Athena Pov'sAaminin kung nasaktan ako sa mga pinagsasabi niya kaya siguro hindi na napigilan ng luha ko na tumulo pero kung para lang sa akin may pagsisisi ako ng konti sa mga naging desisyon ko dahil pamilya ko lang naman ang may gustong makasal ako sa kanya kahit na hindi naman namin mahal ang isat-isa.
"Alam ko na hindi mo siya mahal"tanong niya sa akin na kaharap ko pa rin ngayon na may lungkot sa mga mata niya.
"Hindi ko na alam"saad ko sa kanya na patuloy pa rin sa pagtulo ang mata ko.
Hindi ko namamalayan na gabi na pala medyo madilim na rin kasi akong umuwi minsan.
"Ihahatid na kita"saad niya na nakalahad ang kanyang kamay para kunin ang susi ng ferrari ko pero tinitigan ko lang siya kasi kanina pa siya seryoso.
Bakit niya pa kailangang gawin ito.
"Wag na kaya ko namang umuwi mag-isa"saad ko na binuksan na ang pinto ng driver seat pero sinara niya yun ng malakas paraan para ibigay ko na sa kanya ang susi.
"Akin na!"saad niya pa uli na may pagtataas ng boses kaya binigay ko na sa kanya ang susi. Sabay kaming sumakay sa kotse.
Sandali pa kaming nahinto sa pagkakaupo tahimik lang dahil hindi pa siya nagsisimulang magdrive kaya wala pa ring nangyayaring pag-alis.
"Wag mo na akong iiwasan dahil ikamamamtay ko pagnangyari pa yun"saad niya na ikinabuntong hininga ko nakatingin lang ako sa bintana habang nagsasalita siya hindi kami nagkakatinginan dahil ang awkward na nangyayari ngayon.
"Bukas susunduin kita wag mong subukang pumasok mag-isa"saad pa niya na seryoso at sinimulan na niyang magdrive nung kami pa lang din naman noon pagnagiging seryoso siya nakakakilig bakit ngayon wala na puro kaba na sa lahat ng pwede niyang gawin kahit na alam niyang bawal.
Tahimik lang kami buong biyahe ng makarating na kami nagtaka pa ako kung saan niya ako ihahatid pero mukhang alam na niya kung saan ang bahay ko.
"Hindi ba dapat ikaw ang hinatid ko"saad ko
"Pinauwi ko na yung sasakyan ko kaya gagamitin ko muna itong sasakyan mo pauwi para sigurado...hindi naman sa wala akong tiwala sayo kailangan lang"saad niya kaya lumabas na ako ng sasakyan at pumasok sa loob ng bahay.
BINABASA MO ANG
Im His Wife
RomanceI'm Athena Margaux Zoe Gomez Tuazon And my soon to be husband Alexander Dylan Fortalejo. In this story: Kakayanin kaya ng lalaki na ipaglaban ang pagmamahal na matagal na niyang pinangarap. kaya niya kayang mahalin ang babaeng di pa tapos magmahal...