Chapter 29
"Diba si Janine yun? Balita ko may anak na daw siya ah?"
"Oo! Kaya pala nag drop siya bigla! Eighteen lang siya nun diba? Landi teh?"
"Yan kabata-bata kasi nagpabuntis. Tsk."
Hindi na bago sa akin ang ganyang mga usapan, nasa Baguio palang ako ay usap-usapan na ang pagiging batang ina ko. So what kung teenager palang ako ay nabuntis na ako? Sila ba ang nagpapakain sa anak ko? Tss. Atleast napalaki ko si JC ng maayos, kaya ba nila yon? Malayo ka sa pamilya mo tapos mag-isa mong pinapalaki ang anak mo? Damn! Padabog ko na lamang ibinaba ang gulay sa push cart ko.
"Hi Janine." hindi ko maalala ang pangalan ng babaeng bumati sa akin pero sigurado akong kaklase ko siya.
"Balita ko disgrasyada ka daw? Uh~oh! I'm so sorry about that----"
"Sinong nagsabi? Asawa niya ako, ako ang ama ng anak namin." natilihan ako ng bigla akong akbayan ni Ivan at seryoso niyang hinarap ang babaeng nasa harap namin.
"A-asawa mo siya? A-akala ko ba---" katulad niya'y hindi ko rin alam ang sasabihin ko dahil sa biglang pagsulpot ni Ivan sa tabi ko.
"Sa susunod na makikinig kayo sa chismis ay siguraduhin ninyong totoo muna. C'mon babe." bago pa ako makapag-salita ay itinulak na ni Ivan ang kaninang hawak kong push cart.
"Hindi naman pala totoo Apple! Tss. Sorry Ja ah? Atribida lang 'tong kaibigan namin. Hehe. Infairness ang gwapo ng asawa mo! Kung ako man magpapabuntis ako kaagad don! Bye! Tara na nga Apple, insecure ka talaga kay Janine!" wala sa loob akong napa-iling habang tinatanggap ang matalim na irap ni Apple. Naalala ko na, siya iyong tinalo ko sa flairing competition. No wonder nagdiwang siya ng malaman niyang disgrasyada ako.
Tahimik akong sumunod kay Ivan at hinayaan na lamang siyang kumuha ng ano pang mga kailangan sa bahay niya. Nakasakay sa may loob ng push cart si JC habang kinakain na ang Hello Panda kahit na hindi pa naman ito bayad. Hindi ako makapagsalita lalo pa't mukhang seryoso si Ivan. Nilingon ko siya ng humugot siya ng malalim na buntong hininga bago humarap sa akin.
"Sorry." he said in a small sad voice.
"Bakit naman?" itinuon ko na lamang ang aking mga mata sa tiles ng sahig dahil naiilang ako sa lungkot sa kanyang mga mata.
"Siguro ay lagi kang pinag-uusapan ng ganoon lalo na noong buntis ka pa. Sorry dahil wala ako doon, kung pinagutan lang sana kita ay hindi ka na makakatanggap ng ganoong paghuhusga. Nasasaktan ako na makarinig ng ganoon sa ibang tao at alam kong mas masakit sayo yun. Sorry Janine." ngumiti lamang ako ng malungkot at umiling.
"Don't worry Ivan. I learned my lesson. I know naman sa lahat ng nangyari satin may mga natutunan tayo. Matagal na yon basta ang mahalaga tanggap mo na si JC." I squeezed his hands ng sa ganoon ay magkaroon siya ng assurance.
Wala na akong sama ng loob pa kay Ivan. I want to start over again with him kasama ang anak namin. Kahit pa sigurong gawin niya sa akin ay mapapatawad ko siya agad. Ganoon ko siya kamahal. I didn't know na nabulag ako sa galit at sa gratitude, natabunan ang pagmamahal ko sa kanya dahil lang doon.
Sa loob ng tatlong taon akala ko safe na ako kay Joseph pero nagkamali ako. Naghanap lang ako ng pagtataguan ngunit hindi ko talaga tuluyang kinalimutan si Ivan marahil ay natulog lang ng saglit ang puso, nagpahinga para kapag dumating ang tamang panahon para sa amin ay handa na akong muli. This is the right time. Our time. Siguro naman ay sapat na ang panahon ito upang tuluyang mahinog ang pag-ibig naming dalawa, matatag na siguro kami para sa relasyong ito.
BINABASA MO ANG
TVFN 6 : Between The Sheets
RomanceShe will risk everything even her virginity just to get his playful heart. Even if it meant to have a "Between The Sheet" relationship with him.