This Chapter is Dedicated To @Hcrazydemonic_ANGEL
Yvaine's POV
Sobrang nakakapagod ang araw na to!
Una sa lahat, Nakita ko sa klase namin si Hiro at nalaman kong Rivas ang apilyido niya tapos may stolen shot siya sakin at! Wallpaper ko na! Yiiieee crush ko na ata sya!
Tapos nalaman pa naming may pinsan pala sila Ate Liza at Caramae na Addison ang pangalan. At sobrang nakakashock ang buhay niya, nakakaawa siya at the same time.
Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa wallpaper ko, hinihintay ko sila Rachelle na nakapila dahil bibili ng pagkain tapos ako naman nagbabantay ng table namin dahil sa sobrang daming estudyante dito sa W.U ay malamang mawawalan kayo ng table.
"Miss" Napalingon ako sa tabi ko, Nakita ko ang nakangiting lalake. Pamilyar ang mukha niya saakin at para bang nakita ko na siya.
"Hi?" Sambit ko at tinaasan siya ng kilay.
"Ako si Bryan Rivas--"
"RIVAS!??" Medyo napalakas ang pagkakasambit ko kaya napatakip ako ng bibig.
"Hhmmm may problema ba? Gusto ko lang na makilala ka" sambit nito at ngumiti saakin.
Ngumiti rin ako sakanya at inilahad niya ang kamay nya saakin. Naaalala ko na siya! Siya yung kaklase ko rin!
"Yvaine Roxas" sabi ko at kinamayan siya.
Pagkatapos non ay umalis na rin siya dahil may kailangan daw siyang puntahan, pero Rivas ang apilyido niya nacucurious tuloy ako kung bakit ganun, magkamag anak kaya sila ni Hiro?
Kaano ano niya si Hiro? WAAAHH!!! Nakakaloka na ito. Puro si Hiro nalang naiisip ko! Bakit ba? Ano bang meron kay Hiro?
"Hoy, anyare sayo?" Tanong ni Rachelle at inilapag ang box ng Pizza.
"Wala. Ewan ko! Hirap i-explain! Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko" sabi ko at tinakpan ang mukha ko gamit ang dalawa kong palad.
"Gutom lang yan" sambit ni Sab at inilapit saakin ang box ng Pizza.
"Busog ako" bulong ko at nagpangalumbaba.
"We? Himala!" Sambit ni Rachelle.
"Kelan ka pa nabusog?" Natatawang tanong ni Sab.
"Joke lang, hindi ako tumatanggi sa blessings" sabi ko at kumuha ng pizza at kumain pero lutang parin ang isip ko.
"Anong year na kaya yung si Addison?" tanong ni Sab.
"Ka-year lang ata natin yun eh" sabi ko saka kumain ulit.
Food is life talaga lalo na kapag wala kang lovelife!!!
"Bilisan niyo dyan, maya maya mag be-bell na. Magready na kayo magbabanyo lang ako" Sabi ni Rachelle saka dinala yung slingbag niya papuntang Comfort Room.
"Problema nun?" tanong ko habang pinapanood kong umalis.
"Mag re-retouch lang yun" sabi ni Sab at nag ayos na ng sarili niya.
Gara nila, masyado silang namomroblema sa itsura nila. parang si Charm lang may jowa na ata yun kaya ganun, sabi kase kapag may lovelife ka blooming ka. tignan niyo ko mukha akong bruha kase walang lovelife.
******************************
Pagpasok namin ng room ay nakasalubong ko si Hiro, at as usual dumugo ang ilong niya kaya nagtatakbo siya sa labas.
"Problema non sayo?" Tanong ni Sab saakin at tinuro si Hiro.
"Hindi ko nga alam eh" sabi ko.
Nag kakagulo lang ngayon sa room dahil wala ang prof. namin tapos maya maya din ay uwian na, Wala naman akong makausap pero hinihintay ko si Hiro bumalik kaso 15 minutes na siyang wala.
BINABASA MO ANG
Boyfriend Ko Si Kamatayan (PUBLISHED UNDER PSICOM)
FantasyTHIS STORY IS PUBLISHED UNDER PSICOM. GET YOUR COPY NOW! AVAILABLE ON SHOPEE AND LAZADA. BLURB: Kilala si Yvaine Roxas bilang college student na NBSB. Nang matagpuan niya ang isang lalaking misteryoso, tuluyan siyang napaibig dito. Hindi batid ni Yv...