Chapter 2

22.1K 716 170
                                    

Yvaine's P.O.V

"Daddy, ilayo niyo na kay Ate 'yong pizza, mauubos!" sabi ni Charm kaya napasimangot ako.

Samantalang nagtawanan naman sila Mommy, Dad and kuya Zach.

"Why are you so hard sa akin, I'm just eating," umiirap kong sambit.

"Yeah, anak. You just told me that you're in diet, right? Just kinda reminding you," nakangiting sabi ni Mom.

"Uhm... cheat day?" bulong ko at kinuha ang plato ng Lasagna.

Best seller kasi dito sa restaurant ni Daddy ang lasagna. This is the first resto that my father built and soon, this will be in my own hands, ako ang magmamana. After I graduate, of course. I am in fourth year college na.

"Kaya walang boyfriend," pang-aasar ni Kuya Zach.

"Yeah, no boyfriend since birth," ani Charm.

"Oo nga! 20 years old ka magbo-boyfriend ah!" sabi ko at sinamaan siya ng tingin kaya nagulat siya.

"20 years old? Ate, 'wag mo 'ko itulad sa 'yo, ah? Ikaw nga 21 years old pero NBSB."

Napairap ako, mahinahon nga magsalita, ang sakit naman ng sinasabi.

"Finish your foods na," ani Dad.

Ilang sandali lang ay nakaramdam ako ng pagkapuno ng pantog, naiihi ako.

"Kuya, samahan mo naman ako sa banyo," sabi ko at tumayo.

"Ikaw na! Kumakain ako, nandyan naman si Charm," sabi nito.

"Bakit ako? I'm eating rin, this is my favorite dessert na," ani Charm.

"Isa!" sabi ko at iniyukom ang kamao ko.

"Dalawa," sabat ni Daddy Blake.

"Tatlo," walang ganang sabi ni Mommy Czarina.

"Apat," ani Charm at tinaas ang dalawang kamay.

"Lima," nakangiting sabi ni Zachary at tumawa silang lahat.

"Really? Pamilya ko ba talaga kayo?"

"'Eto na nga. Tara na, baka umiyak ka pa," sabi ni Kuya at tinulak pa ako nang makatayo siya sa kinauupuan niya.

Sinuntok ko naman siya sa balikat pero tinulak niya ako kaya tinapakan ko 'yong bagong rubber shoes niya, napadaing siya, 'di dahil sa sakit, kundi dahil bago yung sapatos.

"Bilisan mo ah!" sabi ni Kuya at tinulak ako papasok sa ladies room.

"Oo na," ani ko at pumasok sa cubicle.

Hindi kasi ako sanay na mag-isa, gusto ko lagi akong may kasama. Actually, I hate going to a comfort room alone, nung bata kasi ako, kinulong ako ng mga kaklase ko, why? dahil sinasabi nilang baliw ako, because I can see things that they can't see. So, ayuon naging panakot ko na sa kanila 'yong line ko na 'I can see things that you can't see'.

Nang matapos ako, naghugas ako ng kamay. Habang nakatingin ako sa salamin ay parang may kung ano akong naramdaman kapag nakatitig ako sa mga mata ko. Napailing naman ako. Weird talaga. Siguro dahil may third eye ako kaya ganoon. Pero dahil maganda ako ngayon ay tumitig ulit ako sa salamin at tumingin sa mga mata ko nang matagal. May kakaiba talaga...

"Hayst," bulong ko.

Lumabas ako ng banyo at hinanap si Kuya. Nakita ko namang nakatalikod siya at nakasandal sa pader. Nag-ce-cellphone ba siya? O nagpapahangin dahil nakatapat ang aircon banda dito?

Lumapit ako sa kaniya at kinalabit siya.

"Kuya, tara na--" napahinto ako nang lumingon siya sa akin.

Boyfriend Ko Si Kamatayan (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon