OS: Casa De Luna

552 1 0
                                    

Simpleng buhay, iyan ang meron si Elois bago niya mapasok ang isang napakalaking bahay kung saan naninirahan ang pamilya na hindi pangkaraniwan. Pamilya na may madilim na sekreto na magiging dahilan upang mawala sa kaniya ang simpleng buhay na meron siya.

   Casa De Luna --- Iyan ang tawag sa bahay ng isa sa pinaka nakakatakot na pamilya sa bayan ng Cosima, Doon din nakalagi ang namumuno sa bayan ng Cosima na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikita ng iba.

***

Kabanata 1

NASAAN na ba ang batang yun? Naku naman talaga kapag nakita ko siya malilintikan siya sa akin! Ala-sais na ng gabi at hindi pa kami nakakauwi at siyempre ako nanaman ang lagot kay papa.

"Naku lagot ka talaga sa akin Jayson." Gigil na bulong ko sa hangin.

Maglalakad na sana ako pabalik sa school nang makita ko ang mga kaibigan ng magaling kong kapatid, nagkatinginan pa kami pero bigla silang tumalikod at alam ko naman na umiiwas sila sa akin. Hinabol ko sila bago pa sila makatawid sa kabilang kalye dahil baka malusutan pa ako ng dalawang ito mahirap na –___–

"Nasaan si Jayson?" Tanong ko sa kanila.

"Ate Elois, Ikaw pala hehe." Sabi ni Dennis habang pilit na nakangiti.

"Oo ako nga, nasaan si Jayson?" Pag-ulit ko sa tanong.

"Ate gabi na ah, bakit hindi ka pa umuuwi?" Sabi naman ni Leo. Magaling ito pagdating sa pakikipag-usap kaya lang hindi na yun e-epekto sa akin.

"Sabihin niyo kasi kung nasaan si Jayson para makauwi na ako." Sabi ko habang nakangiti sa kanila pero yung ngiti ko yung ngiting naiinis na.

"Eh ate... Ano eh... Hehe." Sabi ni Dennis na halatang kinakabahan. Sa kanilang magkakaibigan ay siya ang hindi magaling magsinungaling.

"He he, bilis bilisan niyo ang pagsabi dahil kapag ako nainip magsusumbong ako sa mga magulang niyo na lakwatsa lang kayo ng lakwatsa." Pananakot ko sa kanila at umepekto ito dahil nakita ko na bigla silang natakot sa banta ko.

"Wag naman ate." Nakangusong sabi ni Leo.

"Kaya nga sabihin niyo na kung nasaan si Jayson."

"Nasa kompyuter shop ni Mang Ino si Jayson, Ate." Sabi ni Dennis na kinakunot ng noo ko.

Malayo ang kompyuter shop ni Mang Ino dahil lagpas bayan na iyon at papunta na iyon sa bahay ng pinuno ng bayan namin at hindi maganda na abutin ng gabi doon dahil bali-balita na may halimaw na gumagala sa lugar na iyon. Lagot talaga sa akin ang batang iyon!

"Oh sige magsi-uwi na kayo at gabi na." Sabi ko at tinalikuran na sila. Mapapagastos pa ako ng dahil lang sa kaniya. Yung ipon ko mababawasan nanaman!

Naglakad ako hanggang sa mapunta ako sa sakayan ng traysikel. Hindi ganun kahaba ang pila kaya agad akong nakasakay. Nagbayad na ako kay Manong Drayber ng pamasahe ko dahil mamaya ay baka makalimutan ko pa mahirap na baka mamaya habulin ako ni Manong Drayber hanggang bahay.

Isa isang nagbabaan ang mga nakasabay ko kaya ngayon at a nalang mag isa ang sakay ng traysikel. Medyo kinikilabutan na din ako dahil ang dilim ng lugar papunta sa kompyuter shop ni Mang Ino. Wala na din masyadong bahay sa lugar na ito dahil nga sa takot nila sa Pinuno ng bayan kahit na wala pang nakakakita sa kaniya.

"Ineng Sigurado ka ba na kila Mang Ino ka pupunta?" Tanong bigla ni Manong Drayber

"Opo Manong, Susunduin ko ho kasi ang kapatid ko dahil tinakasan niya ako kanina" Sabi ko

"Ay naku Ineng eh wala ng traysikel ang nadaan dito kapag ganitong oras alam mo naman iyon diba?" Sabi niya

"Siguro lalakarin nalang namin ng kapatid pauwi sa bahay Manong" Sabi ko

"Ay kawawa naman kayo kung lalakarin niyo pa bukod sa gabi na ay delikado rin alam niyo naman ang kwento dito, Sige Ineng hihintayin ko nalang kayo ng kapatid mo at isasabay sa pag uwi" Sabi ni Manong na dahilan para mapangiti ako

"Talaga ho Manong? Maraming salamat po" Sabi ko. Ngumiti lang si Manong at tumango

Ang bait ni Manong sana ay gabayan siya ng Diyos at sana gabayan din kami ng Diyos sa pag uwi namin.

⚜⚜⚜

Draft - January 31, 2019
Published - August 01, 2020

Ang Alalay Kong Sadista [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon