Yvaine's POV
Kakauwi lang namin galing sa restaurant ni Daddy at naintriga talaga ako kay Kuyang nireregla ilong. Nagbihis na ako ng pambahay at nag ayos ng gamit, tinignan ko ang kalendaryo malapit na ang pasukan. Excited na kinakabahan! Last year ko na to then simula na ng pag tatrabaho ko sa company and sa resto. Well kaming magkakapatid ay iisa ang kukuning kurso kahit ba hindi namin gusto, Gaya ni kuya. Gusto nya maging photographer noon pero naging Business management, ako naman Culinary pero sabi ni Dad kailangan Business Management para tutok kami about sa mga business na kailangang aralin
*BRRZZZ*BRRRZZZ* (CellphoneVibrates)
Roxas Cousins
Lucas-MGA PARE MAG ONLINE KAYOOO!
Caramae-Baket?
Zachary-Anong meron?
Lucas-Tara sa Mall bukas 1PM
Yvaine-Paalam kami
Caramae-Sama ko sila Rachelle
Lucas-Sige Cara
Ethan-Derick!!! Sunduin mo ko bro!
Derick-Gago di ko dadalhin sasakyan ni Dad
Caramae-Dalhin ko kotse ko
Lucas-Magdadala din ako
Yvaine-Pa angkas nalang guys
Zachary-Ayaw pa ako pag drivin ni Dad
Ethan-Tangna Bulok
Derick-Gago grounded ako ni Dad! Tatakas lang ako bukas!
Yvaine-Abnoy hahaha
Lucas-Okay labas kami dyan kapag nahuli ka haha
Derick-Mag teteleport ako
Caramae-Parang kaya eh!
Zachary-May kapangyarihan yan
Lucas-ano?
Derick-Mag teleport!
Zachary-Mambabae
Caramae-HAHAHAH
Yvaine-Burn!
Derick-Tangna mo humanda ka sakin Zach!
Zachary-Sige lang , ibablackmail kita
Derick-De joke lang bro I love you Bro
Yvaine-YUCK BROMANCE!
Lucas-Nakakadiri kayo
Ethan-Bromance
Caramae-Bagong Loveteam ng Pinas! ZaRick
Derick-Baduy nyo
Zachary-Badtrip! Kadiri ka bro!
Napatawa naman ako ng malakas sa nangyayare ngayon! Bromance ang peg nila ngayon ah! Di ko alam na bakla pala si Derick, Sarap i-screenshot at ipost sa facebook hahaha!
"Yvaine" Isang husky voice ang narinig ko.
"Sino yan?" Tanong ko at tumingin sa paligid, "Fairy Soul?" Sambit ko ng makakita ako ng puting nagliliwanag malapit sa cabinet ko.
"Yvaine" muli nitong pagtawag saakin, Unti unting lumabas si Fairy Soul mula sa pader kaya napangiti ako.
"Kamusta ka na? Bakit ngayon ka lang nagpakita?" Tanong ko sakanya at inaya siya sa kama ko para maupo sa tabi ko.
BINABASA MO ANG
Boyfriend Ko Si Kamatayan (PUBLISHED UNDER PSICOM)
FantasyTHIS STORY IS PUBLISHED UNDER PSICOM. GET YOUR COPY NOW! AVAILABLE ON SHOPEE AND LAZADA. BLURB: Kilala si Yvaine Roxas bilang college student na NBSB. Nang matagpuan niya ang isang lalaking misteryoso, tuluyan siyang napaibig dito. Hindi batid ni Yv...