Kacey Sandoval POV
One...
Two...
Three...
Four...
Five...
Six...
Seven...
Eight...
Nine...
Ten...
"Ayoko na!"
"Kacey! Kacey! Anong nangyare sayo?!" Napabangon ako sa pagkakahiga ng marinig ko ang pagsigaw ni mama.
"Ma?! Bakit po?!" Tanong ko
"Anong nangyare sayo? Bakit ka sumigaw?" Tanong ni Mama. Tsaka lang pumasok sa isip ko na sumigaw nga pala ako ng malakas.
"Ah Ma wala po yun." Sabi ko at ngumiti.
"Naku kang bata ka! Pinag-alala mo ako!" Sigaw ni mama sabay kurot sa tagiliran ko.
"Aray ma ang sakit!" Daing ko
"Kasalanan mo yang bata ka!" Sabi niya. Napasimangot naman ako. Nakakainis naman! Wala na nga akong pera wala pa akong magawa! Weekend ngayon kaya nandito lang ako sa bahay. Para naman maginhawaan ang pakiramdam ko ay napagdesisyunan kong maligo muna tsaka naiisip kong maggala.
Pagkatapos kong maligo ay agad akong nagbihis ng isang hanging blouse at isang black jeans. Trip ko lang ngayon magdamit ng ganito sayang naman kasi hindi ko nasusuot.
"Ma! Alis po muna ako." Paalam ko kay mama
"Sige basta umuwi ka agad bago mag dilim." Sagot ni Mama. Wala si Papa ngayon kasi sabi ni Mama may inaasikaso daw. Agad akong lumabas ng bahay at naglakad papunta sa bookstore. As usual titingin nanaman ako ng libro.
"Hi miss." Napatingin ako sa gilid ko nang may mag salita at nakita ko na nakatingin siya sa direksyon ko. Tinignan ko naman ang kanan at kaliwa ko pati ang sa likod ko para masigiro na ako nga ang kausap niya.
"Ako?" Tanong ko. Tumango naman siya habang nakangiti.
"Bakit?" Tanong ko sa kaniya.
"You look familiar Miss." Sabi niya. Tinignan ko naman siya ng may pagtataka dahil sa sinabi niya.
"Ha? Baka nag kakamali ka lang kasi ngayon lang kita nakita eh." Sabi ko.
"Oh i'm sorry." Sabi niya. Nginitian ko lang siya at ganun din ang ginawa niya. Medyo awkward lang kasi hindi na kami nag-usap ulit.
"By the way i'm Zane and you are?" Pagpapakilala at tanong niya.
"I'm Kacey." Pakilala ko din sa kaniya.
"Hmmm so Kacey libre ka ba?" Tanong niya. Nagulat naman ako dahil sa tanong niyang iyon. Pumuporma ba 'to?
"Ha? Ah eh bakit?" Tanong ko
"Yayayain sana kita mag mall?" Alangan na sabi niya.
"Eh kaya lang kasi..."
"Yes I know na hindi pa tayo masyadong magkakilala I understand." Sabi niya at ngumiti. Okay lang naman siguro 'no? Mukha naman siyang mabait.
"Okay lang naman eh." Sabi ko
"Talaga?" Tanong niya. Tumango lang ako sa kaniya at ngumiti.
***Mall
"So may boyfriend ka na?" Tanong ni Zane
"Wala." Sagot ko
"Wala? Are you sure? Sa ganda mong yan wala?" Tanong niya. Ramdam ko naman ang pag-init ng pisngi ko dahil sa sinabi niya.
"Hindi naman ako maganda." Sabi ko.
"Sinong nagsabi?" Tanong niya. Umiling nalang ako sa kaniya.
"Hahaha you're so cute Kacey." Sabi ni Zane na lalong nagpa-init ng pisngi ko
"Loko ka! Kakakilala palang natin kung ano ano na ang sinasabi mo!" Sabi ko. Natawa naman siya kaya napangiti ako pero bigla rin yun nawala.
"What are you doing here?"
Seryosong tanong ng lalaking nakasalubong namin."Boss?"
⚜⚜⚜
#SincerelyNona
Edited.
Vote. Comment. Follow.
BINABASA MO ANG
Ang Alalay Kong Sadista [COMPLETED]
Teen FictionAnong mangyayare sayo kung ang makukuha na alalay mo ay isang... SADISTA? Mag papatalo ka ba sa pagiging SADISTA niya? It's a Story that full of twist. Date Started: 06/04/17