Chapter 1

26K 793 97
                                    

Yvaine's P.O.V

"So? Bakit kailangan niyo pang manakot? Maloloka ako sa inyong dalawa," irita kong sabi sa dalawang multo na nasa harapan ko.

Gabi na ngayon at nagising ako dahil sa pananakot nila kaya nandito silang dalawa at nakaupo sa kama ko. Ako naman ay nakatayo sa harap nila habang pinapagalitan sila sa ginawa nilang pananakot. Sino ba naman kasing hindi matatakot kapag paggising mo, patay ang ilaw tapos may dalawang babaeng nasa harap mo.

"Siya ang nakaisip no'n," sabi ng multo at tinuro ang katabi niyang babae.

"Ha!? Bakit ako? ikaw nga nagsabi!" aniya at tinulak ang katabi niyang multo.

"Alam niyo? Nakaka-stress kayo baka magka-pimples ako nito at lalong walang magkagusto sa 'kin," sabi ko at nag-cross arms sa harap nila.

I need beauty rest, for the sake of having a manliligaw, jowa, sooner or later. Come on, praktikal na ngayon, physical appearance na ang tinitignan.

"Sorry na! Hindi kasi namin alam na sanay ka pala sa multo, akala namin simpleng tao ka lang na bukas ang third eye, makapangyarihan ka pala," sabi nung isa at sumimangot.

Napabuntong-hininga naman ako. May mga multo kasi na trip manakot, pero 'yong iba tinatarayan ko lang. Ang mahirap makasalamuha ay mga kaluluwa na malakas ang awra, may matinding galit na dahilan para makabuo sila ng kapangyarihan nila. Hindi ko alam pero, nalalabanan ko sila. I don't know how, I can't see my powers but I can feel it.

"Lagot kayo kay Fairy Soul kapag nalaman niya 'to," pagbabanta ko at tinaasan sila ng kilay.

Nagkatinginan naman sila. Teka? Hindi ba nila kilala si Fairy Soul? Bakit ganyan ang itsura nila? Unlike sa ibang multo, mababaliw na sila sa takot once na binanggit ko si Fairy Soul.

"Wait, w-wait. Hindi niyo ba kilala si Fairy Soul?"

Sabay na umiling ang dalawa.

"Anak ng multo," bulong ko at napasapo sa noo ko.

"Si kamatayan lang ang kilala naming," sabi ng multo.

Kamatayan? Totoo pala 'yon. Pero never ko pa na-encounter si Kamatayan puro multo lang kasi at si Fairy Soul ang nakikita ko. Si Fairy Soul ay mabait na fairy, siya ang nag-oorganize sa mga multo at siya ang kumukuha sa mga ligaw na kaluluwa dito sa mundo. Powerful, she looks like a goddess, kind and considerate siya.

"Nakita niyo na siya?" tanong ko sa kanila.

Hinila ko ang gaming chair ko at umupo sa harap nila saka nakinig sa sasabihin ng dalawang multo.

"Oo, sulyap lang. Si Kamatayan, siya 'yong iniiwasan namin kasi kukuhanin niya kami," sabi nung isa.

"Same as Fairy Soul—"

"Siya yung kumukuha sa mga namamatay, siya 'yong tagasundo ng mga kaluluwa ng mga namayapa. Marami ata sila, hindi naming sigurado."

So? Si kamatayan ay ang tagasundo ng mga namamatay dito sa lupa. Akala ko si Fairy Soul lang.

"Pero bakit pa kayo nandito? Hindi ba dapat kinuha na kayo ni Kamatayan?" tanong ko sa kanila.

"Hindi makatarungan ang pagkamatay namin kaya hindi kami sumama kay Kamatayan, tumakas agad kami nang mamatay kami at hindi na naabutan pa ng tagasundo. Simula noon nagtago na kami," sabi nung isa.

Dahan-dahan akong napatango. Sino naman kaya si kamatayan? Nakakatakot kaya siya?

"Ano bang ikinamatay niyo?" tanong ko sa kanila.

"Ni-rape ako at pinatay, pero hanggang ngayon hindi pa rin nakikita ang suspect sa krimen," sabi nung isa at tinaas ang kamay niya.

"Atleast hindi ka namatay na virgin," sabi ko at ngumiti sa kaniya.

"Wow ha, hindi ko ginusto 'yon, takutin kita diyan!" inirapan niya ako.

