047

1.1K 66 1
                                    

Nagmamadaling kumilos si Jimin. Hindi man lang nya nareplayan yung message ni Yoongi sakanya dahil sa unknown number na sumira ng umaga nya. Nagpapanic na rin sya dahil sa bestfriend nya. Hindi naman kalayuan yung lugar. Malapit lang naman ang park at nasa tabi lang yun ng dance studio.

Nang nakarating na sya ay dun nya naramdaman ang kaba. Umaga naman kaya siguro walang tatangka sa buhay nya o sa bestfriend nya. Ganon ba kaimportante ang kwentong sasabihin sakanya na pati bestfriend nya ginagamit para lang malaman nya. Kung ano man yun ay sana, walang magbago.

"Jimin." Ani ng isang pamilyar na boses.

Pagkatalikod ni Jimin ay bumulaga sakanya ang isang lalaking hindi nya inaasahan kasama ni Taehyung na umiwas lang ng tingin sakanya. Ngumisi Jimin at tinaasan sila ng kilay. Pinagtitripan lang ba sya? Ito ba ay isang biro lang?

"Jungkook at Taehyung. Ginagago nyo ba ako?" Madiing sambit ni Jimin.

"Pinaglalaruan nyo ba ako ha? O kaya naman gusto nyo lang ako takutin?" Mas lalong lumakas ang boses nya. "Kasi kung yun lang yung punto nyo then fucking congrats! Natakot ako!"

"Ikaw Taehyung? Sinakyan mo talaga trip nya noh? Pinahirapan nyo pa sarili nyo, pwede nyo naman akong kausapin na walang unknown bullshit pa! Paintense tayo ganon? Ano 'to movie?!" Namumula si Jimin dahil sa galit. Pinipigilan nya rin yung luhang gustong kumawala sa mga mata nya.

"Jimin, pakinggan mo muna kami" Sabi ni Taehyung.

"Sabihin nyo na ngayon na kasi pagkatapos nito, ayoko ng makita yung pagmumukha nyo." Ani nya.

"Plano na talaga ni Jungkook 'to kahit hindi pa ako umaamin na gusto ko sya. Sinabi nya yung gusto nyang gawin para makipagkita sayo. Ako ang nagsabi na gamitin nya ako para mapapayag ka." Hinigpitan ni Taehyung ang hawak sa kamay ni Jungkook.

"Sana sinabi mo nalang sakin Taehyung na may gustong sabihin si Jungkook sakin, hindi yung hahantong tayo sa ganto."

"Hindi pwede." Singit ni Jungkook. "Hindi pwede kasi kapag nalaman ni Yoongi na gusto kong makipagusap sayo, hindi sya papayag. At alam kong susunod ka sa sasabihin nya."

"Bakit hindi sya papayag?" Tanong ni Jimin.

"Kasi alam nyang alam ko ang sikretong tinatago nya." Lumakas ang tibok ng puso nya sa sinabi ni Jungkook. Anong mga sikreto ba ang tinutukoy nya.

"Pumunta tayo sa cafe malapit dito at dun mo sakin sabihin lahat." Sabi ni Jimin.

Tumango si Jungkook at nagsimula silang maglakad. Tinanggal ni Taehyung ang kamay nya na nakahawak sa binata at pumunta sa tabi ni Jimin. Kinuha nya ang kamay nyang malamig. Hindi na tumanggi si Jimin kahit naiinis sya kay Taehyung pero naiintindihan nya kung bakit nya yun ginawa.

hoy! | yoonminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon