Chapter 19

361 5 2
                                    


Dylans Pov

Nangmaimulat ko ang mata ko medyo tanghali na haisst..bakit kasi dito ako natulog sa sofa na ito ang tigas tigas ang sakit tuloy ng likod ko tapos ang dami pang lamok at hindi rin kasi ako nakatulog ng maaga dahil pesteng mga lamok na yan na ako pa talaga ang napiling kagatin.

Bumangon ako na nakahawak sa likod ko na medyo masakit pero baka mawala nalang rin ito mamaya ng makabangon ako naupo muna ako napansin ko na tahimik ang palagid baka tulog pa siya pero tanghali na.

Nagring ang phone ko kaya sinagot ko na at si Dave lang pala..mukhang tungkol na naman ito sa basketball malapit na pala ang laban namin.

*(Dylan Dude papasok ka ba? Ngayon kasi yung unang practice natin dun sa school ng makakalaban natin"saad niya

*(Oo papasok na ko susunod nalang ako...teka san ba yun)*tanong ko sa kanya

*(Ahhh..andito na kami sa school na pinapasukan ni Athena...oo nga pala nakita ko siya kani-kanila lang kakagising mo lang ba? Bakit ang aga niya ata pumasok?)*saad niya na syempre marami na naman siyang tanong ang aga naman niyang pumasok hindi man lang niya ako hinintay tsaka bakit hindi niya ako ginising haist! Badtrip! Ehhh paano ako papasok kung nakapasok na siya..hayyy bwisit!

*(Bilisan mo na tanghali na! Usap nalang tayo mamaya)*saad niya na binaba na ang telepono kaya binaba ko na rin paano na ito magtataxi ako papunta dun nakakahiya. Kaya para makasiguro tumayo ako at pumunta sa kwarto nilibot ko ang buong kwarto at talagang wala na siya dito. Kaya tinawagan ko na siya...Nung una hindi niya sinagot pero nung sinubukan ko uli sinagot na niya.

*(Bakit hindi mo ko ginising?!!)*sigaw ko agad ng sagutin niya yung tawag ko..

*(Ahhh....sorry ahh akala ko kasi gigisingin ka ng first love mo!)*saad niya na may pagdidiin sa mga salita niya..at halatang galit pa rin siya...mukhang matatagalan ata akong matutulog sa sofa nito..

*(Wife wala namang ganyanan)*saad ko sa kanya na mahinahon baka sakaling kahit konti matanggal yung galit niya..

*(Hayyy...ang asawa ko nga naman napaka--------- bwisit!!! Hindi ka naman talaga concern kung bakit! Hindi kita ginising sa totoo lang takot ka na pumasok ng nakataxi...kaya may natitira pa namang kabaitan sa akin kahit na ayaw mo sa akin! Kaya ako nalang ang nagtaxi ikaw na gumamit ng sasakyan ko)*saad niya na halatang galit pa rin at mukhang nainis talaga siya..bumaba ako at tinignan ang sasakyan at nandito nga bat di ko pala naisip tignan.

*(Late ka na)*saad niya na mahinahon himala concern siya sa akin..tskk at binaba na niya yung phone kaya umakyat na ako at nagumpisang maligo.

Nakadating na rin ako sa wakas kaya inpark ko na yung sasakyan niya at bumaba na ako pagbaba ko nagtitinginan lahat ng estudyante sa akin at nagtitilian nginingitian ko lang sila at nag-umpisa ng maglakad papasok sa loob and wearing my shades yeah!! Mala Lee Min ho ang dating pero sabi nila maspogi daw ako dun hahahahahah.....di naman may awa pa naman ako kay Lee Min Ho kaya iniwan ko na sa kanya yung kagwapuhan kong iba.

Nakalagay ang dalawang kamay ko sa bulsa ko at nag-umpisang libutin itong school pero mukhang maluwang ito kesa sa school namin.

Shawn's Pov

Kasama namin ngayun si Athena para ilibot kami sa kabuuan ng school at ng mayayari na kami sa paglibot ng kabuuan ng school na ito wala pa rin si Dylan napapatingin nalang ako sa relo ko at sobrang late na siya....

Huminto si Athena at humarap sa amin na mukhang biyernes santo ang mukhang nag-away ata sila ni Dylan kaya ganito siya pero ang tapang niya pa sa lagay na yan dahil lahat ng nakak-away ni Dylan umiiyak at sa lahat nagpapakamatay dahil kay Dylan tibay niya pa nga...

"Dadating pa ba siya?"tanong niya sa amin na may pagsusungit sa amin na tingin kaya medyo siniryoso nalang namin ang pagsagot sasagot na sana ako ng magsalita si---

"Di ba dapat ikaw nakaka-alam niyan! Asawa mo kaya siya!"saad ni Dave na mukhang nawawala sa sarili ano bang pinagsasasabi niya nababaliw na ba siya...pero tinignan lang siya ng masama ni Athena...

"Gusto mo?! Bigyan kita ng mag-asawang sampal!"saad ni Athena na tinaas na ang palad niya na handa ng manampal.

"Sorry na..hindi na mauulit"saad niya na nagtago na sa likod ni Patrick na parang bata natawa tuloy kami ni Patrick na patago pero si Athena seryoso pa rin..

"Am I late?"saad ni Dylan! Na kakarating lang at dumating siya na nakasuot ng shades at nakalagay ang dalawang kamay sa bulsa niya na pokerface pa rin...

"Dun yung coart...kaya niyo naman na sigurong pumunta dun..tsaka sayang na yung oras ko may gagawin pa kung mahalaga"saad niya na tumalikod na para umalis ang sexy niya naman oo nga pala siya pala kuya niya pala ang may-ari nito...

"Sorry pero mukhang hindi pa kasi namin alam papunta dun"saad ni Dylan na mukhang iniinis pa ata lalo ang asawa niya...

"Kaya mo na yan...magaling ka naman ehhh"saad ni Athena na may pag-iirap kay Dylan at mukhang nakahanap na siya ng katapat niya kaya sabay-sabay natawa pero pinaglakihan lang kami ng mata ni Dylan kaya nag-umpisa nalang kaming maglakad para mahanap na agad yung coart dahil mukhang matatagalan dahil sobrang maluwang ito...

Hanggang ngayon hinahanap pa rin namin yung coart para kasing nalibot na namin lahat...ng may lumapit sa amin na babae. Natatandaan ko siya,siya yung kasama ni Athena nung nasa bar ito.

"Im Pia, pinadala ako ni Zoe para ihatid kayo sa coart"saad niya kaya nakabuntong hininga nalang kami dahil sa wakas makakapag-practice na rin kami...sa malamang andun na yung mga player na makakalaban namin sa sa training ngayun. Saglit lang at nakarating na rin kami nadaanan na nga namin ito kanina at andito na nga yung makakalaban namin.

Kaya naghanda na rin kami para simulan na ang practice.

Sorry for errors kung meron man
Kindly please vote for the whole chapter😍

































Im  His Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon