Chapter 26

45.9K 723 37
                                    

Medyo SPG

Chapter 26

“Magkape ka muna.” Hindi ko na nilingon pa kung sino ang lalaking tumabi sa akin sa sofa habang binabantayan ko ang anak kong mahimbing na ngayong natutulog. Kailanman ay hindi ko maipagkakamali ang boses na iyon. Agad na dumampi ang aroma ng kape sa aking nananakit ng sikmura, buhat kanina ay hindi pa ako kumakain. Hindi ko kayang kumain habang ang anak ko ay umiiyak at nasasaktan dahil sa ilang tusok ng karayom.

“Matatagalan pa raw ang resulta ng bone marrow aspiration kaya pansamantala ay umasa muna tayo sa madalas na blood transfusion. Nakausap ko na ang doctor at hinala ko ay namana ni JC ang sakit niya sa biological mother ko.” Nanatili akong tahimik sa tabi niya habang siya naman ay humugot ng malalim na hininga.

Maraming nangyari sa loob ng araw na ito at pagod na pagod na ang katawan ko pisikal man o emosyonal. Ang inasam kong tahimik na buhay ay magulo na ngayon. Siguro nga tinadhana na magkita na talaga ang mag-ama kahit ilang beses ko pang ilihim iyon. Hindi ko alam kung ano na ang mangyayari ngayong bumalik na sa buhay ko si Ivan, ngayong papasok na siya sa buhay ng anak namin.

Naalala ko pa ang reaksyon ni Joseph ng malaman kung ano at sino si Ivan sa buhay namin ni JC, kung may tao man akong ayaw masaktan ay si Joseph iyon. Marami siyang isinakripisyo at ang sakit sa mga mata niya kanina’y hindi ko yang tiisin. Kung sinabi ko lang sana ng mas maaga sana ay hindi ko na siya nabigla pa. Gusto kong protektahan si joseph sa kahit anong bagay na makakasakit sa kanya gaya ng pagprotekta niya sa puso ko ilang taon na ang nakakaraan. I love him so much. I really do. Hindi ko akalain na matapos kong ibigay ang lahat kay Ivan ay may mas maibibigay pa pala ako kay Joseph.

“Wala akong karapatang magtanong Janine, kahit hindi ka magsalita ay alam ko naman ang dahilan kung bakit mo itinago ang anak natin. Hindi kita masisisi kung naisip ang bagay na iyon at tanging magagawa ko lang sa ngayon ay magpasalamat, maraming salamat dahil hinayaan mo akong sagipin ang buhay ng anak natin atleast sa dami ng pagkukulang ko sa kanya at sa iyo ay naramdaman ko na nakatulong ako. Gagawin ko ang lahat ng paraan para makabawi sa inyong mag-ina.” Napapikit ako ng maramdaman ang mainit na kamay ni Ivan. Ilang ala-ala ang nagbalik matapos ang saglit na pagdampi ng kanyang balat sa akin.

“Ako nga ang dapat na magpasalamat sa iyo Ivan dahil hindi ka nagdalawang isip na tulungan ang anak natin. Sorry kung inilihim ko siya sa iyo. Sorry talaga.” Basag ang boses ko at hindi ko na kayang pigilan pa ang kanina pang nagbabadyang mga luha sa aking mga mata.

“Bakit ka nagpapasalamat? Anak ko din naman si JC at responsibilidad ko na tulungan siya. Hush baby, mabuti at maaga nating nalaman ang sakit ng anak natin ng sa gayon ay maaga rin nating maagapan. Everything will be alright. Please? Ayokong makita na umiiyak ka pa. It’s unbearable.” Pagod na ang katawan ko, pakiramdam ko ay anumang oras ay babagsak na ako.

Namalayan ko na lamang na nasa mga bisig na pala ako ni Ivan. Ang kanyang amoy na nagpapakalma sa bawat hibla ng aking kalamnan, ang init ng balat niya na bumabalot sa nanlalamig kong sistema. When you hug me tight, it feels so right. Gusto kong lumayo sa kanya dahil mali ito ngunit iba ang ibinibigay niyang comfort at tuluyan na ngang nag-traydor ang sarili kong katawan. Nararamdaman ko ang banayad niyang paghalik sa aking buhok, pumikit na lamang ako at ninamnam ang eksenang minsa’y ay pinangarap kong maulit muli.

Unti-unti akong hinihila ng antok hanggang sa tuluyan na akong makatulog. Aaminin ko na sa loob ng tatlong taon ngayon lang ako nakatulog ng ganito kahimbing, I haven't slept so well since the last time that we were together. Sa loob ng tatlong taon ay nagkaroon na rin ako sa wakas ng mahimbing na tulog at isang magandang panaginip.

Nagising ako na magaan ang pakiramdam dala na rin siguro ng payapa kong tulog, napag-isipan kong umuwi na muna ng bahay ng sa ganoon ay makapagpalit ako ng damit at makapagpahinga kahit paano samantalang naiwan naman si Ivan sa tabi ng anak namin, maganda na rin siguro iyon upang magkaroon ng bonding ang dalawa. Kung makakalabas na ang anak ko’y pinapangako kong bibigyan ko ng oras ang mag-ama. Naging makasarili ako ng isipin na maaari kong itago si JC kay Ivan, malaki ang pagkakamali ko kaya naman babawi ako. Sana’y gumaling na si JC lalo na at nalalapit na ang kaarawan niya, sa ngayo’y umaasa muna kami sa blood transfusion.

Pagpasok ko pa lamang ng bahay ay bumungad na sa akin si Joseph na madilim at lugmok ang mukha, bahagya akong nakaramdaman ng guilt lalo pa at naalala ko ang kaninang pagtulog ko sa bisig ni Ivan. Para bang pinupunyal ang puso ko sa hitsura ngayon ng lalaking mahal ko. Walang dudang mahal ko si Joseph at hindi ko kaya na makita siyang nagkakaganito. Lagi kong naiisip na kulang at hindi pa sapat ang ibinibigay kong pagmamahal para kay Joseph dahil sa lahat ng ibinigay niya sa akin.

Habambuhay kong tatanawin ang sakripisyo at pagmamahal na inalay niya sa akin, I know his insecurities at mas lalong tumindi iyon dahil nariyan na si Ivan sa sitwasyon. If I could I would just kiss all his pain away.

“Baby.” Pabulong pagtawag sa kanya habang masuyo kong hinaplos ang mukha niya. Nasa bingit na siya ng pag-iyak na siyang dahilan ng paninikip ng dibdib ko.

“I’m so sorry baby kung hindi ko nasabi ang tungkol kay Ivan. Wala na akong balak pa Seph na magkaroon ng ugnayan sa kanya.” Sana’y dinggin niya ang paliwanag dahil kilala ko si Seph, kapag galit siya ay wala siyang naririnig.

“May ugnayan kayo Janine, si JC at kahit narito pa ako ay hindi ko iyon mapuputol.” Basag ang boses ni Joseph at alam kong pinipigilan lamang niya ang umiyak upang ipakita na matatag siya.

“Listen to me baby, sa buhay lang ni JC pumasok si Ivan pero hindi sa akin. I love you so much, sana naman ay panghawakan mo ang pagmamahal ko sa iyo. Hindi kita ginawang panakip butas dahil minahal talaga kita Joseph. Wala ka bang tiwala sa sarili mo? Please? I love you so much baby. I really do.” Para bang underrated ang salitang ‘LOVE’ sa nararamdaman ko ngayon para kay Joseph.

“Janine siya pa---“ hindi ko na siya pinatapos pa at siniil ko na siya ng halik, sa una’y nagulat pa siya ngunit tumugon din at mas lalo pang pinalalim ang pinagsaluhan naming halik. Hindi pa kami naging ganito ka-intimate, ngayon lang.

Nang maubusan ng hininga ay saglit kaming naghiwalay at napapikit ako ng bumaba pa ang mga halik niya mula sa panga ko pababa sa may leeg. Damn! Bago pa ako makapag-isip ay kinarga na niya ako papasok sa may silid at inilapag sa may kama. Pinagmasdan niya akong mabuti at puno ng pagmamahal ang kanyang mga mata, nilukuban ako ng kaba. Ngayon na lamang ako nagkaroon ng ganitong sensasyon at ngayon ay sa ibang lalaki pa. Nakakailang at nakakaba ngunit sa puntong ito ay hindi na ako makakaatras pa lalo ngayong dinaluhan na niya ako sa kama.

Dapat ay inihanda ko na ang sarili ko sa ganito, saan ba’t magiging mag-asawa rin kami ni Joseph iyon nga lang ay nasa akin pa rin ang takot. Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko ng maramdaman ang paghaplos niya sa dibdib ko. Wala na akong kawala pa.

TVFN 6 : Between The SheetsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon