CHAPTER VII
Malayo layo din ang pupuntahan niya but its okay. Matagal tagal nadin syang hindi nakakapunta sa lugar na yon.Ilang oras din ang ibiniyahe nya bago nya marating ang lugar na natagal na nyang hindi nadadalaw.
Medyo malayo pa sya sa malaking gate ay tanaw na na nya ang malawak na lupain nito.
Nang makalapit sa gate ay bumisina na muna sya ng tatlong beses bago nya matanaw ang pamilyar na mukha na tumakbo papalapit sa malaking gate.
Pagkabukas nito ng gate ay agad itong lumapit sa tapat ng bintana ng kanyang kotse upang alamin kung sino ang sakay ng naturang sasakyan.
Agad nya itong nginitian ng ito'y makalapit sa kanya, na sinuklian din nito ng isang malawak na ngiti.
"Kamusta na anak? Naku! Lalo kang gumaganda ah! Tiyak na matutuwa si Sister lalo na ang nanay Adel mo pagnakita ka, sasabihin kong dumating ka na!" tuloy tuloy nitong sabi na ikinalawak naman ng ngiti nya.
"Pumasok kana" sabi pa nito
Muli nyang ipinausad ang sasakyan papasok sa loob ng malawak na lupain. Mabilis namang isinara ni tatay Berto ang malaking gate at nagmadaling pumasok sa loob ng malaking bahay.
Ipinark nya ang kotse sa tabi ng malaking puno medyo malapit sa pintuan ng naturang malaking bahay.
Huminga muna sya ng malalim bago lumabas ng kanyang kotse.
Agad naman syang sinalubong ng dalawang babae, ang isa ay matandang dalaga na nasa edad sisenta na, na nakasuot ito ng abitong pang-madre.
si Sister theresa at ang kasama nito na isang dalaga na bago sa kanyang paningin na kalalabas pa lang sa naturang pinto.
"kamusta kana hija?" tanong ni Sister theresa sa akin pagkalapit nilang dalawa sa akin.
"ok lang po ako! Kayo po kamusta na?" ako na agad yumakap sa kanya
"Mabuti ang kalagayan namin hija!" sagot ni Sister na yumakap din sa akin pabalik at marahang haplosin ang aking likod. "Doon tayo sa opisina ko mag~usap!" ng marahan pakawalan sa yakap. Tumango naman muna ako kay Sister theresa.
"Ito nga pala si Mira, bago lang sya dito." pagpapakilala sa akin ni Sister theresa sa dalagang kasama nitong sumalubong sa akin. Tiningnan ko naman ang kasama nitong dalaga
"Hello po!" kiming bati nito sa akin. Tinanguan at tipid ko lang itong nginitian.
"Sandali lang po Sister, may mga dala po akong konting pasalubong para sa mga bata." sabi ko
"Ikaw talagang bata ka oh... Iiling iling itong nakangiti "hindi kana sana nag~abala pa!" sabi pa nito na tumingin sa paligid.
Natanaw ko naman si tatay Berto na kalalabas lang din ng pinto at kasama nito si nanay Adel na mukhang sinundo pa nito dahil halatang galing pa sa kusina at nakasuot pa ito ng apron.
Nagmamadali itong lumapit sa amin at mabilis naman akong niyakap ni nanay Adel ng makalapit sila sa amin nila Sister Theresa.
"Na~miss kitang bata ka!" sabi nitong naiiyak pa at habang mahigpit akong yakap,na ginantihan ko din ng mahigpit na yakap.
"Ok lang po ako!"
"Ang tagal mo naman kasing dumalaw ulit dito eh!" naluluha pa nitong sabi.
"Naku Adel! Hwag kang masyadong magdrama't nakakahiya kana." birong sabad naman ni tatay Berto.
"Naku ka din Berto!" sagot naman nito ng pakawalan na ko sa yakap. "Ikaw ang nakakahiya! Gusto mo lang din yumakap eh ang dami mo pang sinabi!" habang dinuro pa ang asawa nito.
BINABASA MO ANG
Hot And Cold
General FictionA story of two different people. With different personality Different perspective in life Different in everything, as in everything Meet each other, fall in love? Magkasundo kaya sila despite their difference? Or Mas lalong magkakagulo at di sila ma...