CHAPTER 2: Lonely Nerd

1.9K 44 0
                                    

Chapter 2

KACEY SANDOVAL POV

NAGLALAKAD ako ngayon dito sa eskinita na shortcut papunta sa paborito kong bookstore. Dito lang kasi ako nakakahanap ng mga libro na gusto ko. Yung iba kasing bookstore hindi kompleto. Nang makarating na ako sa bookstore ay agad akong pumasok at hinanap yung libro na bibilhin ko. Habang naghahanap ay napansin ko yung isang lalaki na kanina pa pabalik-balik parang may hinahanap siya. Nasa Romance section siya at tahimik na tinitignan ang nga libro doon habang nakahawak sa baba niya. Dahil sa curious ako ay nilapitan ko siya.

"Ah Excuse me? Pansin ko kasi kanina ka pa pabalik-balik diyan." Pag-agaw ko sa pansin niya.

"Ah ganun ba? Eh kasi nag hahanap ako kung anong magandang libro." Sabi niya at parang nahiya pa.

"Ano bang klaseng libro ang hanap mo?" Tanong ko sa kaniya.

"Yung gusto ng babae." Sabi niya. Siguro para sa girlfriend niya.

"Ano bang klaseng babae siya?" Tanong ko

"She's Sweet, Mahilig sa romantic stories, kikay, at medyo mahinhin na babae." Pag-describe niya.

"Alam ko na." Sabi ko at hinanap yung libro na unang pumasok sa isip ko

Gotcha!

"Ito oh." Sabi ko sabay abot sa kaniya nung librong kinuha ko.

"Sigurado ka?" Tanong niya

"Yup." Sagot ko. Ngumiti naman siya sa akin at nag-thank you tsaka pumunta sa counter at binayaran yung libro. Ako naman ay hinahanap parin yung libro na bibilhin ko. Bakit kasi ang hirap hanapin nun?
Ilang saglit pang paghahanap ay sa wakas nakita ko na din.

Gotcha!

Buti naman at may stock pa nito alam ko kasi maraming bumibili nito. Pumunta naman na ako sa counter at binayaran yung libro na binili ko. Pagkatapos kong bayaran ay lumabas na ako ng bookstore at nagsimula ng maglakad pauwi ng bahay. Medyo malapit nalang dito yung bahay namin kaya okay lang na lakarin.

Sana hindi ito makita nila mama at Papa kasi paniguradong lagot ako.


VIEL CONSTANTINO POV

Nandito ako ngayon sa kwarto ko and as usual nagbabasa nanaman ako ng paborito kong libro. Ito lang din kasi ang libangan ko dito. Tamad ako minsan sa social media kaya nga NERD ang tawag sa akin ni Kacey kasi daw kahit man lang 10 minutes ay hindi ako nagtatagal sa facebook para makipag socialize sa iba na para sa akin ay weird dahil bakit alam niya na hindi man lang ako tumatagal ng 10 minutes sa pagpe-facebook? Sinara ko ang libro na hawak ko at naisipan kong bumaba muna dahil dinner time na. Sure naman ako na wala nanaman sila, na ako nanaman ang kakain mag-isa. Tsk I hate this kind of life. Boring na nga ang buhay ko bilang school nerd pati ba naman dito sa bahay?

"Manang kumain na po ba kayo?" Tanong ko sa head ng mga kasambahay namin—si Manang Pia

"Hindi pa po Young master." sagot ni Manang Pia

"Sabayan niyo na po ako wala naman akong kasabay kumain eh." Sabi ko at umupo sa isang upuan.

"Naku Young Master wag na po." Pagtanggi ni Manang Pia

"Sige na po sabayan niyo na ako. Ang lungkot kaya kumain mag isa." Malungkot kunyaring sabi ko at mukhang nadala naman doon si Manang

"Kung mapilit po kayo Young Master edi sige po." Sabi niya at umupo na sila at sabay sabay kaming kumain. Minsan sila manang ang kasabay ko kumain kapag walang ibang tao dito sa bahay. Tsaka sila lang naman lagi ang sumasalubong sa akin pagka-uwi ko galing school.

"Ah manang bukas po pala sa condo na ako titira." Sabi ko

"Bakit naman Young master?" Tanong niya at napatigil saglit sa pagkain.

"Miss ko na po kasi yung condo ko ilang buwan na din po kasing hindi natitirahan." Sabi ko. Tsaka sayang yung binabayad ko kung hindi ko rin yun titirahan.

"Sige iho sasabihin ko nalang kila Ma'am at Sir na sa condo ka na titira." Nakangiting sabi ni Manang kaya ngumiti lang din ako sa kaniya.

Natapos na kaming kumain ng dinner at agad akong umakyat papunta sa kwarto ko. Tomorrow is a new day, new assignments, at new tutorial lesson nanaman with Kacey. –___– minsan talaga nakakapagod kapag si Kacey ang tinuturuan ko pero no choice ako kaya kailangan ko ng matulog ngayon.

Goodnight world!

⚜⚜⚜

© mareezura

A/N:

Here's my other stories

HELLMATE
https://www.wattpad.com/story/230502284?utm_medium=link&utm_content=story_info&utm_source=android

Rose For Rosy
https://www.wattpad.com/story/173597493?utm_medium=link&utm_content=share_writing&utm_source=android

My Idol Wife
https://www.wattpad.com/story/186224721?utm_medium=link&utm_content=share_writing&utm_source=android

Au Revoir
https://www.wattpad.com/story/219160382?utm_medium=link&utm_content=share_writing&utm_source=android

Or you can just visit my profile para mabasa mo ang iba ko pang stories.

Please don't be a silent reader.
Vote. Comment. Follow.

Ang Alalay Kong Sadista [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon