahhh ako po ate nagugutom "si jb sabay himas sa tummy niya napapatawa nalang kami ni Aling teri sa ginagawa niya.

"Ganon ba? Sigee kain tayo"ako

"Tara po! Kain na muna tayo"ako

"Ahhh sa iba na kayo kumain. Isama mo na siya may pupunta pa kasi ako"Aling teri halata nga sa kaniya na nagmamadali siya. Kaya ng makapag-paalam si jb umalis na kami nagpahinto kami sa isang sikat na kainan para naman maiba si jb at nag umpisa ng kumain si jb at Tom grabe! Nakailang order sila. Milktea lang order ko pero sila andami hinyaan ko lang sila. Nangbiglang may nagtext sakin.

From:. Hubby💗

     Asan ka na?
     Umpisa na?

Kaya tinawagan ko na siya baka sakaling maabutan ko pa.

*Hi-ako

*Asan na kayo?-siya

*Kumakain lang si jb. Papunta na rin kami dyan"ako

*Sigee ingat kayo-siya

At binaba ko na yung phone.

9:30 kasi ang start ng laro at 9 na. Kaya siguro tumawag na siya. Nung nakayari sila kumain nagbayad ako at dumiretso na kami kaya lang biglang na-flat yung sasakyan namin. Sabi ni Tom hahanap lang daw siya ng malapit na pagawaan..mabilis siyang nakahanap kaya tinignan na yon. Kaso itong manong na nakuha niya ilang minuto tinignan tignan yung sasakyan ko pero wala namang say! 9:22 na at mag uumpisa na yung game hahabol pa ba kami. Sabi ko kay Tom kung pwedeng sumakay na kami ng taxi kaso may #1 bilin sa kaniya ang daddy. "Itinalaga kita bilang personal niyang driver! Kaya ayokong malalaman na sasakay siya sa kung ano-ano lang" kaya imbis na iwan si Tom para mauna na kami ni Jb ay di ko magawa naaawa ako sa kaniya.

Dahil nung unang iwan niya ko non sa bar dahil niya ko mahanap nagalit ang daddy at nagulpi lang naman siya. Buti naawat daw ni Mom.

"Manong? Magagawa na po ba?"si tom at tinignan lang siya ng may kasamang masamang tingin.

"Ate! Hahabol pa po ba tayo sa laro ni kuya Dylan?"si jb nakaupo sa tabi ko

"Siguro!" Ako

"Sir! Kung nagmamadali kayo wag nalang natin ituloy"si manong na gumagawa nagalit na ata naririnig niya kasi lahat ng mga sinasabi namin.

"Ahh! Kuya ituloy niyo na po"ako na may pagpapakiusap sa kaniya at hinawakan na ulit ang gamit at tinuloy ang pag-gawa. Dalawang gulong ang pinapalitan niya at dahil natatagalan kami dahil sa bagal niya kumilos at dahil sa yosi niya na kanina niya pa hinihithit.

Im  His Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon