Kacey Sandoval POV
"Good morning Chloe, good morning Sven, good morning Kacey." Masiglang bati ni nerd sa amin. Nakakapagtaka at bumati siya ng goodmorning sa amin kasi kapag pumapasok siya ay deretso siya lagi sa upuan niya.
"Anong nakain mo Viel?" Tanong ni Chloe.
"Hmm wala naman good mood lang ako." Sagot niya
"O—kay pero please lang wag kang ngumiti. It's creepy you know." Sabi ni Unggoy at parang nandidiri.
"Why so KJ Sven?" Tanong ni Nerd.
"Bumalik ka na nga sa upuan mo Viel nakakatakot yang ngiti mo." Sabi ni Unggoy. Sumaludo lang naman si Nerd sa kaniya tsaka bumalik sa upuan niya.
Medyo nakakainis na yung ngiti niya.*Lunch Break*
"Oh tapos ko nang gawin ang assignment mo sa English" Nakangiting sabi ni Nerd.
Pinapanuod ko lang siya kanina habang ginagawa niya yung assignment ko. Siya pa nga mismo ang nanghingi sa akin. Ngayong tapos na niya gawin ay nakangiti pa din siya nakakainis na sobra! Agad kong kinuha yung notebook ko at binato sa kaniya.
"Ah! Bakit mo ako binato ng notebook?" Tanong niya. Tinignan ko lang siya ng masama tsaka ko siya pinaghahampas.
"Nakakainis ka! Naiinis ako sayo kanina ka pa!" Sabi ko.
"Teka nga!" Sabi niya at kasabay nun ang paghuli niya sa kamay ko.
"Bitawan mo nga ako!" Sigaw ko sa kanya habang pilit inaalis ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
"Macey! Ano bang problema mo?" Tanong niya. Nang tignan ko ang mata niya ay nakita kong may bahid ng lungkot yung mata niya at hindi ko maintindihan kung bakit.
"Kanina pa kasi yang nakakainis na ngiti na yan sa labi mo hindi maalis-alis!" Inis na sigaw ko. Bigla naman nag bago ang expression ng mukha niya.
"Kaya ka ba nagkakaganyan dahil sa ngiting 'to?" Tanong niya sabay ngiti. Sa ginawa niya ay mas lalo akong nainis kaya nung nakawala ang kamay ko sa pagkakahawak niya ay agad ko siyang pinaghahampas ulit.
"Nakakainis ka talaga Nerd!" Sigaw ko.
Viel Constantino POV
Pinanuod ko lang kung paano siya naglakad paalis dito sa garden. Bigla akong napangiti dahil sa pumasok na ideya sa isip ko. Hahahaha tama nga ako. Iniisip niya na iba ang may dahilan ng ngiti na ito. Kung alam mo lang Kacey na kagabi pa ang ngiti na 'to dahil sayo.
~~~
Nandito ako ngayon sa classroom at nakikinig sa teacher. Kahit nakikinig ako hindi ako makapag-concentrate dahil naaalala ko yung mukha kanina ni Kacey na galit.
Tsk! Kacey ano ba itong ginawa mo sa akin?
Kacey Sandoval POV
Uwian na at hindi muna ako pumunta sa condo unit ni Boss V dahil sa nangyari kagabi. Siguro magpapalipas muna ako ng ilang araw bago ulit pumasok.
"Kacey!" Napalingon ako nang may tumawag sa akin. Si Unggoy pala.
"Bakit?" Tanong ko sa kaniya
"Hmmm I just want to talk to you." Sabi niya.
"Tungkol naman saan?" Tanong ko.
"About me." Sabi niya kaya nagsalubong ang kilay ko.
"About you?" Pag-uulit ko sa sinabi niya.
"About me... falling in love to you."
Viel Constantino POV
Lumabas na ako ng classroom at naglakad sa hallway habang nakangiti pero unti-unting nawala yung ngiti ko nang makita kong magkasama si Kacey at yung Unggas lalo na nung marinig ko ang sinabi ni Sven.
"About me... falling in love to you."
What the?! Tama ba ang narinig ko?
⚜⚜⚜
#SincerelyNona
Edited.
Vote. Comment. Follow.
BINABASA MO ANG
Ang Alalay Kong Sadista [COMPLETED]
Teen FictionAnong mangyayare sayo kung ang makukuha na alalay mo ay isang... SADISTA? Mag papatalo ka ba sa pagiging SADISTA niya? It's a Story that full of twist. Date Started: 06/04/17