Prologue

43K 1K 110
                                    

Boyfriend ko si Kamatayan

Written By: AdicQueen09

Hiro Rivas and Yvaine Roxas

All Rights Reserve 2018

Walang Book 2

Story Start:June 2, 2017

Story Ends: May 28, 2018

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters,
businesses, songs, places, events and incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

-------------------------------------

"Let our love works , even we are different creatures, I love you no matter what happen."

***********************



Yvaine's P.O.V

"Beks, paano ba ma-inlove?" tanong ko kay Rachelle Manuel na best friend ko.

Nandito kami ngayon sa labas ng Winston University. Kaka-enroll lang namin. Kasalukuyan kong hinihintay si Kuya Zach, kasi sabi niya magbabanyo daw siya. Si Kuya Zachary ay kakambal ko, pero kuya ang tawag ko sa kaniya at meron pa kaming isang bunsong kapatid na si Charm. Apat talaga kami pero namatay ang panganay sa amin.

Napansin ko namang hindi niya ako pinansin kaya kinalabit ko siya.

"Huy!"

"Kapag feeling mo sobrang special niyang tao," walang ganang sagot ni Rachelle habang naglalaro ng mobile legends sa cellphone niya.

Kaya pala hindi mo maistorbo, busy pala maglaro.

"Teka? Paano bang special? Never ko pa na-feel, pwede mo ba i-explain, further explanation," sabi ko kay Rachelle.

"Tsk! Naagaw 'yong turtle--tanong mo kay Sab," iritang sambit ni Rachelle nang hindi tumitingin sa akin dahil focus sa paglalaro niya. Mukha kasing matatalo na siya.

Ano ba 'yan pasa-pasa sa tanong ko, ka-imbyerna!

Si Sabrina Manuel ay kapatid ni Rachelle pero adopted lang siya. Busy naman si Sab sa pagbibilang ng Barya galing sa alkansya niya. Hayst, buti pa siya nakakaipon samantalang ako, nga-nga, kain paa.

"Ha? Bakit ako? Wala akong alam diyan," tanggi ni Sab.

"Wala raw, sinungaling!" inis na sabi ni Rachelle.

Napatitig ako kay Sab na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin. Bumuntong hininga siya bago magsalita.

"Special, 'yon yung gusto mo lagi siyang makita at excited ka lagi kapag makikita mo siya tapos kakaibang saya ang mararamdaman mo kapag nasa tabi mo na siya o kahit naiisip mo lang siya. Iba 'yong treatment mo sa kaniya kumpara sa ibang tao tapos kapag may ibang tao ang umaaligid sa kaniya nagseselos ka. In short, in love ka na," sabi nito at hinagisan ako ng piso sa mukha ko.

Bastos!

"ARAY!" daing ko saka pinulot ang piso na nahulog sa dibdib ko--este sa simento.

Palagi kasi nilang sinasabi na wala akong dibdib at ang dibdib ko raw ay flat kaya hinahalintulad ako sa pader o 'di kaya sa simento.

Boyfriend Ko Si Kamatayan (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon