Yun nga nagsisimula na kaming mag inom kaya may nag uumpisa na ring malasing kaya medyo nagiging magulo na ang mga pangyayari kaya dapat mas maging magulo pa kaya maganda kung makakaisip na ako ng magandang plano kung paano magiging memorable ang mga oras na to!" Guys! Paano kung gawa tayo ng twist. Di ba exciting yun" sabi ko sa kanila kaya yung iba napatulala at yung iba napaisip isip. Kahit na pipikit pikit na sila pinilit pa rin nilang dumilat ng maayos.
" Parang?? A---yoko yan u-uwi na ko!" Sabi ni Pia kaya patayo na siya ng biglang tumumba siya sa pagkakatayo niya.
" Pia! Alam mo di mo na kaya." Saad ni Cassey na lasing na rin sabay tulong kay Pia na makaupo ulit.
" Kailangan na kasi nating umuwi para naman makapagsolo si Athena at Dylan sa New House nila di ba?" Lasing na nga siya.
Kaya tumayo na ko at inalalayan si Pia patayo kahit na pare- pareho na rin kaming lasing at tutumba tumba. Hanggang sa paakyat na kami sa hagdan.
" Kaya niyo pa ba?" Saad ni Dylan at napapatawa sa mga sinasabi niya.
" Wala kang pake?" Saad ko na may pairap pa.
" Okey. Tutulungan pa naman sana kita" saad niya sakin.
Paakyat na kami sa hagdan tatlo kami ni Cassey yung nag aalalay kay Pia paakyat pero gegewang gewang na kami pero kaya pa naman
" Shitttt!!"
Dylan's pov
Nag iinuman pa rin kami ng maisip nila Wifey na iakyat na sa taas si Pia. Ng biglang may narinig kami kalabog sabay tingin namin sa hagdan nakita naman namin silang tatlo na pagulong gulong pababa ng hagdanan kaya agad kaming tumayo at tinulungan sila syempre ang una kong tinayo ang asawa ko. Lasing kasi eh di tuloy nakapagbalanse ng maayos.
Lahat naman sila nag aaaray malamang masakit talaga yun ako ba naman malaglag ng ganon. Mawawala ng konti pagkalalaki ko dun sa hiya.
" ayos ka lang?" Tanong ko sa kaniya.
"Ahh dylan ang sakit ng balakang ko ahh huhu" saad nito na hawak ang balakang niya na aaray aray.
" di kasi nag iingat eh" saad ko pa na nag aalala sa kaniya.
"Malay ko bang malalaglag kami"saad pa nito sasagot pa talaga.
"Arrayy! Huhu" sigaw ni Pia.
"Sorry sorry naman. Di ko alam na pati dun masaket haha" tawa pa ni Dave buset talaga kahit kailan nadadamay na ata sa isa. Lasing na rin kasi sila kaya hindi agad nakatulong kanina.
Kaya ng matulungan namin silang tatlo nagprisinta na yung dalawa na ihahatid na sila Pia.
"Gabi na rin masyado. Maganda siguro kung sa guest room na kayo matulog"ako
"Iakyat niyo nalang sila sa unang kwarto tapos sa pangatlong kwarto kayo matulog"ako kaya binuhat na nila si Pia at Cassey. Ganon rin ako sa asawa ko.
"Baka di niyo rin kaya?"tanong ko.
"Kaya naman! Medyo nawala pagkalasing ko dun" Dave sabay tawa naming tatlo.
"Tatawa lang talaga ko bukas!" Patrick
"Buti nalang talaga nakatulog na silang tatlo"Patrick
Nang maihiga ko ang asawa ko sa kwarto namin nagpasya ako magpainit ng tubig sa baba. Sinilip ko naman ang kwartong tinutulugan ng dalawa tulog na sila kaya nagpatuloy ako sa baba nanguha ng bimpo at pinunasan ang asawa ko.
Ganito rin ang inaasahang kung magiging buhay namin ng asawa pinangarap ko. Nung una ko siyang makita sa lugar na yon alam kong siya na talaga ang para sakin. At wala ng iba pa. Kaya ng malaman ko na siya ang mapapangasawa ko wala akong naging alin langan.
BINABASA MO ANG
Im His Wife
RomansI'm Athena Margaux Zoe Gomez Tuazon And my soon to be husband Alexander Dylan Fortalejo. In this story: Kakayanin kaya ng lalaki na ipaglaban ang pagmamahal na matagal na niyang pinangarap. kaya niya kayang mahalin ang babaeng di pa tapos magmahal...