"Ako naman. Nasagasaan ako tapos hindi pa rin nahahanap 'yong driver ng kotse na nakasagasa sa akin," sabi naman nung isa kaya napatango ako.

"Sayang ka. Namatay na virgin," sabi ko at tinuro siya.

"Okay lang 'yon! Atleast may first kiss ako noong nabubuhay pa ako," sabi niya at ngumiti ng nakakaloko habang nakahawak sa labi niya.

Multong malandi.

"Ikaw? Nagka-lovelife ka na ba?" tanong nung nasagasaan.

"Wala nga, 'di ba? Kakasabi niya lang kanina," sabi nung na-rape tapos tumawa silang dalawa at nag-high five pa.

"You're getting into my nerves na," singhal ko.

"Teka? Sino pala si Fairy Soul na sinasabi mo kanina?" tanong nung nasagasaan.

"Siya yung kumukuha sa mga ligaw na kaluluwa na pagala-gala sa mundong 'to, gaya niyo," sabi ko at ngumiti ng nakakaloko kaya napasimangot silang dalawa.

"Hard mo sa'min! Makaalis na nga!" sabi nung na-rape.

"Tara na, badtrip 'to," pagsang-ayon nung nasagasaan at bigla na lang silang tumagos sa pader.

"Walang hiya! Ako pa talaga? Sila nga 'tong sinira na tulog ko, nilait pa love status ko!"

**********************************************

Kinabukasan ng umaga ay abala kaming lahat sa pag-aayos ng sarili namin. Kakain kasi kami ng lunch sa restaurant ni Daddy Blake, dahil sunday ngayon at walang pasok sila Mom and Dad kaya family bonding kami.

"Ate, help me with my hair, please," mahinahong sambit ni Charm habang nakasilip sa sa akin mula sa pinto ng kwarto ko.

"Sige, baby, tara dito," sabi ko at pinaupo siya sa upuan na katapat ng salamin ko at iba pang makeup, hindi ako bongga mag-make up, as in light make up lang.

"Ate, ang ganda mo. Minsan talaga kulang ka lang sa ayos," sabi ni Charm kaya napangiti ako habang tinitirintas ang buhok niya.

"Nambola pa."

"Kung araw-araw mong gagawin 'yan baka nagka-lovelife ka na," dagdag niya kaya napasimangot ako.

Lagi na lang love life ko yung tina-topic nila.

"Kung kalbuhin kaya kita?" Diniinan ko ang paghawak sa buhok niya dahilan para mapadaing siya sa sakit.

"Joke lang, ate! 'eto naman, 'di na nasanay sa biruan," mahinhin niyang sabi.

Mahinhin talaga itong si Charm, minsan naiisip kong pabebe lang siya pero natural sa kaniya 'yon. Lumaki siyang soft hearted person.

"Siguro maganda or gwapo rin 'yong panganay nating kapatid kung hindi siya nawala," bulong ni Charm habang nakatitig siya sa salamin.

Kung buhay man siya, five years ang tanda niya sa amin. Before kasi, may masamang kwento sila Mom and Dad noon dahilan para mawala ang kapatid namin. Ang totoo na hindi alam ni Charm ay pinalaglag ni Mom ang panganay naming kapatid due to her anger against Dad, dahil nag-cheat si Dad kay Mom noon. We're lucky na nagkabalikan sila at nabuhay kami sa mundong ito.

"Ganoon talaga ang buhay, may pinagdaanan din kasi sila Mommy Czarina at Daddy Blake noon, some unplanned things really happened," sabi ko at pinisil ang pisngi niya.

"I know, our kuya or ate is happy, kung nasaan man siya," ani Charm.

"Yes, of course, siguro pinapanood niya lang tayo somewhere."

Ibinuhol ko ang dulo ng braid gamit ang isang pamusod na ribbon.

"Done, use my new matte lipstick," sabi ko at kinuha ang regalo ni Mom noon na lipstick.

"Wow, ganda ng shade, super girly," aniya.

Napatigil kami nang may kumatok sa pinto. Bumukas iyon at nakita naming si Daddy Blake, wearing a simple polo and pants.

"Girls? Ready na ba?" tanong ni Dad sa amin at ngumiti.

Tumango naman ako, "Ready na po kami."

Kinuha ko na ang sling bag ko. Ready na ako kumain, excited na nga. Food is life kasi when you don't have a love life.

Boyfriend Ko Si Kamatayan (PUBLISHED UNDER PSICOM)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon