"Alam mo Jimin, ikaw yung pinakapabebeng nakilala ko." Sabi ni Taehyung at kumagat sa jumbo hotdog sandwich nya. As usual magkasama na naman silang dalawa dahil halos parehas ang schedule nila. Maliban nalang kay Jin dahil mas matanda ito at graduating na.
"Tanga ka ba syempre kaming dalawa lang naman ni Jin hyung kaibigan mo dito." Mukha naoffend si Taehyung at hindi sinagot si Jimin.
"Hoy nakita ko yung reply mo dun sa comment ni Hoseok hyung. Paano kung kumalat yun ha? Akala ko ba natatakot ka na macriticize?" Humarap si Jimin kay Taehyung at pinunasan yung gilid ng labi nya gamit tissue dahil sa ketchup na kumalat. Kahit kelan talaga ang dugyot kumain ni Taehyung pero mahal nya yan.
"Love Wins. At ang stalker mo." Sagot nya at sumimangot.
"At ang stalker mo." Nagmake face si Jimin habang sinasabi yon.
"Pero balik sayo, bakit ba ayaw mong maniwala na may gusto sayo si Yoongi? Eto na sinabi na nyang mahal ka nya. Finally after 3 months nyong pagchachat nahulog na sya sayo."
"Kasi hindi pa ako handa magkarelasyon, tsaka natatakot ako sa kung anong sabihin ng ibang tao."
"Hindi ka nga natakot umamin sakanya e. Hindi ka rin natakot na baka kumalat yun. Bakit ka pa pabebe dyan buti nga sayo mahal ka ng taong mahal mo, yung akin hindi."
Kumagat ulit si Taehyung sa pagkain nya at duon binuhos ang pagkainis sa pabebe nyang bestfriend. Kahit gigil na sya, ayaw nyang maging dahilan ito ng pagaaway nila. Nagbuntong hininga lang si Jimin at dumukot ng fries.
Handa na ba syang pumasok sa relasyon? Handa na ba syang malaman ng ibang tao na hindi sya straight?
"Alam mo chim, kung totoo kang mahal ni Yoongi ipagtatanggol ka nyan sa mga homophobic dyan. Tsaka andito kami ni Jin noh. Tingin mo saamin mannequin? Na display at plastic lang?" Sabi ni Taehyung at binatukan si Jimin.
"Tsaka aaminin ko na bagay at cute kayong dalawa. Teka wait. Puta. Kadiri." Umaktong nasusuka si Taehyung dahil sa sinabi nya. Tumawa si Jimin at hinimas pa ang likod ni Taehyung. Mukha silang tanga at kung titignan mo sa malayo, may nasusuka pero yung kaibigan mo natatawa lang. Goals.
Tumigil si Taehyung sa pagarte at hinawakan si Jimin sa pisngi. Pinisil nya iyon at ngumiti. "Wag mo nang isipin yung reputasyon mo basta ang mahalaga masaya ka sa ginagawa mo. At hindi naman masisira dignidad mo kapag nalaman ng ibang tao kung ano ka e. Yung dignidad nila masisira kasi napakahomophobic at toxic ng ugali nila."
Sa tuwa ni Jimin sa sinasabi ng kaibigan nya ay niyakap nya ito. Niyakap sya ni Taehyung pabalik at bumulong, "Wag kang iiyak dito ha. Tiis gwapo muna."
Natawa si Jimin at mas lalong hinigpitan ang yakap kay Taehyung. Nanatili sila sa ganung posisyon at nagsubuan...ng pagkain.
Sa dulong table ay nandun si Yoongi kasama si Namjoon. Nakatingin lang si Yoongi sa dalawa habang nakatingin naman si Namjoon sa karton ng gatas na hawak ni Yoongi.
"Kawawa naman yung karton sa sobrang higpit ng pagkapisil mo."
"Shut up." Sagot ni Yoongi at ibinato kay Namjoon yung karton. Dahil hindi sya nakatingin, hindi naman nya natamaan si Namjoon. Umiling lang si Namjoon at pinulot yung karton sa lapag.
Tinignan ni Namjoon sila Taehyung at Jimin. Siguro kung hindi nya kilalang magbestfriend ang dalawa baka isipin nyang magsyota 'to.
"Ang cute talaga nilang dalawa ano?"
"Magbestfriend lang sila pero parang magboyfriend!"
"Okay lang yun noh! Bagay kaya sila."
"Shut up!" Sa lakas ng pagkasigaw ni Yoongi, natigil sa paguusap ang dalawang babae at yung mga nakaupo sa hindi kalayuang table.
"Yoongi. Just go to their table. Ibang klase nahulog ka na nga talaga. Buti pa ako hindi, I will never fall for him."
"You'll eat your words one day." Sagot nya pabalik. Nagkibit balikat lang si Namjoon at pinagpatuloy ang pag kain sakanyang egg sandwhich.
Tatayo na sana si Yoongi para puntahan sila Jimin pero napatigil sya nung nakita ang dalawang nilalang na kinamumuhian nya na umupo sa table nila Jimin.
"What the fuck." Nanginginig na sa galit si Yoongi kaya pinaupo sya ni Namjoon.
"Bakit andyan si Jungkook at Taemin?!"
"Chill!" Sabi ni Namjoon.
"I have no time to chill!" Kumalas si Yoongi sa pagkahawak sakanya ni Namjoon at nagdabog papunta kila Jimin. Sa gilid ng mata ni Jimin nakita nyang paparating si Yoongi pero hindi syang umasa na papunta sya sakanya.
"Jimin would you coll-"
Bago pa matapos ni Taemin ang sasabihin nya ay agad ng hinila ni Yoongi sj Jimin palayo at mahigpit na hinawakan ang braso nya.
"Ano ba?!"
"Just shut up and come with me." Seryoso at matigas na sabi ni Yoongi kaya wala syang magawa kundi sumunod.
"Ano daw? Cum?" Bulong ni Taehyung kay Jungkook pero hindi sya nito pinansin at nakatingin lang kila Jimin at Yoongi.
Hanggang makalabas ay hawak parin ni Yoongi ang braso ni Jimin.
"Ano bang problema mo ha? Para ka namang tanga e." Iritadong sambit ni Jimin at kinalas ang kamay ni Yoongi.
"You are my problem! It's been days and you're just ignoring me."
"Pake ko ba sayo ha."
"Jimin pwede ba kung anong gusto mong sabihin sakin sabihin mo na? If you will keep on denying what your heart really wants, walang mangyayari."
Hindi nagsalita si Jimin pagkatapos ng sinabi ni Yoongi. Yunuko lang ito. Matapos ng ilang segundo nagsalita si Jimin,
"Natatakot kasi ako n-na m-masaktan."
Inangat ni Yoongi ang ulo ni Jimin at nginitian sya, "Please look at me."
Tumingin si Jimin at nakita ni Yoongi yung luha nyang namumuo.
"Trust me."
---
miss nyo ko? hehehe 👅
BINABASA MO ANG
hoy! | yoonmin
Fanfiction✫彡𝑪𝑶𝑴𝑷𝑳𝑬𝑻𝑬𝑫 YOONMIN EPISTOLARY TRILOGY: BOOK ONE ────────────────── ❝ hoy! alam mo ba crush kita? ❞ ❝ no offense pero hindi ako bakla ❞ ────────────────── sadseouls © 2017