Chapter 21

51.4K 684 24
                                    

Chapter 21

"Kamusta namana ng trabaho mo?" pag-uusisa ni Seph habang sabay kaming nananghalian sa may faculty lounge. Aware naman ang mga empleyado rito na ako ang girlfriend ng manager nila. Sabay kaming parati ni Seph kumain ng tanghalian. Napasimangot na lamang ako sa tanong niya.

"Okay naman siya yun nga lang nakakapagod." isang floor pa naman ang naka-assign sakin tapos suite pa, iba talaga pag bago ka.

"Masasanay ka din mahal ko basta huwag kang magpapakapagod." pinisil na lamang ni Seph ang kamay ko at sinubuan ako ng pagkain.

"Ayos nga 'to Ja kasi magkasama tayo sa trabaho, hindi na kita mamimiss katulad dati. Hehehe." napairap na lamang ako sa pambobola ng kumag na ito. Haha.

"Hay naku Joseph, isang taon na tayo binobola mo pa din ako. Haha" tapik ko sa kamay niya habang siya naman ay natatawa. Ito ang gusto ko sa relasyon namin ni Seph, para kaming mag bestfriend lang kung mag-usap pero siyempre hindi mawawala yung sweetness. Ito iyong pangarap kong relasyon.

"Oo nga Ja, biruin mo ha isang taon na tayong nagbobolahan! Hahaha." napadaing na lamang ako ng gigil na gigil pa niyang pinisil ang matambok kong pisngi.

"Naku ito na naman ang lovebirds. Haha." sita sa amin ng isa sa naging ka-close ko ng ka-trabaho na si Amiel.

"Siyempre naman, minsan ko na nga lang makasama 'tong babylove ko." Yuck! Ayokong tinatawag akong ganoon ni Seph. Nang-aasar na naman siya! Bakit ba napaka-alaskador nitong boyfriend ko.

"Babylove ka diyan!" sabay palo ko sa balikat niya na mas lalo pa niyang ikina-aliw.

"Minsan lang? Grabe ka Joseph! Halos di na nga kayo niyan mapaghiwalay pag out na. Haha. Sana talaga magkatuluyan kayo." saad ni Amiel habang sinisimulan na ang pagkain ng sarili niyang tanghalian.

"Oo naman, wala namang dahilan para hindi kami magkatuluyan ni Janine. Mahal na mahal ko siya at ganoon din siya." biglang naging seryoso ang tono ni Seph sa sinabi niyang iyon. Bahagyang may kumalbit sa puso ko dahil roon. Mahal na mahal ako ni Joseph.

"Naks naman! Alam ko naman yun Joseph. Sige na kakain pa ko." pinisil ko na lamang ang kamay ni Seph at binigyan siya ng isang matamis na ngiti. Nakakainlove talaga siya.

Kung pwede ko lang halikan rito si Seph ay ginawa ko na. Bakas sa gwapo niyang mukha ang sinseridad. Oo, hindi kasing yaman ng iba at payak lamang ang kinalakhan niya pero mayaman siyang magmahal. Nakita ko iyon ng tanggapin niya ako at ang aking anak. Bihira lamang sa isang lalaki ang umako sa responsibilidad ng iba at ituring ito na parang kanya. Iyon palang ay napapabilib na ako kay Seph.

Pinaramdam niya sa akin iyong pagmamahal na inaasam ko. Minsan pakiramdam ko sasabog na iyong puso ko dahil sa pagmamahal ko kay Seph, hindi ko maipaliwanag kung gaano ako nagpapasalamat na dumating siya sa buhay. He's a noble man.

"I love you." I mouthed as we parted our ways. Nag salute lamang siya sa akin at gumuhit ng heart sign sa kaliwang dibdib niya at itunuro ako. Napakagat na lamang ako sa aking labi upang magpigil ng kilig. Ano ba naman Janine para kayong teenagers na nagpapa-cute sa isa't-isa. Haha.

"Janine! Salamat at nakita kita!" hingal na utas ni Merryl habang sapo ang dibdib nito.

"Bakit Merryl?" tanong ko sa kasamahan ko.

"Makikisuyo naman ako sayo, hindi pa kasi ako kumakain at may kailangan pa akong linisin na kwarto. Ang sungit nung lalaking nasa penthouse. Ikaw nalang pwede? Please." tumango na lamang ako sa kanya at kinuha yung cart na tulak-tulak niya. Masipag naman talaga si Merryl kaya tutulungan ko tutal ay tapos na din naman ako sa lahat ng mga gagawin ko.

"Thank you Janine! Hayaan mo at tutulungan kita kapag ikaw naman ang may kailangan. Sige kakain na muna ko at nahihilo na ako sa gutom." utas pa niya at nilagpasan na ako.

Ilang araw na ding naka-check in ang bagong nagpapalakad nitong hotel ngunit hindi ko pa siya nakikita, sa kwento ni Seph ay mas matanda lang daw ito ng ilang taon sa kanya at mabait naman daw. Well, wala naman sa akin kung hindi ko siya makita o hindi iyon nga lang ay mahirap na at baka malagpasan ko ng bati at magalit pa. 

Sana nga'y ma-promote si Seph dahil ilang taon na rin naman siyang General Manager ng hotel na ito. He deserves that promotion. Mukha lamang loloko-loko iyon ngunit seryoso sa trabaho. Minsan nga'y napagalitan pa niya ako dahil nahuli niya akong nagtetext habang nasa gitna ng trabaho, wala namang kaso sa akin iyon dahil ginagampanan lang niya ang trabaho niya.

Hindi ako makapaniwala na hindi katulad ni Seph ang pinangarap kong lalaki. Sa isang patapon at walang pangarap sa buhay na lalaki ko sinayang ang ilang taon ng buhay ko. Kung minsan nga ay natatawa na lamang ako sa katangahan ko, bata pa naman ako noon at padalos-dalos pa sa aking mga desisyon. Iyon ang kainaman ng taong naka-move on na, pinagtatawanan mo na lamang ang nakaraan mo.

"Good afternoon po, housekeeping lang po." ilang beses akong kumatok sa silid ngunit wala namang sumasagot kaya naman pinihit ko na ang seradura at sakto namang bukas iyon.

Napailing na lamang ako sa mga kalat na tumambad sa akin. Lalaki nga talaga ang naka-check in sa kwartong ito! Lahat ng pinaghubaran ng damit ay nakakalat lamang sa sahig. Tsk. Napahinto ako ng maamoy ang isang pamilyar na amoy. Tandang tanda ko ang pabangong iyon. Armani Black Code. Hindi ko makakalimutan ang bangong iyon. Hindi ko maiwasang madala sa amoy na iyon, para bang may ilang boltaheng nabuhay sa katawan ko at dumaloy kahit sa aking gahiblang mga ugat.

Dahil sa pabangong iyon ay ilang ala-ala na ang bumalik sa akin, iyon nga lang hindi na tulad noon, manhid na ako, wala na akong nararamdaman pa sa tuwing naiisip ko siya. Wala na iyong sakit na hindi ko matiis. Sana'y pwedeng alisin ng kahit anong gamot ang sakit nararamdaman ko ay hindi ako mangimgiming inumin. Hindi ko na maalala iyong pakiramdam ng sakit na iyon pero alam kong halos ikamatay ko ang sakit na iyon. Nakaka-frustrate, gusto kong saktan ang sarili ko noon para ma-divert yung pain physically.

Nagpapasalamat ako at hanggang NOON nalang ang kwento namin at hindi na NGAYON.

Habang nalilinis ng "payatas" ay naririnig ko ang lagaslas ng tubig mula sa bathroom marahil ay naliligo ang nakatao rito. Hindi ko alam kung saan ko sisimulan ang napakagulong kwarto na ito. Naging mabilis ang paghinga ko ng marinig ang pagbukas ng pinto mula sa bathroom, hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. Hindi naman iba ito mula sa ibang customers, I mean naglilinis namana ko kahit nasa loob sila pero bakit bigla akong kinabahan? Bakit ayokong magkatagpo kami ng taong naririto? Hindi ko alam kung bakit hindi ako magkandarapa sa pagliligpit ng mga gamit ko.

"Sino yan?" nanlaki pa lalo ang aking mga mata at pigil hiningang nagtatakbo palabas. Janine, what the hell is wrong with you! Baka akalain ng may ari ng hotel na ito na bastos ako at magsumbong pa sa management. Goodness! Huminga muna akong mabuti at ambang babalik na muli sa loob.

"Janine! Is that you?!!" nanlalaking mata kong nilingon ang babaeng tumawag sa akin. That voice! That irritating voice! Nakita ko ang mapang-asar niyang mga ngiti habang pinapasadaan ang suot kong uniporme.

"After 3 years na pagkawala who wouldn't think na nandito ka lang pala sa Baguio City? Hahahaha!" napabuntong hininga na lamang ako at pinigilan ang sarili na mainis.

"What are you doing here Yvette?"

to be continue...

TVFN 6 : Between The SheetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon