Chapter 25
"Oo. M-may pamilya na ako. May anak na ako! Iyong bagay na gusto ko sana noon na magkaroon sa iyo ngunit inayawan mo! Ngayong mayroon na ko ay masaya na ako." mabilis at walang hingahan kong tugon sa kanya at tinalikuran ko na siya.
"Alam ko naman. Maniwala ka man o hindi Janine hinanap kita pero mahirap hanapin ang taong una palang wala ng balak magpakita. Marami ng nagbago sa loob ng tatlong taon at isa ka na sa mga iyon. I'm wishing you all the best." mas lalong nanikip ang dibdib ko ng ngumiti pa siya at magsaludo sa akin. Napakagat na lamang ako sa aking labi upang iyon na lamang ang indahin ko at hindi ang naghuhurumentado kong puso.
"Ikaw din Ivan, masaya na ako sa kung ano ang mayroon ako ngayon. Kalimutan na rin natin lahat ng nangyari noon." hilaw ang mga ngiti ko dahil mayroong pwersa ang nagsasabing mali ang mga sinasabi ko. Ngumiti rin siya pabalik at tumango, alam kong sa puntong ito na tapos na ang lahat at nakamtam na rin namin ang closure na kaytagal naming hinintay.
"Salamat at sayo ko natanggap yan Janine, ngayon ay hindi na ako aasa at makakapagsimula na akong mag move on, tatlong taon akong na-stuck sa atin." muli niya akong nginitian at tumalikod na. Halos mapugto ang hininga ko dahil sa pagpipigil na ito, hinakbang ko ang paa ko para sundan siya ngunit iniatras ko rin ito. Wala ng dahilan para sundan ko pa siya, kung gagawin ko iyon ay alam kong hindi na ako makababalik pa kung nasaan ako ngayon at tuluyang sundan at habulin na naman siya. Once is enough, twice is too much.
***
"Anak, para akong halaman." biglang untag ni mommy habang pinanonood ko siyang maglagay ng nail polish.
"Bakit naman?" matamlay ang hitsura ni mommy ngunit hindi mo iyon mapapansin dahil sa kanyang postura. Tss. Kahit sa loob ng bahay ay nakasuot pa rin siya ng kolorete.
"Tuyo't tigang na ako anak. Kailangan ko na sigurong magpadilig sa daddy." nanlalaki ang mga mata ko sa banat namin. Banat ba yun or seryoso siya?! Tama bang sabihin niya iyon sa akin. Tss. Napailing na lamang ako at lumapit sa kanya upang hilutin ang ulo niya at kung anu-ano na ang mga iniisip niya. Jusko!
"Hay nako mommy ano ba yang pinagsasabi mo, miss mo lang si dad! Haha. Tomorrow night babalik ka na rin naman ng Manila kaya huwag ka ng bumanat uli ng ganoon at baka mamaya may makarinig sa iyo."
"At bakit? Siansabi ko lang kung ano ang nasa utak ko, prangka ako." sa sobrang kaprangkahan nga niya kung minsan ay nakakahiya na lalo na sa mga nakaririnig.
"Nagkita nga pala kami ni Ivan kanina." hindi ko alam kung dapat ko pa bang sabihin sa kanya ang nangyari kanina.
"Muling ibalik ang tamis ng dating pag-ibig! Yan ba ang peg mo ngayon 'nak? Hahaha. Ano namang pinag-usapan ninyo?" cool na tanong ni mommy habang patuloy lang siya sa paglalagay ng pulang likido sa kanyang mahahabang kuko.
"Well, unang una boss namin siya ni Joseph sa hotel at pangalawa alam na niyang may anak ako." kung makapagsalita ako ay parang hindi ako apektado sa bagay na iyon, hindi ko rin alam kung bakit kaswal lang ang pagkakasabi ko sa bagay na iyon na kung tutuusin ay dapat na akong mag-panic.
"Alam na niyang may anak kayo?!! Anong sabi?!!" pinigilan kong tumayo si mommy at mas idiniin pa ang pagmamasahe ko sa kanya ng sa gayon ay hindi siya mag freak out.
"Sinabi ko nalang na anak namin iyon ni Joseph, kahit naman makita niya si JC ay hindi iyon maghihinala lalo pa't ilong lang naman ang namana ng anak niya sa kanya."
"Aba'y ewan ko ba sayo Janine at bakit hindi mo sinabi kay Ivan ang tungkol sa anak ninyo. Kahit papano naman ay may pinagsamahan kayo. Hindi lang ikaw ang bumuo kay JC 'no!" napapapikit na lamang ako habang sinesermunan ng sarili kong ina.
BINABASA MO ANG
TVFN 6 : Between The Sheets
RomanceShe will risk everything even her virginity just to get his playful heart. Even if it meant to have a "Between The Sheet" relationship with him.