Chapter 23

52.3K 743 43
                                    

Chapter 23

"Janine, can I ask you a favor?" kasalukuyan akong naglilinis ng hallway ng lumapit sa akin si Joseph na mukhang aburido ngayong araw.

"Ano ba yun mahal ko?" minsan ko lang namang tawagin si Seph ng "mahal ko" sa trabaho kapag alam kong kami lang dalawa o kaya kapag break time. Aniya'y maging professional daw kami sa trabaho lalo pa't General Manager siya rito.

"Iyong VIP client gusto niyang magpasama sa paglilibot dito sa Baguio pero hindi naman ako makakasama dahil mayroon kaming meeting. Pwede ka bang sumama? Iilan lang kasi tayong mga taga Baguio at ikaw lang ang nakikita kong pwede." saglit akong napaisip sa pabor na hinihiling ni Joseph. Wala naman sa job description ko ang maging tour guide. Makakahindi ba naman ako sa mahal ko?

"Sige kung iyan ang maitutulong ko saiyo." nakangiti kong saad sa kanya. Bakas naman ang relief sa mukha niya at sinuklian din ako ng ngiti.

"Buti nalang nariyan ka babylove. Pahalik nga." napatawa na lamang ako ng amba niya akong hahalikan at agad kong inilapat sa mukha niya ang aking palad. Nakakainis talaga siya! Haha.

"Pag sa atin may nakakita sige ka!" natatawa ko pa ding saad habang pilit pa rin niyang inilalapit ang sarili sa akin.

"Joseph ano ba!" impit kong tili ng sa wakas ay nagawa niya akong halikan. Isang mabilisang halik lang sana iyon ngunit tumugon ako. Ano ba 'tong ginagawa namin! Baka mamaya ay makakita sa aming client. Hahaha. Kahit na ayaw ko pang putulin ang halik namin ay marahan ko na siyang itnulak.

"Gusto ko pa? Mamaya sa bahay." tinapik ko lang siya sa balikat dahil sa kapilyuhang naiisip niya.

"Ballá!!" lalo pa siyang humagalpak ng tawa ng magsalita ako ng Ilocano. Siguro'y pinagtatawanan na naman niya ang pagsasalita ko ng Ilocano dahil hindi ko matutuhan ang puntong Ilocano. Anong magagawa nila kung laking Maynila talaga ako. Tss.

"Ang cute mo talaga Janine kapag nagsasalita ka ng Ilocano. Hay naku, ayoko na tuloy pumunta sa meeting at kukulitin nalang kita." napailing siya habang pinapasadaan ng tingin ang kanyang relong pambisig.

"Pumunta ka na nga sa meeting niyo! Sasapakin kita riyan!" umilag-ilag pa siya sa akin at muli ay sumaludo.

"After lunch hintayin mo nalang iyong VIP client sa reception area. Maging mabait ka sa kanya dahil importante siyang tao. Hehe." tamad na lamang akong tumango at ipinagpatuloy ang pagwawalis.

"May meeting ako ngayon kay Engineer Nathaniel Cueva dahil pag-uusapan namin ang expansion ng hotel, hindi kita masasabayan babylove." nahigit ko ang aking hininga dahil sa pangalang binanggit ni Seph. Damn! Si Yvette, Ivan at Nathaniel ay nasa iisang hotel kung saan ako naroon. Mas lalo akong nasikipan sa lugar na ito para sa aming lahat! Baka naman magulat nalang ako lahat ng kakilala ko ay narito na sa Baguio!

Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin kay Joseph ang lahat ng kinatatakutan ko, alam ko namang dapat walang lihim sa pagitan naming dalawa pero natatakot ako. Mangangamba siya at baka siya pa mismo ang unang mag freak out sa aming dalawa. Minsan siguro ay magugulat na lamang ako na magkakasalubong kaming apat dito sa hotel. Dapat pala'y nangibang bansa nalang talaga ako kaso hindi ko makikilala si Joseph. Hay. Sana'y mawala na lamang ulit sa buhay ko. Ayoko ng maging komplikado muli ang buhay ko. Ayoko na.

"Kumain ka na maya-maya ha? Huwag kang magpapalipas ng gutom." paalala sa akin ni Joseph. Napasimangot ako, ang lakas niyang magpa-alala niyon ngunit siya naman itong hindi makakakain ng lunch mamaya. Ewan ko ba kay Nathaniel kung bakit lunch time pa naisipang magpatawag ng meeting. Kamusta na kaya ang lalaki na iyon? Nagkatuluyan kaya sila Nathalia? Wala na kaya siyang nararamdaman para sa akin?

TVFN 6 : Between The SheetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon