Kacey Sandoval POV
2 weeks na ang nakakalipas mula nung makita namin si Chloe at Sven sa star city. Hindi sila nakaligtas sa mga tanong ko at nalaman ko—i Mean namin ni Viel na nililigawan na pala ni Sven si Chloe at ang bruha kilig na kilig habang nag kwekwento. 2 weeks na rin na tuloy tuloy ang pagpasok ko kay boss V and thanks God hindi pa niya ako tinatanggalan ng trabaho. May napapansin din ako minsan sa kaniya na hindi ko maexplain pero kasi parang pareho sila ni—
"Kacey!"
"Ay kabayo! " Sigaw ko dahil sa gulat.
"What? Sinong kabayo?" Tanong ni boss V. Langya, si Boss V lang pala.
"Nagulat lang po ako boss." Sabi ko. Nakipagtitigan pa sa akin si boss pero siyempre hindi ako papatalo. Nakipagtitigan din ako pero habang nakatingin ako sa mga mata nya isang tao lang ang pumapasok sa isip ko.
"Nerd..." Nakita ko ang gulat sa mukha ni boss V pero agad din niya iyong nabawi.
"Nerd? Ako nerd? Sa gwapo kong 'to?" Mayabang na sabi niya
"Yabang." Bulong ko pero mukhang narinig niya dahil kumunot ang noo niya.
"Bakit mo nga po pala ako tinawag?" Pag-iiba ko.
"Bili ka ng pizza." Sagot naman niya.
"Akin na po ang pera?" Sabi ko at inilahad ang kamay ko sa harap niya. Binigyan naman niya ako ng 1000. Sa Greenwich daw ako bumili. Ang arte mapapalayo pa tuloy ako.
***Greenwich
"Ma'am eto na po yung order niyo." Sabi nung nasa cashier. Agad ko naman binigay ang bayad at lumabas pero siyempre kinuha ko muna yung sukli. Wala akong pamasahe eh. Habang naghihintay ng taxi ay biglang may tumabi sa akin.
"Zane."
"Hi Macey." Bati niya sa akin.
"Ah hello kamusta?" Tanong ko
"Ito okay lang, ikaw ba?" Tanong niya.
"Okay lang din naman." Sagot ko
"Saan ka galing?" Tanong niya.
"Bumili lang ng pagkain."
"So uuwi ka na?" Tanong pa niya.
"Hindi pa kay Boss V kasi ito sa condo niya ako babalik." Sagot ko.
"Really? Doon din ako papunta ngayon." Nakangiting sabi niya.
"Eh ano namang gagawin mo dun?" Tanong ko.
"Bibisitahin lang si Vi— Vandrace." Sagot niya at bahagyang natigilan nung sasabihin niya na ang pangalan ni Boss V.
"Ah matagal na ba kayong mag kaibigan?"
"Yes." Sagot niya. Natahimik kami ng ilang minuto hanggang sa may nakita kaming taxi.
"Oh ayan na pala yung taxi." Sabi niya. Pinara niya yung taxi at huminto naman ito sa tapat namin. Pinagbuksan niya ako ng pinto at pinaunang pumasok tsaka siya sumunod.
***Condo Unit
"Bakit ngayon ka—bakit kasama mo siya?!" Bungad sa amin ni boss V pagkadating namin sa unit niya. Hindi naman siya pinansin ni Zane at deretsong pumasok sa unit ni boss V samantalang ako ay nagexplain sa kaniya.
"Umalis ka na." Sabi ni Boss V kay Zane.
"Easy dude. Nandito lang ako para kamustahin ka." Sabi ni Zane habang tinitignan ang kabuuan ng unit ni boss V.
"Ah boss V ito na po pala yung pizza." Pag-interrupt ko sa kanila.
"Thanks." Sabi ni Boss at kinuha yung pizza.
"So kamusta?" Pagtatanong ulit ni Zane. Hindi ba niya ramdam na ayaw ni Boss na nandito siya?
"I'm fine, now you can go." Sabi ni Boss. Sunget naman nito ni boss V. Mabait naman ni Zane eh, makulit nga lang.
"Bad Vi—Vandrace tsk tsk tsk." Sabi ni Zane. Tinignan naman sya ng masama ni boss V.
"Fine. Bye Kacey at sayo din VANDRACE."
⚜⚜⚜
#SincerelyNona
Edited.
Vote. Comment. Follow.
BINABASA MO ANG
Ang Alalay Kong Sadista [COMPLETED]
Teen FictionAnong mangyayare sayo kung ang makukuha na alalay mo ay isang... SADISTA? Mag papatalo ka ba sa pagiging SADISTA niya? It's a Story that full of twist. Date Started: 06/04/17