Kacey Sandoval POV
"Kacey Sandoval!" Nagulat ako nang may biglang sumigaw sa akin at pagkatingin ko ay si Chloe lang pala.
"Problema mo?" Walang ganang tanong ko.
"Tulala ka dyan, may nangyari ba?" Tanong niya. Umiling lang ako.
"Naku ikaw ha magkwento ka naman alam kong may nangyari" Pangungulit niya.
"Wala nga chloe" Pagtanggi ko.
"Girl ayos ka lang ba? Bakit parang ang tamlay mo?" Seryosong tanong niya. Umiling lang ulit ako at yumuko sa desk ko.
I'm not feeling well today.
Viel Constantino POV
"Magandang umaga sa inyong lahat." Bati sa amin ng aming teacher sa Filipino.
"Magandang umaga rin po." Sabay sabay na bati namin pero napansin ko si Kacey ay nakaupo lang at nakatungo sa desk nya.
"Ngayon ay gagawa kayo ng isang tula para sa taong inyong hinahangaan." Sabi ni Ma'am Sanchez. Nagpatuloy lang sa pagdiscuss si Ma'am about sa gagawin namin umikot-ikot din siya para tignan ang mga gawa namin. Tumigil siya sa tapat ni Kacey at kinalabit niya ito.
"Ms. Sandoval, ayos ka lang ba?" Tanong ni Ma'am Sanchez kay Kacey
"Opo Ma'am." Tipid na sagot ni Kacey.
"Sigurado ka?" Tanong pa ni Ma'am sa kaniya. Tumango lang si Kacey kaya nagpatuloy sa pag-ikot si Ma'am. Tinignan ko lang si Kacey. Iba talaga ang pakiramdam ko kaya lumapit ako sa kaniya at hinawakan yung braso niya at doon ko naramdaman na hindi normal yung init niya.
"Kacey are you alright?" Tanong ko. Tinignan niya lang ako na para bang hinanghina siya. "Kacey." Pagtawag ko sa kaniya.
"Naku Viel kanina pa nga yan ganyan eh. Ang tahimik niya masyado." Sabi ni chloe
"Ma'am pwede ko po bang dalhin si Kacey sa clinic?" Tanong ko kay Ma'am
"Bakit anong nangyare?" Tanong ni Ma'am
"I think kanina pa masama ang pakiramdam niya tsaka hindi po norma yung init niya. May lagnat po ata siya." Sabi ko.
Tumango naman si Ma'am bilang pagsang-ayon. Agad kaming lumabas ni Kacey sa classroom para pumunta sa clinic. Habang papunta ay bigla nalang siyang natumba.
"Kacey!"
Kacey Sandoval POV
Argh ang sakit ng ulo ko. Ano bang nangyare?
"Gising ka na pala Kacey." Napatingin ako sa gilid ko dahil may biglang nagsalita.
"Bakit ako nandito?" Tanong ko
"You passed out." Simpleng sagot niya.
"Tapos?" Tanong ko
"Tapos? Tapos na." Sagot nya
"Ano ba? Umayos ka nga ng sagot!" Sigaw ko sa kaniya.
"Wag ka ngang sumigaw!" Sabi niya at parang nairita pa.
"Nerd!" Sigaw ko
"Okay okay eto na nga eh. Nung nahimatay ka dinala agad kita dito sa clinic kaya lang walang nurse kaya ako ang nag-alaga sayo. Happy?" Paliwanag nya at naging sarcastic pa siya sa huling salita niya.
"Sasagot din naman pala ng maayos." Sabi ko sabay hagis sa kaniya ng unan.
"May sakit ka ba talaga? Sadista ka talaga!" Sabi niya habang hawak yung unan.
"Anong sabi mo?!" Tanong ko sa kanya
"Wala!" Pagsigaw niyang sagot.
"Sinisigawan mo ako?" Tanong ko.
"Hindi ah ganun talaga ako magsalita minsan." Sabi niya gamit ang mahinahon na boses.
"Pinagloloko mo ba ako?!" Tanong ko sabay hagis ulit sa kaniya ng unan.
"Ahh! Ang sadista mo talaga!" Sigaw niya. Tinignan ko lang siya ng masama.
"Ikaw na nerd ka humanda ka sa akin!" Sigaw ko at bumaba sa clinic bed at hinabol siya.
"Kacey sorry na!" Sigaw niya
"Lagot ka sa akin!"
⚜⚜⚜
#SincerelyNona
Edited.
Vote. Comment. Follow.
BINABASA MO ANG
Ang Alalay Kong Sadista [COMPLETED]
Teen FictionAnong mangyayare sayo kung ang makukuha na alalay mo ay isang... SADISTA? Mag papatalo ka ba sa pagiging SADISTA niya? It's a Story that full of twist. Date Started: 06/04/17