Chapter 32

44.7K 641 61
                                    

Chapter 32

Ivan's POV

"Nasaan siya?" tanong ni Yvette habang inaabutan niya ako ng malamig na beer.

"She went to Baguio. Pinuntahan niya si Joseph." nilagok ko na lamang ang beer na inabot niya kahit para nitong sinusunog ang aking lalamunan hanggang sa may sikmura ko.

"Gano'n nalang 'yon Ivan? Sumuko ka agad?!" hindi makapaniwalang tanong ni Yvette pagkatapos ay siya naman ang napainom sa kanyang beer.

"No! I'm not giving up! Ayoko siyang maguluhan Yvette. I just realized na kailangan niya ng oras at panahon para makapag-isip sa mga bagay bagay. Oo, nagseselos ako kay Joseph pero may tiwala ako kay Janine. May karapatan ba akong magalit? May karapatan ba akong masaktan? I caused her pain." Damn! Hindi ako iiyak sa harapan ni Yvette. Nanakit ang lalamunan ko at nabasag ang boses ko. Grr. No!

"At kailan pa tinanggalan ng karapatan ang taong nanakit na masaktan rin? Pinagsisihan mo na lahat ng 'yon Ivan! I was there! Naroon ako noong panahon na muntik ka ng mamatay! I saved your life for Goddamn's sake!" singhal ni Yvette na ngayon ay emosyonal na.

Ayoko ng isipin ang araw na 'yon. That's the reason kung bakit naging kaibigan ko si Yvette. Kung hindi dahil sa kanya ay hindi ako maliligtas. Siguro'y makikita na lamang ako sa balita. Tss. Simula noon ay mas malapit kami pero hindi tulad ng iniisip ng iba. Alam namin ang hukay ng bawat bituka ng isa't-isa kaya malabong lumampas pa kami sa pagkakaibigan.

"Porke't nasaktan mo si Janine noon ibig bang sabihin nawalan ka na rin ng karapatang masaktan? C'mon Ivan! Bakit? Tao ka rin naman ah?! Masama bang masaktan at makaramdam ng tampo? Siya lang ba ang pupwedeng lumandi ng ganoon? Kung hinayaan mo lang sana ako Ivan edi sana hindi ka nasasaktan ng ganyan! I really hate her! Akala ba niya siya ang kawawa rito?! Siya ba?!!" pumikit ako ng mariin. Hindi ko na kaya. Masakit na masakit na. Kahit labag sa akin ay hindi ko na napigilan ang pagpatak ng mga luha ko.

"Kung makaasta at tratuhin ka ni Janine parang lugi pa siya sa'yo. Siguro nga gago ka noon pero ibang-iba ka na Ivan. Itinaya mo ang buhay mo para sa kanya! Hindi mo siya iniwan sa loob ng tatlong taon!" mas lalo akong naiyak sa mga sermon ni Yvette. Inihilig ko ang aking mukha sa kanyang balikat at pinalaya ang ilang taon kong pagkikimkim.

Iwinaglit ko lahat ng nararamdaman ko, ginawa kong manhid ang sarili ko dahil wala akong karapatan na makaramdam ng mga ganoong bagay lalo pa at sinaktan ko ang babaeng mahal ko. Tatlong taon akong pabalik-balik sa Baguio, inaaalalayan si Janine sa bawat hakbang niya para maka-move on. Masakit panoorin na ang dating mahal mo ay unti-unting nahuhulog sa iba. Hindi ko magawang lumapit dahil ayoko ng mapalitan ng luha ang mga ngiti sa labi niya. Ayoko na siyang paiyakin pa, ayoko ng saktan siya.

Janine is a very sweet and loving girl, hindi nararapat ang isang katulad ko sa kanya. Lihim akong nagpapasalamat ng makilala niya si Joseph. Wala na akong balak manggulo pa. Sapat na sigurong parusa sa akin ang mapunta sa ibang kamay ang babaeng mahal ko dahil sa sarili ko ring kagaguhan.

"Ano ba naman Ivan! Alam mo namang hindi ako sanay maglakad-lakad dito sa Baguio! Lapitan na kaya natin?" reklamo ni Yvette habang sinusundan namin si Janine. Isang taon bago ko nagawang mahanap si Janine, mahirap hanapin ang taong ayaw namang magpahanap. Ang buong paniniwala ko ay nasa ibang bansa siya at nag-aaral 'yon pala ay nasa Baguio lang pala.

"Hanggang kailan mo ba susundan at panonoorin si Janine? Get a life! Ang saya na niya Ivan, kailangan mo na ding sumaya. Tama na 'yang pagpaparusa mo sa sarili mo." hila sa akin ni Yvette sa patungo sa ibang direksyon. Hindi pa rin maalis ang tingin ko kay Janine na ngayon ay maraming bitbit na pinamili. Base sa mga ngiti niya ay para bang kuntento na siya at masaya sa buhay niya ngayon.

 

Kahit gusto kong magpakita at humingi ng tawad ay natatakot akong magulo ulit ang buhay niya. It took all her courage para maka-move on at hindi ko maatim na basta na lamang sumingit pa sa buhay niya at saktan siya ulit. Kahit ganito lang, kahit hanggang tanaw lang sana'y hayaan niyang mahalin ko siya.

 

"Ivan!" halos tumigil ang oras ko ng mapansin na patawid si Janine sa mataong kalye ng session road at mayroong papalapit na taxi. Hindi na ako nag-isip pa at malalaking hakbang na tinungo ang kinaroroonan niya at itinulak.

 

Wala akong maramdaman kundi ang matinding sakit ng likod ko. Puro ingay ng tao ang naririnig ko, sa sobrang tindi ng sakit ng likod ko ay nawalan na ako ng malay.

Nagising ako na nasa hospital bed ako, hindi ko maramdaman ang aking mga paa. Hindi ko 'yon maigalaw at akala mo wala ako ng mga 'yon. Tinanong ko si Yvette na ngayon ay nasa tabi ko at malungkot lamang siyang umiling.

 

"Kailangan mong mag-undergo sa physical therapy Ivan. Ang sabi ng doktor ay nabugbog ang spinal cord mo na sanhi ng temporary paralization mo." walang atubili kong tinanggap ang kalagayan kong 'yon dahil para sa akin ay kabayaran 'yon ng mga kasalanan ko kay Janine. Inalisan ako ng kakayahang tumayo dahil hindi ko kayang panindigan ang lahat ng mga ipinangako ko kay Janine.

 

"Sana maisip ni Janine kung gaano siya ka-swerte sa'yo." malungkot at mahinang usal ni Yvette. Natawa ako sa bagay na 'yon.

"Hindi din. Malas nga niya at talagang tanga siya kung ako ang pipiliin niya. Ihahanda ko nalang ang sarili ko." saad ko naman na ikinatawa rin niya.

"Gago. Seryoso ako Ivan. Tama ka nga. Kailangan ng oras ni Janine para makapag-isip. Hindi sa lahat ng panahon ay nasa comfort zone siya. Masakit ang magmahal pero kakambal na ng pagmamahal ay ang masaktan. Kung takot siyang masaktan ay para na rin niyang sinabi na takot siyang magmahal." pinitik ko ang noo ni Yvette na may halong amusement.

"Kung makapagsalita ka akala mo nagmahal ka na ah! Hahaha." umirap lang siya sa akin at tinaasan ako ng kilay.

"Minahal nga kita! Kulit! Hahaha."

Kung sino man ang pipiliin ni Janine ay ipinapangako ko na tatanggapin ko. Maraming ng nangyari at marami na kaming pinag-daanan. Oras na siguro para sumaya kaming pareho. Sa ngayon ay magiging mabuti akong ama para sa anak namin, kung hindi man ako naging mabuting lalaki para kay Janine ay sisiguraduhin ko naman na babawi ako kay JC.

Ayokong magpaka-siguro ngunit alam ko na may hihintayin ako. Hindi na mahalaga kung sino ang mas nagmahal at kung sino ang mas nasaktan noon. Ang mahalaga ay ang ngayon.

Aaminin ko guys hindi ako satisfied sa story na 'to pero sana nagustuhan niyo and babawi talaga ako sa TVFN 7 and TVFN 8. :'( So last chapter na po ang susunod. Sana kahit di ganoon kaganda ay tumatak sainyo yung lesson ng story. Mua!

xoxo, BonitaBabyy

TVFN 6 : Between The SheetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon